Ayooo! Sarreh. Dapat kahapon pa 'to kaso nagloloko si Watty eh :/ nga pala. Flashback pa rin po ito :) at konti na lang. Emeghed. Andyan na si Twist! Waaaah!
~*~
Third Person's POV
Magmula nung araw na yun, unti-unti nang naging malalapit ang loob nila Luna at Lee kay Gerald. Halos araw-araw na ito sa bahay nila at mabuti na lang hindi sila nahuhuli ni Lyris at ni Vladimir kundi yari talaga sila.
"Hello Luna!" Sabi ni Gerald at biglang lumitaw sa harap ni Luna na kasalukuyang nagsusuklay ng buhok. Kasama pa nito nun si Flame kaya't aksidenteng nakabato ng fireball si Flame sa sobrang gulat
"Argh! Bakit ka ba nanggu-gulat?! Wala naman dito si Lee eh!" Sabi ni Luna at tinago na ulit si Flame, kadalasan kasi pag nagpupunta dun si Gerald si Lee ang sadya niya. Sila naman kasi talaga ang close.
"Hm? Asan si Lee?" Tanong ni Gerald, hindi alam ni Luna pero nalungkot siya. Siguro kasi tama yung hinala niya na si Lee lang talaga ang pinunta ni Gerald nun
"Nasa Ingglatera, dad said he'll introduce her to the newborns" sabi ni Luna, tumango na lang si Gerald. Akala ni Luna uuwi na din 'to kasi wala nga si Lee pero nagkamali siya.
"Pero, ayos lang yun! Ikaw naman kasi talaga ang pinunta ko dito" sabi ni Gerald habang nakangiti pa rin. Napatigil si Luna, merong kung ano sa loob-loob niya na parang gustong sumabog sa tuwa sa sinabi ng binata
"Psh. Umuwi ka na lang. Busy ako oh" sabi niya at umiwas ng tingin, sa di malamang dahilan nahihiya siya kay Gerald. Ayaw niyang makita nito na apektado siya sa mga pinagsasabi niya
"Busy? Nagsusuklay ka lang naman eh. Ano bang meron sa buhok mo?" Tanong ni Gerald. Pagdating talaga sa buhok ay napaka-conscious ng dalaga. Gusto niyang mahaba lang ito, itim na itim at laging nakalugay.
"Honestly, hindi ko rin alam. It's just that without my hair, I feel incomplete, I'll surely be a different person if my hair isn't the way it is now." Sabi ni Luna. Nag-usap pa sila dun ng nag-usap.
Habang patagal ng patagal mas nakikilala na nila ang isa't isa. Nagusap sila tungkol sa pamilya, gusto at ayaw nila, mga kaibigan at kung anu-ano. Habang patagal din ng patagal, may nararamdaman nang kakaiba si Luna. Isang pakiramdam na napakasarap, pero bawal. Alam niyang hindi yun pwede
"Edi na-basted ka nung niligawan mo?" Tanong ni Luna, kasalukuyan kasing nagkukwento si Gerald sa kanya
"Oo. Kaya simula nun nangako ako sa sarili ko na hindi na ko magkakagusto ulit!" Sabi naman ni Gerald. "Kaso. Wala eh, di ko napigilan." Dagdag pa niya na siyang nagpalingon kay Luna sa direksyon niya.
"So, may nagugustuhan ka?" Tanong ni Luna. She can't help but be curious. Who's the lucky girl?
"Pano kung sabihin kong kilala mo siya?" Sabi ni Gerald, napasinghap si Luna. Di kaya, si Lee ang nagugustuhan niya?
"Paano kung sabihin kong dito din siya nakatira?" Sabi ulit ni Gerald, nalungkot si Luna sa kaloob-looban niya. Syempre si Lee na yun. Mabait kasi siya eh, maganda, friendly at maayos ang pakikitungo sa kanya. Samantalang siya, suplada at madalas nagtataray.
"Ang kapatid ko ba?" Halos pumiyok at humikbi na si Luna. Tumayo na siya at tumalikod kay Gerald. Napapaisip din siya kung bakit ganun ang nararamdaman niya. Bakit nga ba siya naluluha? Dapat nga matuwa pa siya para sa kapatid niya eh.
"S-si Lee? Ahh--" hindi na pinatapos ni Luna si Gerald sa pagsasalita. may tumulo nang luha sa mata niya. Masakit. Masyadong masakit ito para sa kanya.
"I-ingatan mo ang kapatid ko ha? Ipi-- *sniff* ipinagkakatiwala ko na siya s-sayo. Wag kang mag-alala, g-gusto ka rin ng kapatid ko" sabi ni Luna at napapikit na habang dumadaloy ang luha galing sa mata niya. Gusto niya nang paalisin si Gerald, para mailabas niya na ang lahat ng sama niya ng loob. Sobrang naninikip na ang dibdib niya
"G-gusto niya--" naputol na naman ang pagsasalita ni Gerald nang magsalita ulit si Luna
"O-oo, gusto ka rin niya. Hintayin mo na lang siyang makabalik. M-makakaalis ka na, gusto kong magpahinga" hirap na hirap na siya. Parang pinipiga ang puso niya.
"P-pero-- sige na nga. Babalik na lang ako. Magpahinga ka na" nang marinig ni Luna ang pag-bukas at sara ng pintuan ng kwarto niya dun niya na pinakawalan ang mga hikbi na kanina niya pa pinipigilan. Nahiga siya sa kama ng nanginginig at palakas ng palakas ang hikbi niya hanggang sa napa-hagulgol na lang siya.
Napahawak siya sa dibdib niya, parang binibiyak ang puso niya. Sa di malamang dahilan eh nasasaktan siya. Alam niyang bawal ang nararamdaman niya, ayaw niyang masira ang relasyon nila ng kapatid niya kaya pilit niya pa ring tinatanggi na may nararamdaman na siya para kay Gerald.
"Luna.." Nagulat siya nang may yumakap sa kanya. Si Flame pala iyon, ni hindi niya man lang namalayang napalabas niya pala si Flame.
"Luna naman. Alam mong mali 'to diba?" Sabi ni Flame. Hindi na makapagsalita si Luna kaya tumango na lamang siya
"Sa ganitong sitwasyon kaylangan mong pumili sa dalawa, ang kapatid mong mahalaga o ang taong mahal mo ba?" Ayan na naman ang mga mala-talinghagang pahayag ni Flame.
"Hindi ko alam Flame. H-hindi ko alam" nahihirapan na siya. Mahal niya ang kapatid niya pero alam niyang mahal din niya si Gerald.
"Mag-desisyon ka na mahal na prinsesa, dahil isa lang ang dapat piliin sa dalawa"
~*~
Heyaaa! Late update 'to mga bae. Eym so sarreeeh! Pagod ako this past few days eh :(
BINABASA MO ANG
Prophecy Blood and YOU?! (PBY) [BOOK 2 OF ISVK]
Teen FictionONGOING || I used to be a simple bubbly girl with big dreams.. But when I met you ㅡ when I started to love you and live with you, EVERYTHING CHANGED. The PROPHECY changed me into something new.. My BLOOD hinders us from being happy with...