"Welcome home Belle." sabi ni MJ na nakangiti sabay bigay ng isang bouquet ng red roses at gift. Kung pagbabasehan ang expression niya ngayon parang walang nangyaring hindi maganda sa'min noon. Sabagay, nakapag-move on na siya at ako rin kaya there's no reason to hold grudges.
"Salamat." sabi ko sa kanya. "Kain tayo." alok ko rin sa kanya. Ipinagpatuloy ko rin ang pagkuha ko ng pagkain. Hindi ko na rin siya napansin.
"Belle." katok ni Myla sa labas ng kwarto ko. Hindi ko binuksan kaya tuloy pa rin siya sa pagkatok at pagtawag sa'kin.
"Myla naman, ang aga-aga nambubulabog ka. Ang sarap pa ng tulog ko eh." Reklamo ko agad sa kanya nang buksan ko ang pinto. Ang sarap pa sana matulog. Akala ko pa naman makapagpahinga ako ng todo.
"Anong maaga? 8 am na kaya. Maligo ka na at may lakad tayo."
"Ayokong sumama. Alam mo ba ang gusto ko lang gawin ngayon is magpahinga." at nahiga na ulit ako sa kama.
"Belle, get up." at hinila ako patayo. "Ayaw mo gumising ah. Ito sayo." at kiniliti ako ng bongga. Napatayo tuloy ako at napatakbo sa loob ng banyo. Pambihira talaga ang babaeng yun. Alam na alam talaga paano ako gisingin. Lumipad tuloy lahat ng antok ko sa katawan.
"Maligo ka na. Hihintayin kita. Bilisan mo."
"Opo. Maliligo na po. Ang kulit."
Pagbaba ko ng hagdan, nabigla ako sa nadatnan ko.
"MJ anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa?" tanong ko.
"Medyo. Actually magkasama kami ni Myla."
"Myla, bat hindi mo sinabi na magkasama pala kayo?" tanong ko kay Myla. "Panigurado naiinip na siya kakahintay sa'tin."
"Hindi naman mahalaga yun." sabi naman ni Myla.
"Yeah. It's really fine with me. Naalala mo dati, lagi naman akong naghihintay sa inyo. Parang ganito rin lang."
"Yeah right." sabi ko nalang at dumiretso na sa kusina. Hindi pa rin ako komportable kapag pinag-uusapan ang nakaraan.
"Ma, sinasama ako ni Myla sa kung saan na hindi ko alam." sabi ko ni mama nang mabungaran ko siya sa kusina.
"Oo, nagpaalam na siya sa'kin. Kumain na muna kayo bago kayo umalis."
"Myla, saan ba talaga tayo pupunta?" tanong ko nang nasa sasakyan na kami ni MJ. Pati nga kung saan ako uupo sa car pinagtatalunan pa namin. Kasi naman, sa front seat ako pinauupo, eh dati naman, sa backseat lang ako. Hindi ko talaga alam kung ano ang nasa isip ni Myla.
BINABASA MO ANG
You and Me. . . hopefully. . .
RomanceSabi nila masarap magmahal... pero pano kung ang mahal mo ay may mahal ng iba? kakalimutan mo na ba siya? o aasa ka pa rin na balang araw magawa ka rin niyang mahalin?