BLOOD 1: Old but new

706 16 0
                                    

Hello guys! Mixed emotions talaga ako ngayon, hindi ko nga alam kung bakit ganyan yung title eh xD sensya na kung magulo.. Andami pong bagong info’s sa chapter na ‘to xD

P.S: Happy 2nd Anniversary sa iba pang mga EXOTIC dyan xD (Bakit, Kpopper ako eh! Haha!)

------------------------------------

Mikay’s POV

“WHAT THE HELL??!! Saan mo ba ko dadalhin?!” Iiiiiiiiiissshh!! Nakakainis na ‘tong letcheng kdnapper ko!!! Grrr

“Shut up!! Just chill okay! You’re not precious enough for us to kill you right away *rolls eyes* Hindi ka worthy na mapatay namin ‘no! tsss”  at nagumpisa na naman siyang mag-drive.. tsssss

Ever wondered kung anong nangyari after nung sayaw namin ni Gino?? Ganito kasi yun…

------------------FLASHBACK------------------

“I’ll miss you.. and I’ll always love you” matapos kong sabihin yan hindi ko na napigilan ang mga luha ko.. I gave a smack on his lips tapos naglakad na ko palayo..

H-hindi ko na kinaya.. my silent sobs went louder and louder hanggang sa napa-hagulgol na lang ako nung malayo na ako sa kanya

I’m sorry Gino..

Sorry kung hindi kita napaglaban..

Sorry kung kaylangan kitang iwan..

Sorry kung hindi ko na-suklian yung pagmamahal mo..

I made one last glance then I saw him.. Nandun lang siya..

Nakangiti siya pero bakas sa buong katauhan niya ang lungkot

Mas lalo akong na-luha ng makita ko siya sa ganong sitwasyon.. “I..i’m sorry G…gino..” I said then continued sobbing habang naglalakad palayo..

Hindi pa rin tumitila yung ulan pero hindi na siya ganun ka-lakas.. Sabi sa akin ni tatay Dinoy dati.. Kapag daw umuulan ng gabi ibig sabihin may mga nagluluksa daw.. Mukhang totoo nga yun..

Hindi  ko gaanong makita yung daan kasi bukod sa umuulan pa rin, yung mata ko hindi pa rin tumitigil sa kaka-iyak.. Hindi na ko humihikbi gaya ng kanina pero yung mga luha ko  tuloy-tuloy pa rin sa pag-daloy..

“T-teka! Saan mo ako dadalhin??!”

------------------END OF FLASHBACK------------------

*Sigh* Eto na naman..

Naiiyak na naman ako..

Yung mga traydor kong luha tumutulo na naman kaya wala na akong nagawa kundi yumuko na lang.. I didn’t utter any sound, basta iyak lang ako ng iyak..

Eto lang naman ang kaya kong gawin eh.. Sa sobrang pagka-duwag ko, iyak na lang ang magagawa ko.. Inangat ko ang ulo ko nung maramdaman kong tumigil ang sasakyan..

“Welcome home, b*tch” Pinunasan ko ang luha ko at inikot ang paningin ko.. T-teka.. Bahay namin ‘to nila ate at tatay diba?

Gino’s POV

“L-lumuha??!! I-ikaw!!!??” Tinignan ko si mama habang litong-lito siyang nakatingin sa akin.. Aish! Sabi ko na nga ba dapat hindi si mama ang nilapitan ko eh

“Forget about it..” I said in a very cold tone at dumiretso na ako sa kwarto ko..

Ganito na ako simula nung bumalik ako dito galing sa park, isang cold, emotionless at laging masungit na Gino.. Just like the old times.. Just like the old me..

Prophecy Blood and YOU?! (PBY) [BOOK 2 OF ISVK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon