BLOOD 11: The Start?

254 9 5
                                    

Kyaaah! Eto na, eto na! I’m not sure kung tama bang eto yung i-update ko (Medyo limot ko na yung plot eh) But yeah, nae-excite talaga ko XD

Mikay’s POV

*Bzzt bzzt*

Fr: Grey Flores

Goodmorning beautiful ;) I’ll pick you up ‘kay?

--

Pick me up? Anmeron?

.

.

.

.

Ay oo nga pala, nanliligaw nga pala siya. Tsss.

>>FLASHBACK<<

“M-mika! One more thing” sabi niya, kaya tinignan ko siya waiting for him to speak

“C-can I court you?”

Nanlaki talaga yung mata ko sa mga sinabi niya. Ako? Liligawan? Niya? Seryoso?

“G-grey..” I have no words to say. Bakit ganito? Masyadong nakaka-speechless yung line niya

“Alam kong masyadong mabilis pero ganito talaga ko, alam kong gusto kita, gustong-gusto. Kaya sana bigyan mo ko ng chance na pakita sayo yung pagmamahal ko, please Mika? Please?” nagulat ako nung kinuha niya bigla yung kamay ko at ‘please’ siya ng ‘please’. Papayagan ko ba siya?

“S-sige.” Wala naman sigurong masamang bigyan ko siya ng chance diba?

>>END OF FLASHBACK<<

Kaya eto ako ngayon, susunduin niya. Actually ayoko naman talaga sanang payagan siya kasi hanggang friends lang ang tingin ko sa kanya but he’s pleading. Sabi niya kasi wala siyang pake kung di ko siya gusto, basta maipakita niya sa aking gusto niya ko.

"Nak, may lalaki sa labas. Sino yun?" Nanlaki naman bigla yung mata ko. Wtf! Si tatay nga pala! Magagalit 'to!

"A-ah, tay--"

"Kung sino man yung lalaking yun, gusto ko siya para sayo." Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi siya nagalit? Kahit na lalaki yun? Wth?!

"S-sige po.." Sabi ko at naglakad na palabas. I really am avoiding tatay Dinoy. I can really sense something different eh.

"Hey there gorgeous! Flowers?" Nginitian ako ni Grey habang ino-offer yung flowers sakin kaya naman ngumiti din ako sa kanya pabalik at kinuha ko yung flowers. He's really sweet isn't he?

Sumakay na kami sa kotse niya at pumunta na ng school. On our way there kwento lang siya ng kwento ng kung anu-ano at nakikinig naman ako sa kanya, we're having this sort of a conversation pero siya lang yung nagiisip ng topic

"And meron pang time nun na mag-isa lang akong nag-lunch kasi wala yung tropa ko then suddenly nagsi-takbuhan sakin yung mga babae sa school hahaha!" Ang yabang niya 'no? Naguusap kasi kami nung first year days namin as highschool students eh

"Ang yabang mo din 'no? GGSS amp!" Sabi ko at umirap, tinawanan niya lang ako, abnormal talaga 'to! I wonder kung bakit wala pa 'to sa mental hanggang ngayon

"May maipagmamayabang naman kasi ako" sabi niya at humarap sa akin sabay pogi sign at kindat pa, umakto naman akong nasusuka sa harap niya

"Uggh! Kadiri! Ewww! Tigila--" di ko na na-tuloy ang pangko-kontra ko dapat sa kayabangan niya kasi bigla siyang nagsalita

"Ang cute mo" sabi niya habang nakatingin sa akin, napatigil naman ako sa sinabi niya. Okay, this is awkward.

"Ehem" I cleared my throat at umayos ng upo, tumungo din ako and silence filled the air, aiiish! Narinig kong napa-chuckle siya

Prophecy Blood and YOU?! (PBY) [BOOK 2 OF ISVK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon