Kinagabihan napagkasunduan namin mag-bonfire. Kwentuhan lang. Isa-isang nag-sashare ng mga nangyari sa buhay sa mga nagdaang taon lalo na sa buhay pag-ibig. Nakakakilig din yung mga kwento nila. Ayaw ko mang aminin pero naiinggit ako sa kanila. Ako kaya? Kailan ko kaya makikita ang lalaking magmamahal sa'kin ng totoo at mamahalin ko?
"Ikaw naman Belle, magkwento ka naman tungkol sa lovelife mo." si Michelle.
"Wala naman akong ikekwento. Wala naman akong lovelife ngayon." sagot ko.
"Parang imposible naman ata yun. Sa ganda mong yan?" kontra ni Aine.
"Wag kayong maniwala dyan kay Belle."sabad ni Myla. "Maraming nanliligaw dyan. Sinabihan ko na nga yan na sagutin na niya yung isa."
"Bat hindi mo pa sinagot Belle?" Tanong naman ng boyfriend ni Juliet.
"Siguro hindi niya gusto." react naman ni MJ.
"Oh! Wala ka ba talagang nagustuhan Belle?" Si Myla na ngiting-ngiti.
"Hoy! Bakit ako ang na-hotseat dito? Pinagkakaisahan niyo ako ah."
"Sagutin mo nalang kasi ang tanong." at nagtatawanan pa sila.
"May kino-consider na ako na isa pero wala pa akong planong sagutin siya. Sobrang hectic pa ng schedule ko."
"Uyyy! Gwapo ba? Workmate mo?" Curious naman na tanong ni Mae.
"Yup, gwapo at mabait. Siya ang doctor ng lola ko."
"Bat ayaw mo pa sagutin? Sa tingin ko naman na gustong gusto mo siya." sabi ni MJ na sobrang nakasimangot ang mukha.
"Hey! MJ ano na naman ang problema mo? Bigla-bigla ka nalang nag-momood swing. Daig mo pa ang buntis." puna naman ni Myla sa kakambal niya.
"Hey guys! Chill lang. Nandito tayo para mag-bonding." awat naman ni Michelle.
"Bro, baka naman may gusto kang sabihin?" tanong ni Edward kay MJ.
"Wala." nakasimangot pa rin niyang sagot.
"Are you sure? Palalampasin mo na naman ang pagkakataon? Tsk." Si Edward ulit.
"Oo naman pare. Ang tagal na yan ah. Ilabas mo na yan." segunda naman ni Joseph na boyfriend ni Juliet. Nagsitanguan naman ang iba.
"Teka lang guys. May hindi ba ako alam?" tanong ko sa kanila.
"Si MJ nalang ang tanungin mo." sagot ni Edward. Nang tingnan ko si MJ, bigla naman siya nag-walk out. Naguguluhan na talaga ako.
"Hala! Anong nangyari dun?" tanong ko sa kanila nang sundan ko ng tingin sa MJ na papalayo.
"Sundan mo nalang Belle." sabi ni Myla. "Please."
"Bakit ako? Dapat ikaw Myla, kakambal mo yun."
"Please Belle. Para matapos na 'to." Si Edward naman.
"I really don't get it. Pero sige na nga, kawawa naman ang isang yun." Sumunod na rin ako kay MJ.
Nakita ko siyang nakaupo sa isang malaking bato sa di kalayuan. Malalim ang iniisip.
"MJ." tawag ko sa kanya. Umupo na rin ako sa tabi niya.
"Why are you here? Bumalik ka nalang sa kanila." sabi niya na hindi man lang tumingin sa'kin.
"May problema ka ba? Di ba magkaibigan naman tayo? Pwede mong sabihin sa'kin ang problema mo."
"Yun na nga ang problema ko. I don't want you to become my friend." Nabigla ako sa sinabi niya. Nasaktan ako dun ah.
"Oh. O-okay." tatayo na sana ako pero pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin siya ng diretso sa aking mga mata.
"I don't want you to become my friend because I want more than that. I want to be your boyfriend." Talagang nabigla ako sa sinabi niya. Hindi ako nakapagsalita. "Naalala mo yung sinabi ko sayong babaeng totoo ko pa lang mahal at hinintay ko ng limang taon? Ikaw yun. Mahal na mahal kita Belle. Matagal na matagal na. Saka ko lang yun narealize nung wala ka na. Ang tanga-tanga ko. Hinayaan ko na mawala ka sakin." At niyakap ako ng mahigpit.
"MJ, if this is a joke, hindi nakakatawa." tanging nasabi ko nalang. Kumalas na siya sa pagkakayakap sa'kin.
"Belle, sa tingin mo ba kaya kung mag-joke sa mga ganitong bagay?"
"Hindi ko alam. Ewan ko sayo."
"Belle, please paniwalaan mo ako. I love you so much. Please give me a chance."
"I'm sorry. It's too late. If you really love me, dapat noon pa sinabi mo na sa'kin."
"I know it's my fault. Nawalan ako ng lakas ng loob kasi alam ko galit na galit ka sa'kin."
"I'm really sorry." at iniwan ko na siya.
"Belle." sigaw niya. "I'm not gonna give up. I will do everything para mahalin mo ako ulit." hindi na ako lumingon sa kanya. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Hindi ko rin napigilan ang pagtulo ng luha ko. Bakit ngayon pa?
Hindi na rin ako bumalik pa sa mga kaibigan namin. Dumiritso na ako sa tinutuluyan namin. Sa totoo lang, naguguluhan ako. Nag-text nalang ako kay Myla na nandito na ako sa villa. Hindi rin nagtagal narinig ko na silang dumating.
"Belle." tawag sa'kin ni Myla na tumabi sa'kin sa kama. Nakatalikod kasi ako sa kanya.
"Hmmmm." sagot ko na hindi humarap sa kanya.
"Okay ka lang ba?"
"Yeah. I'm okay." Humarap na ako at umupo nalang sa kama. Pinalibutan naman nila ako lahat. "May sinabi sa'kin si MJ. May alam na ba kayo tungkol dun?" Tanong ko sa kanila. At tumango naman sila.
"Belle, totoong mahal ka ni MJ. Matagal na pala pero tinago lang niya kasi ang alam niya kaibigan lang ang turing mo sa kanya. Nung nawala ka, he was so devastated. Saksi kaming lahat, lalo na ako." sabi ni Myla.
"Anong sabi mo sa kanya, Belle?" tanong ni Juliet
"Wala. It's too late na. Matagal na akong naka-move on."
"So meaning, hindi mo siya binigyan ng chance?" tanong ni Myla. Umiling nalang ako.
"Bakit? Hindi mo ba talaga siya mahal?" Umiling lang ako.
"Kung hindi mo na talaga siya mahal, bakit apektado ka sa mga sinabi niya?" si Myla ulit.
"Hindi ako apektado. Na-shock lang ako sa mga sinabi niya." At bakit parang mas ang sarili mo ang kinumbinsi mo? tanong ng isang bahagi ng utak ko.
"Kilala kita, Belle. Wag ka ng mag-deny. I know may natitira pa rin." si Myla.
"I don't know. I'm so confused. Pwedeng wag na muna natin 'tong pag-usapan?"

BINABASA MO ANG
You and Me. . . hopefully. . .
RomansaSabi nila masarap magmahal... pero pano kung ang mahal mo ay may mahal ng iba? kakalimutan mo na ba siya? o aasa ka pa rin na balang araw magawa ka rin niyang mahalin?