Tatlong araw na na hindi na ako sumasabay nila Myla pagpasok at pag-uwi. Sabi ni Myla, nagtatanong daw si MJ kung bakit hindi na ako sumasabay pero gumagawa nalang si Myla ng alibi. Expert naman siya dun. Pati rin si mama nagtatanong na rin at kung anu-anong alibi nalang ang binibigay ko. Hindi ko alam kung hangang kailan ko 'to maitatago kay mama. Hindi ko kayang sabihin na si MJ ang dahilan.
So far, i'm doing fine naman. Hindi ko na siya nakikita. Pati sa school iniiwasan ko rin magpunta sa lugar na pwede niya puntahan. Namimiss ko rin siya pero tinitiis ko para makalimot ako at para mabawasan man lang ang sakit. Alam ko impossible na hindi kami magkita kasi magkapitbahay lang kami pero hangat makakaya ko, iiwasan ko na siya. Nakakapagod na rin masaktan ng paulit-ulit.
Nag-aabang ako ng jeep ngayon pauwi. Hay! nakakapagod din mag-commute pero kailangan kaysa naman magkasakit pa ako sa puso nang dahil kay MJ at Maggie.
15 minutes na akong nag-aabang pero wala pa ring dumadaang jeep, ang dami pa namang estudyanteng nag-aabang din.
"Belle." biglang may tumawag sa'kin. Paglingon ko si Edward pala. Classmate ko siya nung high school at kaibigan rin at obviously pareho rin kami ng university na pinapasukan ngayon.
"O Edward. Ikaw pala. Pauwi ka na rin?" tanong ko sa kanya.
"Oo." sagot naman niya. "Hindi ka na yata sumasabay kina Myla?" tanong niya.
"Ah oo eh. Para maiba naman. heheh."
"Ows?" sagot naman nito. Hindi naman kasi kapani-paniwala. Hindi na ako nakasagot sa kanya kasi huminto sa tapat namin ang sasakyan nila Myla. Hindi pa pala 'to sila nakakauwi. Bad trip! Makikita ko siya.
"Belle, sakay na." sabi ni MJ pagkatapos niya ibaba ang bintana ng sasakyan. At as usual nasa front seat na naman si Maggie.
"Ah hindi na. Mauna na kayo. May pupuntahan pa kami ni Edward." sagot ko sa kanya. "Diba Edward?" baling ko kay Edward na nakikiusap ang mga mata na sana sasakay siya sa alibi ko.
"Ah. Oo pare may pupuntahan pa kami." sabi ni Edward. Mabuti naman at naiintindihan niya.
"May date kayo?" sabad naman ni Myla na may halong panunukso.
"Oo may date kami" sagot ni Edward. Shockness overload ang peg ko. Ano ba yan. Nilubus-lubos naman ata 'to ni Edward.
"Alam ba ng mama mo na makikipag-date ka?" tanong ni MJ na nagsalubong ang mga kilay.
"Oo. Nagpaalam ako." naku po. Patay! sana lang hindi sila magkita ni mama pagdating nila.
"Tara na babe." sabad naman ni Maggie. "Hayaan mo na si Belle makipag-date. Malaki na siya. Kung umasta ka naman para kang tatay niya."
"I'm just concerned." sagot naman ni MJ.
"Umalis na kayo. Don't worry. Bye"
Parang ayaw pa talaga umalis ni MJ pero mabuti nalang at napilit ni Maggie. Para akong nabunutan ng tinik pag-alis nila.
"Salamat Edward ha. Buti nalang nandito ka."
"No worries. Si MJ ang dahilan no kung bakit hindi ka na sumasabay sa kanila?" napatingin nalang ako sa kanya. Napansin pala niya.
"Hindi ah." pagsisinungaling ko.
"Asus! Wag ka ng magkaila. Matagal ko ng alam na mahal mo siya. High school pa lang tayo."
"Ha? Paano mo nalaman? Si Myla lang ang pinagsabihan ko."
"Halata naman sa mga kilos mo."
"Ganun? Ganun ba talaga ako ka-transparent?"
"Oo." at nag-smile lang siya sa'kin.
"Kung ganun, bakit hindi man lang yun napapansin ni MJ? Palagi nalang niya ako sinasaktan." nalulungkot na naman ako bigla.
"Manhid lang talaga si MJ. He just took for granted the very special girl like you."
"Anong special ang pinagsasabi mo. Parang special child lang, ganun?" joke ko nalang. Natatawa nalang siya.
"Teka! Kain nalang muna tayo before tayo uuwi." sabi nito.
"Ha? Hindi na."
"Bawal tumanggi. Remember may utang ka pa sa'kin."
"Anong utang? Wala akong utang sayo no."
"Eh ano yung kanina? Remember tinulungan kita."
"Ah ganun? Utang na pala yun."
"Oo kaya tara na. Kain na muna tayo. Nagugutom na kasi ako. Hindi ako nakapag-meryenda kanina."
"Libre ba yan?" joke ko sa kanya.
"Papalibre ka pa? Ikaw 'tong may utang sa'kin. Kaya dapat ikaw ang manlibre."
"Ano? walang ako pera ngayon eh. KKB (kanya-kanyang bayad) nalang tayo. Next time nalang kita ililibre. please?"
"O sige na nga. Basta promise yan ha. Next time, labas tayo. Pambayad utang mo. heheh"
"Tara na nga."
Pero pagdating din namin sa kalapit na fastfood. Siya lang ang pumila at pinahanap nalang ako ng mauupuan namin. Babayaran ko nalang sana siya pero hindi din naman tinanggap ang bayad ko kaya ang ending siya ang nanglibre. Okay na rin atleast hindi nabawasan ang pera ko. Heheh.
Pagdating ko sa'min, nakita ko si MJ na nag-aabang sa labas.
"Belle." tawag niya sa'kin.
"O bakit?"
"Nanliligaw ba si Edward sayo?"
"Ano bang klaseng tanong yan?"
"Sagutin mo nalang ang tanong ko."
" Bakit ba? Ano bang problema? Saka wala ka na dun kung nanliligaw ba siya sa akin o hindi."
"Im just concerned."
"Concerned? Bakit? Hindi naman kita kapatid ah."
"Pero kaibigan kita. Ayoko lang na napapahamak o nasasaktan ka." Siya pa talaga ang nagsabi na ayaw na masaktan ako pero siya mismo ang nanakit sa'kin.
"Kung ayaw mo akong nasasaktan. Wag mo na akong pakialaman." at tinalikuran ko na siya. pero bago pa ako makapasok sa gate namin nahawakan na niya ako sa braso.
"Sandali lang. Galit ka ba sa'kin?" tanong niya.
"May dapat ba akong ikagalit sayo?"
"Wala naman." parang nako-confuse niyang sabi.
"Yun naman pala eh. Pasok na ako."
"Bakit hindi ka na sumasabay sa'min?"
"Busy kasi ako ngayon." dali-dali na akong pumasok. Baka may itatanong na naman.

BINABASA MO ANG
You and Me. . . hopefully. . .
RomanceSabi nila masarap magmahal... pero pano kung ang mahal mo ay may mahal ng iba? kakalimutan mo na ba siya? o aasa ka pa rin na balang araw magawa ka rin niyang mahalin?