Chapter 8

117K 1.4K 87
                                    


Krisha's POV

Nandito na ako ulit sa kwarto ko.

Dahil hindi naman natuloy ang paglalayas ko ewan ko ba pagdating talaga kay Jeremy ang lambot lambot ng puso ko.

Napahaplos naman ako ng tiyan ko.

Ang hirap tiisin ng Daddy mo 'nak. Masyadong soft ang Mommy mo.

Tinanong ko rin nga siya bakit gising pa siya nang mga ganung oras pero ang sabi niya hindi raw siya mapakali mula nung pumasok ako nang kwarto kaya sa sala na raw siya nahiga pero nung may narinig siyang yabag nagising raw siya agad at ayun po nahuli niya ako.

Tss. Kung araw araw ko kaya siyang iwan nang palagi niya akong iyakan. Hehe

Sa susunod 'I love you' na maririnig ko sa kanya talagang magpapakain ako ng buong subdivision namin.

Nakahiga ako habang yakap ang isang unang minsan kong kinuha sa kwarto ni Jeremy. Masyadong nakakaadik 'yung amoy niya kaya pati baby ko hinahanap hanap. Pinaglilihian ata ang Daddy.

Masyado nang late pero hindi pa rin ako makatulog baka ---

"Krisha..." rinig kong tawag mula sa labas.

Kaya agad agad naman akong napapikit at mahigpit na niyakap ang unan.

Baka isipin nun pinupuyat ko ang baby namin.

Sa mga nagdaang araw always maganda ang gising ko dahil si Jeremy ang bumubungad sa akin paglabas ko ng pinto.

Media Noche na mamaya. Kaya after namin magbreakfast ay nagpaalam siya na mamimili at huwag na ako sumama, magpahinga raw muna ako rito sa bahay.

Sweet.

Nagsabi rin nga siya na magtext lang raw ako if may ipapabili or may gusto ako hindi raw kung sinu-sino na naman maabutan niya dito sa bahay.

Hmp. Nagseselos ka lang eh.

Pero umabot na nang apat na oras si Jeremy sa labas pero wala pa rin siya.

Kinakabahn na tuloy ako. Gaano ba kadami ang binili 'nun ? Magluluto pa ako.

Nakaupo lang ako sa sala at nag-aabang na dumating niya, hawak ko na rin ang cellphone ko baka sakaling magtext siya.

Hanggang sa tumunog ang cellphone ko at bumungad ang text mula sa unknown number.

From : +6398161525**

"Hi. Are you Krisha? Finding Jeremy? He's here beside me, sleeping. Mukhang napagod for my advance gift this New Year. xox "

Hindi ko na malayan umiiyak na ako.

Ano na naman 'to Jeremy ? Ginagago mo nalang ba talaga ako ?

Mukhang wala na talaga akong pag-asa kay Jeremy.

Walang ingay lang ako humihikbi sa sofa nang may humablot nang cellphone ko at maya-maya pa ay may narinig akong tumilapon sa pader.

Wait 'yung cellphone ko.

Agad naman akong tumingin sa humablot at nakita ko si Jeremy na bakas ang galit sa mukha nito.

"...Jeremy.." sambit ko saka yumakap sa kanya.

Niyakap naman ako nito pabalik..

"Hush now, Krisha. I'm here..." sabi nito.

"Don't believe that text message, hindi naman totoo 'yun. I'm here.." pag-aalo nito sa akin.

Napaangat naman ako nang tingin sa kanya.

"Swear?" parang batang tanong ko sa kanya.

"Peksman ?" ulit ko pa saka tinaas ang hinliliit ko.

Natawa naman ito saka hinalikan ang ilong ko.

"I swear. I'm here and that's the proof." Agad naman akong namula sa ginawa nito.

Parang kanina sobrang iyak ko ngayon naman sobra yung kilig ko.

Pero hindi ko pinapahalata, baka lumaki ang ulo eh.

"Akala ko hindi na tayo makakacelebrate ng New Year's Eve together." Nakalabi kong sabi dito pero pinisil naman nito ang ilong ko.

"No way..." mahina naman nitong sabi.

"Lets' prepare ur Media Noche na. Natagalan lang naman ako dahil may kailangan lang akong bilhin. Wait." Sabi niya saka lumabas muli.

Pagbalik naman nito dala na niya 'yung mga pinamili niya.

Agad naman kami dumiretso sa kusina. Naghanda muna ako nang for lunch namin, nagugutom na raw ang asawa ko.

After lunch ay tumulong siya unti sa pagp-prepare ng mga lulutuin ko. Siya 'yung naghiwa ng ibang ingredients habang ako naman ang nagluto. Nakipaglaro pa nga ako sa kanya nung gumagawa ako ng cake dahil nung nasa icing na kami ay pinahiran ko siya sa mukha na agad naman nitong kinaasar dahil malagkit raw sinabihan ko naman siya na maliligo naman siya pero agad rin itong gumanti. Halos puno kami nang tawanan habang nagluluto.

Isang oras bago sumapit ang bagong taon ay tumawag pa ang family ni Jeremy para kumustahin kami. Baka bukas nalang raw sila pumunta at solohin raw muna namin ang isa't isa na agad naman naming ikinapula.

Si Tita talaga..

After nang tawag nila Tita ay agad naman itong tumayo at pagbalik ay may tatlong paper bag itong hawak.

Eh?

"Para sayo.." sabi niya

"Ha? Sa akin ? Tapos na ang Christmas Jeremy at... wala akong regalo para sa'yo." Nahiya naman ako dito, siya ang daming regalo para sa akin pero ako wala manlang regalo para sa kanya.

"Don't worry, sapat na kayo ni baby as a gift this year." Sabi niya saka pinisil ang ilong ko.

Namula naman ang mukha ko, nahihilig na si Jeremy magpakilig ah !

"H-Hoy ! Masakit ah. Tigil tigilan mo nga ang ilong ko. Hmp. Mamaya matanggal 'yan." Natawa naman ito sa sabi ko saka pinatong sa hita ko ang mga regalo niya. Iba't ibang size eh.

"Pero salamat ah. Sobra sobra naman ata ito." Sabi ko rito saka isa isang binuksan ang mga paper bag.

Una kong binuksan 'yung malaki na naglalaman pala ng isang Teddy Bear na color gray. Agad ko naman itong niyakap at kaamoy niya ! Sunod naman na paper bag ay isang Red Dress, ang ganda rin nito. It's an off-shoulder dress may lace sa baba. And the third paper bag ay cellphone hehe, mukhang naramdaman nito na bibigay na ang akin kaya binilhan niya ako.

Umangat naman ang tingin ko sa kanya saka lumapit rito at hinalikan siya sa labi.

"Thank you and Happy New Year, Jeremy ! I love you." Saktong pagsabi ko naman rito ay pagputok ng mga fireworks mula sa labas.

Ito na ata ang pinakamasayang Bagong Taon sa akin, sana magtuloy tuloy na. 

Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon