Chapter 2

50 1 0
                                        

"Ma, punta muna ako sa bahay nila Myla. May gagawin kasi kaming project." paalam ko sa mama ko.

"O sige. Umuwi ka nalang dito sa lunch time. Baka makikikain ka na naman dun."

"Hindi ako sigurado ma. Alam mo naman 'yun si Tita May, doon na ako pakakainin sa kanila kahit tumanggi pa ako." si Tita May ang mama nila Myla at MJ.

"Nagdahilan ka pa eh gusto mo naman."

"Mama talaga. Sige na aalis na po ako."

Paglabas ko ng bahay, dumiretso agad ako sa bahay nila Myla. Magkatabi lang naman kasi ang mga bahay namin. Pinagbuksan naman agad ako ng katulong nila pagkatapos ko mag-door bell. Kilalang-kilala na naman nila ako. Papasok na ako sa front door ng matanaw ko sa garden nila si MJ at si Maggie. Ang sweet ng dalawa. At para na namang sinaksak ang puso ko sa nakita. Ganito nalang palagi ang nararamdaman ko everyday kasi naman lagi ko silang nakikita. Pati sa weekend, nakikita ko pa rin sila. Wala na talagang pahinga ang puso ko.

"Belle, andyan ka pala. Pumasok ka na sa loob." sabi ni Tita May na kakalabas ng pinto.

"Hi Tita. Good morning po." bati ko. pinipilit ko rin mag-smile para hindi makahalata si Tita.

"Good morning din. Puntahan mo nalang si Myla sa room niya."

"Sige po Tita. Aalis po kayo?"

"Oo. Dito ka na mag-lunch ha para may kasama naman ang kambal ko. Sige I gotta go." 

'Sige po Tita. Ingat po kayo." at kumaway pa ako sa kanya. Pagkaalis ni Tita, tinapunan ko muna ng tingin sila MJ bago ako pumunta sa room ni Myla.

"Myla, ang aga naman yata ng bisita niyo." sabi ko agad kay Myla pagpasok ko sa kwarto niya.

"Kaya nga eh. Ang aga tuloy nasira ang araw ko."

"Seryoso na ba talaga si MJ sa babaeng 'yan? Every weekend nalang nagpupunta ang babaeng yan dito sa bahay niyo."

"How i wish, hindi. Ewan ko rin kay MJ. Hindi niya nakikita ang totoong ugali ng babaeng yan."

"Eh kasi nga naman, kung andyan si MJ, kung makaasta parang isang anghel. Nagpapanggap na mabait. "

"Yun na nga ang ikinaiinis ko eh. Ayoko talaga sa kanya para kay MJ." sabi pa ni Myla.

"Wala naman tayong magagawa. Alangan naman hadlangan natin ang relasyon nila."

"Why not?" napapaisip na sabi ni Myla.

"Hala! Hindi natin pwedeng gawin 'yan."

"Ayaw mo bang magkahiwalay sila?" tanong ni Myla.

"Syempre gusto pero ayoko din naman manira ng relasyon."

"Mag-iisip ako ng magandang plano." Nakangiti ng sabi ni Myla. Kinakabahan naman ako kasi baka magalit pa si MJ kung may gagawin kami.

"Pero for the meantime, gagawin muna natin ang project natin okay?" sabi ko nalang to change the topic.

Lunch time na. At gaya ng sinabi ni Tita, dito ako sa bahay nila kumain.

"Babe, anong gusto mo kainin?" narinig kong tanong ni MJ kay Maggie. 

"Iyang adobo nalang babe." sagot naman ni Maggie. At ikinuha talaga siya ni MJ ng adobo pati kanin. 

"Itong chopsuey babe, gusto mo?" tanong pa ni MJ.

"No babe. I don't eat veggies." sagot naman ni Maggie. "Ikaw babe, kumain ka na rin. Ano gusto mo?" tumingin pa si Maggie sa'kin pagkatapos niyang sabihin 'yun. Teka! Nahalata na kaya ni Maggie na may gusto ako kay MJ?

"Okay. Let's eat."

Sinusubuan pa talaga ni Maggie si MJ. Nang-iinis lang? Bruhilda talaga ang babaeng 'to. At hanggang sa nagsusubuan na ang dalawa. Hindi ko na tuloy manguya ang kinakain ko nang dahil sa eksena ng dalawa.

"Ahemm!" malakas na tikhim ni Myla. 

"Sorry girls. Nakalimutan namin na nandyan pala kayo." sabi naman ni Maggie. Si MJ nagkibit-balikat lang.

"Pwede tigilan niyo iyang kaechusan niyo baka hindi ako matunawan." sita ni Myla.

"Myla, you're so mean." sambit naman ni MJ. "Kumain ka nalang dyan. Ikaw Belle, kumain ka na rin. Napansin ko hindi pa nabawasan iyang pagkain mo." na-shock naman ako sa sinabi ni MJ. Hindi ko alam napapansin pala niya. Napatingin tuloy ako sa kanya pero nagpatuloy lang naman siya sa pagkain. Si Maggie naman tinaasan lang ako ng kilay.

Nauna ng tumayo sa mesa sila MJ at Maggie at nandun na sa sala naka-upo. Ako naman, hindi ko maubos-ubos ang pagkain ko kahit konti lang naman.

"Hoy Belle." untag sa'kin ni Myla. 

"Ha? Bakit?"

"Kakain ka pa o hindi na? Parang nilaru-laro mo nalang kasi 'yang pagkain mo."

"Sorry Myla. Ang hirap kasi kumain. Kotang-kota na talaga 'yan si MJ sa pananakit sa'kin." ibinaba ko na rin sa plato ang spoon ko.

"Pasensiya na Belle." at ginagap ang kamay ko. "Napapansin ko rin kay Maggie parang nananadya siya. Nakakainis talaga ang babaeng yun."

"Tapos na ako. Doon nalang tayo sa bahay namin tatambay. Ililigpit muna natin 'tong pinagkainan natin."

"Hayaan nalang natin si Manang na magligpit niyan." sabi ni Myla at tinawag nga niya ang katulong nila.

Papasok na kami ni Myla sa sala nang makita namin si MJ at Maggie na naghahalikan. Wala ng sasakit pa sa nararamdaman ko ng mga oras na yun. Bumalik nalang ako sa kusina at doon na dumaan palabas ng bahay nila. Sinundan naman ako ni Myla. Nasa labas na ako ng gate nang abutan niya ako.

"Belle." tawag niya sa'kin.

"Ang sakit-sakit. Hindi ko na kaya." Napaiyak nalang ako na yumakap kay Myla.

"Tahan na. Kalimutan mo nalang siya."

"Oo. Tama. Kakalimutan ko na siya. Simula sa monday hindi na ako sasabay sa inyo papasok. Ayoko muna siya makita."

"Sige. Naiintindihan ko. Tutulungan din kita para makaiwas ka muna sa kanya. Tahan na. Tara punta muna tayo ng park. Baka magtanong pa ang mama mo kung bakit namumugto 'yang mga mata mo."

Nagpapasalamat na rin ako at si Myla ang bestfriend ko kasi andyan lang siya palagi sa tabi ko. Pinapagaan niya palagi ang nararamdaman ko kahit na ang dahilan ng lahat ng sakit sa puso at kalungkutan ko ay ang kakambal niya.

You and Me. . . hopefully. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon