"Ma, Pa, I'll go ahead. Mamimiss ko kayo." paalam ko sa mga magulang ko. Hinatid kasi nila ako sa airport.
"I will miss my baby too." si mama na niyakap ako.
"Hindi na baby ang anak natin, may nanliligaw na nga eh. Kulang na nga lang mag.popropose na." tukso ni papa.
"Papa naman eh." Iniwas ko rin ang mga mata ko sa kanya. Alam ko namumula ang mukha ko.
"Donald, tigilan mo nga yang anak mo. Kung mag-aasawa na ang baby natin tingnan ko lang kung hindi ka iiyak." saway naman ni mama.
"Nagbibiro lang naman ako. But seriously hija, hindi mo na ba mahal si MJ?" tanong ni papa.
"Papa! Ano bang klaseng tanong yan? Syempre hindi na, matagal ko na siyang nakalimutan."
"Really? Pero iba ang nakikita ko sa sinasabi mo." pangungulit pa rin ng papa ko. Ang kulit lang talaga.
"Mama oh si papa. Ayaw niya akong tigilan. Babalik na nga ako ng Bohol, eto pa ipapabaon sakin." Nakasimangot na sumbong ko kay mama.
"Hay! Ang mag-ama ko talaga." Si mama na niyakap kaming dalawa ni papa. "Sana magkakasama na tayo ulit."
"Ma, ang drama mo." Natatawa kong sabi.
"Sige na pumasok ka na." Sabi nalang ni mama.
"Bye-bye ma, pa." At niyakap ko sila ulit. "Take care of yourselves, okay? I love you both."
"Alagaan mo rin ang sarili mo. Palagi kang mag-iingat." Bilin din ni papa sa'kin.
"Ang lolo at lola mo, alagaan mo rin ha. Tell them, I miss them so much." Si mama.
"Sure ma. Bye." At tuluyan na akong pumasok sa airport.
"Karla, kumusta dito sa office habang wala ako?" tanong ko sa secretary ko ng mag-report ako sa opisina.
"Okay lang naman Belle. Wala naman pong naging problema. Bilib nga ako sayo eh, tutok na tutok ka pa rin sa trabaho kahit nasa bakasyon kayo."
"Hindi naman kasi ibig sabihin na kahit nagbabakasyon eh pababayaan na ang trabaho." sagot ko.
"Kaya nga idol kita eh. You're so dedicated. Pero dahil din sa sobrang dedicated mo sa trabaho, napapabayaan mo na ang love life mo."
"Bakit ba ang lovelife ko na naman ang pinagdidiskitahan mo? Bumalik ka na nga dun sa table mo." marahil nagtataka kayo kung bakit ganito kami mag-usap ni Karla. Matagal na kasi kami magkasama sa trabaho at magkasing-edad lang kami kayo naging magkaibigan kami. Actually, siya ang pinakaclose kung kaibigan dito sa Bohol.
"Hahah. Sagutin mo na kasi si Doc."
"Hahah. Bilib din ako sa loyalty mo kay Doc ah. Ano bang pinakain niya sa'yo?"
"Ang gwapo kasi niya. Bagay na bagay sa kagandahan mo."
"Yeah! Gwapo nga siya and mabait. Pero parang may kulang pa rin eh. I admit, gusto ko siya pero wala akong naramdaman sa puso ko. Annnnddddd, mas bagay kayo. You look good together."
"Belle ha, wag mo ngang ipasa sa'kin si Doc. Ayokong maging rebound." natatawa na lang ako sa sagot niya.
"Belle, hindi ka pa uuwi?" tanong ni Karla sa'kin.
"Mamaya nalang. May tatapusin pa ako. Mauna ka na lang."
"Matagal pa ba 'yan? Hihintayin nalang kita."
"Medyo kunti na lang naman. Sure ka na hihintayin mo 'ko? Baka magutom ka."
"Eto naman. Parang hindi na nasanay. Wag kang masyadong magtagal para hindi ako magutom."
"Oo na."
"Speaking of, hinihintay ka pala ng Doc mo." sabi ni Karla sa'kin ng makalabas kami ng elevator. Natanaw ko rin si Doc Mark sa lobby. Nang makita niya kami, naglakad siya papunta sa'min.
"Hi Belle. For you." at binigay sa'kin ang dalang bulaklak. "Hi Karla."
"Hi doc." sagot naman ni Karla. "Wala na naman ba akong flowers Doc?" joke ni Karla. Natatawa nalang ang binatang doctor.
"Thanks for the flowers Mark."
"Belle, Doc, mauuna na ako sa inyo. Ayoko ng sumabay sa inyo. Ayokong maging third-wheel." paalam ni Karla. Pero hindi pa nakakaalis si Karla may tumawag na naman sa pangalan ko.
"Belle." paglingon ko, nakita ko si MJ na may dala ring bulaklak.

BINABASA MO ANG
You and Me. . . hopefully. . .
RomanceSabi nila masarap magmahal... pero pano kung ang mahal mo ay may mahal ng iba? kakalimutan mo na ba siya? o aasa ka pa rin na balang araw magawa ka rin niyang mahalin?