BLOOD 14: Commencement

167 5 6
                                    

Hiii! Hahahah! At dahil first time ko atang mag-update on time, magbunyi ang lahat! Hahahaha! *sabog confetti sabay palakpak* Anw, enjoy reading! Mahaba-haba din 'to ah!


Third Person's POV

Namataan ni Mikay ang sarili niyang nakahawak pa din sa kamay ni Lyris nang muli niyang idilat ang kanyang mga mata. Para siyang nagising mula sa isang panaginip- o marahil ay isang bangungot para sa kanya.


"A-ano y-yun?" tanong ni Mikay habang lumuluha pa. Alam niya kung anong pinapahiwatig ng nakita niya. Gusto niya lamang ng kumpirmasyon. Hindi niya matanggap ang nakita niya.


"Alam kong alam mo kung anong nakita mo, Luna. Alam kong kahit pano'y may naalala ka na. Anak wag mong pigilin ang mga alaalang pumapasok sa isipan mo. It's about time you remembered." Sabi ni Lyris kay Mikay/Luna na kasalukuyang nakatingin sa kanya na parang litong-lito. May mga imaheng pumapasok sa isipan niya na hindi niya alam kung bakit nakikita niya. Mga larawan kung saan makikita niyang kasama niya si Lee, Lexy, Lyris at ang dalawang lalaki sa nasaksihan niya kanina, sina Vladimir at Gerald.


"P-pwede mo bang ipaliwanag kung anong nangyayari sakin?" tanong ni Mikay/Luna kay Lyris. Kumukurap-kurap pa ang mata at sa bawat kurap ng mata niya'y paiba-iba ang kulay ng mga bagay, yun ay dahil sa nagbabago from black to red and mga mata ni Luna


"Luna, kilala mo naman siguro ang mga nakita mo sa isip ko kanina diba? Nakita mo naman ang mga mukha nila diba?" tanong ni Lyris sa dalaga, nanginginig namang tumango ng paulit-ulit si Mikay. Kilalang-kilala niya ang mga ito, siya bilang Luna, si Lee, at si Gino bilang Gerald.


"Luna ang napanood mo kani-kanina lang ay totoong nangyari. Nangyari ito sa nakaraan. At totoong kayu-kayo ang nasa pangyayaring yun" sabi ni Lyris, 'kailan nangyari yun? Bakit wala akong matandaang nangyari yun?'ani ni Luna


"Kaylan ba nangyari yun?" pagtatanong ni Mikay/Luna, ngumiti naman ng tipid si Lyris


"Anak, ang pangyayaring nasaksihan mo ay nangyari halos dalawang-daang taon na ang nakakaraan." Sabi ni Lyris, napanganga si Luna. Two hundred years. Ilang taon matapos ang trahedya ng kasal dapat nila Gino at Akantha. Ayaw man niyang isipin pero posible, napaka-posible


"H-hindi. Hindi naman pwedeng ako 'yun eh" sabi ni Mikay/Luna, 'Seventeen pa lang ako! Ni hindi pa nga pinapanganak si tatay Dinoy 'nun eh!' sabi ni Luna sa kanyang isip


"Luna, ikaw yun. Ikaw si Luna Cleofie Ravenscar. Si Maria Mikaela Maghirang ay panlinlang lang sa ibang mga bampirang gusto ka rin makuha. Hindi ka kasing-bata ng sa tingin mo, Luna. At mas lalong hindi ka simpleng tao lang gaya ng akala mo." Sabi ni Lyris, napatulala si Luna/Mikay sa kumpirmasyong narinig niya. Parang ang hirap paniwalaan. Paano nga ba siya na-sangkot dito? Sabi niya noon ay lalayo na siya sa mundong ito kasi hindi siya kabilang sa kanila pero tignan mo nga naman, heto siya ngayon at parang hinahatak pa pabalik ng mundong iyon. Ang mundo ng mga bampira.


"Pero dun sa pangyayaring 'yun. I-ibig sabihin.." hindi na natuloy ni Luna ang dapat na sabihin. Napatakip siya sa bibig niya, ayaw niyang paniwalaan ang napag-tanto niya. Pero si Lyris na mismo ang nagsabi ng katotohanang pilit niyang hindi iniisip. "Oo, Luna. Pinatay ka noon ni Gerald na mas kilala mo ngayon bilang Gino. Mabuti na lang at nabuhay ka ulit ni Lee, yun nga lang ay hindi mo kami makikilala at isisilang ka sa katauhan ng isang tao, pansamantala ka ding magiging tao hanggang sa marating mo ang ika-labing walong taong gulang mo. Which is, exactly a week from now" sabi ni Lyris, napaisip si Luna, oo nga. Isang linggo na lang at kaarawan niya na, 18th birthday pa at hindi niya man lang alam kung makakapag-celebrate pa siya sa lagay niya ngayon.

Prophecy Blood and YOU?! (PBY) [BOOK 2 OF ISVK]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon