Chapter 8

29 2 0
                                    

5 years later.....

"Belle, kailangan mong umuwi dito." sabi ni Myla nang nag-video call kami sa skype.

"Bakit naman?" tanong ko.

"Kasi im getting married." excited niyang sagot at pinapakita ang kamay niya na may suot na diamond ring.

"Wow. Congrats Myla.  Im so happy for you.  Sa wakas naisip na rin ni Edward na itali ka." hyper kong sagot.  Akalain mo nga naman, sino ba ang mag-aakala na ang aso't pusa noon eh nagmamahalan na ngayon.  Ang dami na talagang nangyari simula nang umalis ako ng manila.

Limang taon na rin simula ng lisanin ko ang lugar na yun.  Limang taon na rin na hindi na ako nakabalik at wala na sana akong balak na bumalik pa.  Simula nung araw na sinabi ko kay MJ ang nararamdaman ko, umalis na ako at pumunta ng Bohol kung saan nakatira ang mga magulang ni mama.  Kahit na nabigla si mama at papa sa desisyon ko pero sinupurtahan pa rin nila ako at hindi nila ako pinigilan.  Dito na rin ako sa Bohol nagtapos ng college at nagkaroon ng bagong simula.  Sa ngayon, nagtatrabaho ako sa isang malaking mall sa Bohol bilang Operations Manager.

"Hoy Belle. Natulala ka na dyan. Ano iniisip mo?" agaw ni Myla sa atensyon ko.

"Wala naman.  Medyo napagod lang ako kanina sa dami ng trabaho."

"Okay! Back to the topic.  Dapat umuwi ka ha.  Hindi pwedeng absent ka sa special day ko.  Magtatampo talaga ako.  Saka ikaw ang maid of honor ko."

"Oo naman.  Hindi ko talaga palalampasin ang araw na matatali ka na. Hahahah.."

"Ikaw talaga puro ka kalokohan.  But seriously, ok lang ba talaga na makita mo siya ulit? Hindi mo na ba siya mahal?"

"Si MJ?  Oo naman.  Matagal na akong naka-move on.  I don't love him anymore."  Tama! Matagal ko na siyang nakalimutan.  

"That's good.  So kailan mo naman balak magpakasal?"

"Tse! Tigilan mo ako ah.  Nangaasar ka na naman."

"Eh kasi naman mag-boyfriend ka na ulit.  3 years ago pa nang magkaroon ka ng boyfriend.  Sagutin mo na ang isa sa mga manliligaw mo."  Tama.  Nagkaboyfriend ako dito sa Bohol pero hindi rin nag-work kaya nauwi sa hiwalayan.

"Wala pa akong panahon mag-boyfriend ok? Sobrang hectic pa ng schedule ko."

"Sobrang hectic ba talaga ng sched mo? or may hinihintay ka lang?"

"Ano bang klaseng tanong yan? Nangungulit ka na eh.  Buti pa e.end ko na 'tong call."

"Uy! Umiiwas. Hahahah."

"Letse kang babae ka. Tigilan mo ako ah. Tama rin naman talaga na may hinihintay ako.  Hinihintay ko ang lalaking magpapatibok ulit ng puso ko."

You and Me. . . hopefully. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon