Krisha's POV
Nagising nalang ako na nasa hindi ako familiar na kwarto.
Nagbago ba ako ng design ng kwarto ko ?
Saka ko lang rin napansin na may mabigat na mga braso na nakapatong sa tiyan ko.
Pagtingin ko ng may ari ng braso na 'yun ay laking gulat ko nang makita ko...si Jeremy ?
Hala 'yung asawa ko...katabi ko.
Ano bang nangyari ?
Tatayo na sana ako nang gumalaw ito. Nagugutom na pa naman ako, hindi ko pa nga nababawasan 'yung dala ni Justine na Pizza.Pinilit ko muling makaalis sa pagkakayakap ni Jeremy sa akin pero parang mas lalong humihigpit ang pagkakayakap nito.
"Saan ka pupunta ?" nagulat muli ako nang magsalita siya.
Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Fudge, bakit ba ako kinakabahan?
"Ah..lalabas na sana ako, hindi ko naman kwarto ito." Sabi ko nalang pero hinila muli ako nito papalapit sa kanya.
"Dito ka naman muna. Okay ka na ba ?" sabi nito saka ko naramdaman 'yung paghaplos nito sa tiyan ko, nagsitayuan naman 'yung balahibo ko sa way nang paghaplos nito.
"Ano bang nangyari ? At paano ako napunta sa kwarto mo ---- ahhh." Hindi naman ako makatingin sa kanya nang maalala ko.
"Sorry Jeremy, ayaw ko lang naman na maabala ka kanina kaya si Justine ang tinawagan ko, baka kasi magalit ka sa akin eh.."
Nakita ko naman nagdilim ang itsura niya at napabangon pa siya sa pagkakahiga niya.
"Krisha naman, anak ko yang nasa tiyan mo ! Ako ang dapat nagbibigay ng mga kailangan niya at hindi 'yung lalaki na 'yun ! Ako dapat ang tinatawagan mo dahil responsibilidad ko yan." Galit na sabi nito sa akin na ikinatahimik ko naman.
Oo nga responsibilidad niya lang kami. Mabigat na responsibilidad.
Tumayo naman ako at nag-umpisang maglakad papalabas. Naiiyak na naman ako.
Pero bago pa ako lumabas ay nagsalita muli ako.
"Oo nga pala, responsibilidad mo nga pala kami. Pasensya na Jeremy ah dahil binigyan kita ng mabigat na responsibilidad. Sorry rin if naaabala ka namin.." sabi ko saka ako lumabas at dumiretso sa kwarto ko.
Pagpasok ko nang kwarto ko ay agad kong nilock at saka bumuhos ang luha ko.
Dumiretso naman ako sa kabinet ko at kumuha ng mga damit na pwede kong bitbitin.
Nasa gitna na ako nang paglalagay ng mga gamit ko nang may kumatok sa labas ng kwarto ko pero hinayaan ko lamang.
"Krisha ! Open the door !" tila galit nitong sigaw mula sa labas.
Pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa pagliligpit at nang matapos ako ay umupo muna ako sa aking kama.
Nakapagdesisyon na ako, bakit ko pa nga ba pinagsisiksikan ang sarili ko sa hindi naman ako mahal.
Napahiga nalang ako saka tumitig sa kisame.
Mamimiss ko itong bahay.
Napaunat naman ako at bigla akong napamulat.
Hala ! Nakatulog ako !
Agad ko namang kinuha ang cellphone ko at tinignan ang oras.
11:03pm na ! Shit ! Muntik pa maudlot ang pag-alis ko.
SIguro naman tulog na 'yun
Kinuha ko ang gamit ko at naglakad na papuntang pinto pero sinulyapan kong muli ang kwarto ko sa huling beses.
Mamimiss ko 'tong kwarto ko, lalo na 'yung bahay na 'to. Kahit papaano naging tahanan ko 'to nang ilang buwan.
Pagbukas ko nang pinto ay madilim na sa labas, tulog na siya.
Dahan dahan naman akong naglakad gamit ang ilaw ng cellphone ko.
Halos wala akong ingay na naglakad papalabas pero bubuksan ko na sana ang pinto naman nang may yumakap sa likod ko.
"Don't leave me, Krisha." Natuod naman ako sa kinatatayuan ako
"Sorry Krisha, Sorry sa mga nasabi ko. Please forgive me...Wag niyo ko iwan.." namimiyok na sambit niya.
"Please, I think...I think I like you..." dagdag pa nito nang manatili akong hindi nagsasalita.
Agad naman akong napaharap sa kanya at sinusuring tinignan siya.
"What ?" ulit ko pa.
"Gusto mo ako ? I mean ---- tingin mo ?" sabi ko rito na tila nabuhayan ang sarili ko na may improvement itong pagtitiis ko sa kanya.
Nakita ko naman siyang napangiti saka pinunasan ang maluha luha niyang mata saka ako niyakap.
Mahigpit ang yakap niya at nang lumayo siya muli ay agad niyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko saka ako hinalikan.
Nagulat naman ako sa ginawa nito saka nalang pumikit para damhin ang halik niya.
I think, I'll stay.
Maybe sooner or later magbubunga rin ang lahat ng ito, Krisha.
Hopefully hindi magtagal, 'mahal' na ang susunod na sasabihin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Unwanted Marriage
Teen FictionShe will do anything. She will risk everything. Just to be with him. Just to have him. Is it worth to wait? Or everything will be too late? (ERRORS EVERYWHERE MAIINIS KA LANG, SO READ AT YOUR OWN RISK) Copyright © May 2013