Chapter 10

27 1 0
                                        

"Belle, saan mo gusto pumunta?" tanong sa'kin ni MJ nang nasa kotse na niya kami.

"Ha! Eh mas gusto ko nalang umuwi.  Wala naman talaga akong planong umalis ng bahay today.  Kinaladkad lang ako ni Myla.  Tapos iiwan lang pala ako ng babaeng yun."

"Ayaw mo ba akong kasama?" tanong ni MJ na pinalungkot pa ang boses.  Seriously?  Nagdadrama lang ata 'tong isang 'to.

"Hindi naman sa ganun.  Gusto ko lang talaga magpahinga ngayon."  

"Okay." sabi niya na mas lalo pang pinalungkot ang boses.  Napalingon na tuloy ako sa kanya.

"Hey! MJ anong problema mo? Bat parang nagdadrama ka ata ngayon?" tanong ko at hindi ko naiwasang tumawa.

"Wala." sagot niya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin.  Pero halata naman na bad mood.  "Uwi na tayo."

"Okay. Sabi mo eh." sagot ko nalang at itinuon ko nalang ang pansin sa mga nadadaanan namin.

"Belle." tawag niya sa'kin mayamaya.

"Hmmm." sagot ko na hindi tumingin sa kanya.

"Can we eat lunch first before i take you home? Gutom na kasi ako." napatingin tuloy ko sa relo ko at lampas na pala 12nn.  Hindi ko na napansin ang oras.

"Okay.  Medyo nakaramdam na nga ako ng gutom."

"Belle, thank you nga pala." sabi ni MJ habang hinihintay namin ang order naming pagkain.  Akalain mo rin na dito ako dinala sa isang mamahaling restaurant at romantic pa ang ambiance.  Nakaka-out of place lang. Halos lahat ng kumakain ay mga lovers. 

"For what?" tanong ko naman.

"Alam ko na hindi maganda ang nangyari nung huli tayong nagkita pero kahit ganun tinanggap mo pa rin ako ngayon bilang kaibigan.  And I really really apologize for what had happened.  I really didn't mean those.  I'm so sorry."  seryoso niyang sabi at kita ko rin sa mga mata niya ang sincerity.

"It's okay MJ.  Inaamin ko nagalit talaga ako sayo noon pero okay na ako ngayon.  Matagal ko na yung kinalimutan.  Kaya kalimutan mo na rin yun.  Magsimula nalang tayo ulit bilang magkaibigan.  Friends?" at nilahad ko ang kamay sa kanya at tinanggap naman niya.

"Friends." sabi niya pero may naaninag akong lungkot sa mga mata niya.  Hindi ko nalang pinansin baka may problema din siyang pinagdadaanan ngayon.  Hindi ko nalang siya tinanong.

Naging maganda naman ang outcome ng lunch namin.  Kahit ano lang ang pinagkwentuhan namin.  Napalagay na rin ulit ang loob ko sa kanya.  Ang sarap din kasi niyang kausap at may sense of humor.

Papunta kami ngayon ng Batangas.  Ngayon na kasi ang napagusapan namin na magbonding kasama ang mga kaibigan ko at kaklase dati.  Ang sasakyan ni MJ ang sinakyan naming apat nila Myla at Edward.  Hindi na kasi nagdala ng sasakyan si Edward para makatipid sa gasolina.  

You and Me. . . hopefully. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon