Chapter 13

97.2K 1K 72
                                    


Krisha's POV

Tahimik na kami nung pauwi.

Wala nagsasalita nang makasakay kami sa kotse hanggang makarating kami sa bahay.

Ang dami daming gumugulo sa isipan ko ngayon. Parang kanina lang ang saya-saya pa namin tapos ngayon ang bilis naman bawiin sa akin.

Sino ka ba talaga Cindy?

Dire-diretso lang akong bumaba at pupunta na sana kwarto ko nang maramdaman kong hinila ako nito at niyakap.

Hindi muna ito umimik na lalong ikinagulo ng aking isipan.

Hindi ko alam Jeremy, pero parang ang hirap hirap mong basahin. Gusto kong sabihin sa kanya pero sarili ko mismong bibig walang masabi, tahimik ko lang pinapakiramdaman ang yakap niya.

"Don't mind what happened earlier. Wala lang 'yun." Sabi nito saka ako nito hinawakan sa magkabilang pisngi ko.

"Goodnight. Sleep ka na, tomorrow pupunta tayo kina Mommy." Dagdag pa nito saka ako hinalikan ako sa noo.

Hindi na ako nagsalita at sumunod na lang sa kanya.

Madaling araw ng magising ako dahil nauuhaw ako.

Bumangon naman ako at hinanap ang water tumbler ko nang makita kong hindi ko pa pala ito na-refill kaya napilitan akong lumabas at magrefill.

Pagdating ko nang kusina nakita ko si Jeremy sa dining table nakasubsob sa mesa na tila lasing.

Huh?

May mga empty cans sa harap nito na tila ubos na kaya itong isa ay labis na ang pagkalasing at hindi na nakapunta sa kwarto nito.

Bakit ba naglalasing ka, Jeremy ?

Paglapit ko rito ay siyang paggalaw ng ulo nito at napaharap sa direction ko.

"Ang ganda mo talaga..." nakangiting salubong nito na agad kong ikinangiti.

"Cindy...I love you..." agad namang napawi ang ngiti ko at tila nawala lahat ng dugo ko sa katawan sa narinig. Tila nanghina pa ako sa narini.

Nagmamadali namang tumayo itong si Jeremy na tila hindi lasing pero unang hakbang palang nito ay muntik pa niyang ikinatumba.

Agad ko naman itong inalalayan kasi masakit sa dibdib ang sinabi nito.

Tila for the nth time around na-reject na naman ako.

Habang papunta kami sa kwarto niya at inaalalayan ko siya ay tila ramdam na ramdam ko ang sakit sa aking dibdib, parang hindi ako makahinga.

Bakit naman ganito Jeremy ? Bakit ganito ang pinaparamdam mo? Hindi dapat ganito, Jeremy. Hindi.

"Jeremy naman bakit ganito ? Nasasaktan ako? Jeremy..." naiiyak na sabi ko dito nang mailapag ko siya sa kama niya at mahina siyang hinampas.

Mahinang ungol lang naman ang nirinig ko mula rito.

Puta.

Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon