Krisha's POV
Nasa school na naman ako , pauwi na rin at hindi ko pa rin kasama si Jessa, masyado atang sino-solo ng boyfriend niya.
Edi sila na.
Dahil sa mga nanyari nitong mga nakaraang araw halos araw araw ako ang pinag-uusapan rito sa university namin. Yung mga tingin nilang grabe kung manghusga hindi naman nila alam ang tunay na kwento.
"Dumidikit dikit lang naman 'yan kay Jeremy para makahuthot ng pera, hampaslupa kasi." Bulong bulong nito nung dumaan ako.
Sige lang, hanggang salita lang naman kayo. Pero may mga times rin na kahit alam ko 'yung totoo hindi ko maiwasang masaktan sa mga pinagsasabi nila. Ang sasakit kasi nila magsalita.
Mag-iiba sana ako ng daan ko nang may mabangga ako.
"Sorry po." Nakayukong sabi ko.
"Stupida." Galit na angil nito sa akin na ikinaangat ko naman ng tingin dito.
Grabe naman 'to makapagsalita. Nag-sorry naman ako ah.
"Mawalang galang na po pero nagsorry naman po ako, I admit it's my fault pero kailangan po talaga tatawagin niyo pa akong 'stupida'. Hindi naman po ata tama 'yun." Sagot ko rito at nakita kong namula ito sa galit. Mother siguro 'to ng isang student dito, medyo nasa early 50's na rin ata.
"Aba't !" tumaas pa ang kamay nito at mukhang mananampal pero hindi na ito umabot sa pinsgi ko dahil hinawakan ni Jeremy ang kamay nito.
"Pasensya na po Tita pero wala naman po ata kayong karapatang pagbuhatan siya ng kamay." Sabi nito sa 'Tita' niya raw.
Kamag-anak niya 'tong maldita na 'to? Sana hindi.
"Walang modo." hinila naman nung matanda 'yung kamay niya at galit na umalis.
"Okay ka lang ba ?"
"Oo, okay lang ako." Nakatulalang sagot ko dito at aalis na sana nang hilain ako nito kaya ang mga tingin na naman ng mga estudyante sa akin ang sasama.
"Saan mo gusto pumunta?" tanong nito nang makapasok kami sa kotse niya.
"Gusto ko kila Aling Sena." Mahinang saad ko, isang turo-turo 'yun na kilala dahil malapit lang dito sa school namin.
Maya-maya huminto na kami sa isang tindahan at agad naman ako bumaba dahil natatakam na talaga ako sa kwek kwek at isaw.
Shet.
Pagpasok namin ay pinaupo ko muna siya.
"Dyan ka lang, ako na ang o-order." Sabi ko rito saka umalis.
Pagdating ko sa harap niya ay agad na kumunot ang noo niya sa mga order ko.
"That's too much, Krisha ! Unhealthy na nga 'yan dinamihan mo pa." sermon nito sa akin.
"Masarap naman 'yan eh." Sabi ko nalang saka umupo at inumpisahang lantakan ang mga binili ko.
Halos sunod sunod ang subo ko dahil talagang naglalaway na ako. Hmm.
Tumingin naman ito sa akin na parang may nakakaamaze akong nagawa.Pinagpilitan ko pa nga na subuan siya ng isaw nung una parang nandidiri pa siya pero nung matikman niya mukhang nagustuhan niya naman.
Tumunog naman bigla ang cellphone niya.
"Hello...Y-Yeah. I'll be there." Mabilis na sagot nito saka binaba ang phone nito.
"Halika, iuuwi muna kita." Sabi niya sa akin.
Ay hindi pa nga ako tapos kumain eh, gusto ko pa. Pero saan naman kaya pupunta 'to?
"Sige lang, mauna ka na dito lang muna ako." Sagot ko nalang sa kanya.
"Sure ka?" tanong pa ulit nito.
"Yep. Go na, bye." Sabi ko nalang rito at dali dali naman itong umalis.
Gaano ba kaimportante 'yang pupuntahan mo at nagmamadali ka pa ?
BINABASA MO ANG
Unwanted Marriage
Teen FictionShe will do anything. She will risk everything. Just to be with him. Just to have him. Is it worth to wait? Or everything will be too late? (ERRORS EVERYWHERE MAIINIS KA LANG, SO READ AT YOUR OWN RISK) Copyright © May 2013