"Yeah pero ang kaisa-isang babae na sobra ko pa lang mahal at hinintay ko ng limang taon ang hindi lumalapit sakin. Pero kasalanan ko rin naman kasi sinaktan ko siya. Saka ko lang narealize na siya pala ang totoo kong mahal nang nawala na siya sa'kin." malungkot na sabi ni MJ. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Hindi ko akalain na may isang babae pala siyang minahal ng sobra sa loob ng maraming taon.
"Ahmm. Alam ba niya na mahal mo siya?" Tanong ko.
"Hindi. Hindi ko alam pano ko sasabihin sa kanya. Bago lang din naman kasi kami nagkita ulit pagkatapos ng limang taon."
"Ganun ba? Eh di sabihin mo sa kanya ang totoo mong nararamdaman. Take a risk."
"Sa totoo lang, gustong gusto ko ng sabihin sa kanya na mahal ko siya pero natatakot ako baka she will just reject me. Idagdag pa na kasasabi lang niya na magkaibigan lang kami." Naiintindihan ko rin si MJ kung bakit siya natatakot. Walang katumbas ang sakit kapag na-reject ka ng taong mahal mo. Napagdaanan ko na yan dati.
"Just try. Hindi naman talaga maiwasan na matakot pero pano mo naman malalaman ang sagot niya diba kung hindi mo subukan." Pagbibigay lakas ng loob ko sa kanya.
"Thanks, Belle. I will try." at nag-smile na siya sa'kin.
"By the way, do I know her?"
"Yeah. You know her very well." At kumindat pa talaga siya sa'kin. Na-curious tuloy ako kung sino ang babae. At may kunting kirot din akong naramdaman. I don't know. Siguro kasi nalaman ko na may iba na naman siyang mahal. Palagi nalang iba. Mabuti nalang at naka-move na ako sa kanya. Yan din naman palagi ang lagi kong iniisip.
"Finally, we're here." sabi ni Myla na nakakapit sa braso ni Edward.
"Myla, nandito na rin ba ang iba?" Tanong ko.
"Yup. Katetext lang ni mae, nandun na sila sa villa."
"So lets go." yaya ni MJ. "Belle, ako na magdadala ng gamit mo." presenta niya.
"No, wag na. Kaya ko naman."
"Sige na Belle, ipadala mo na kay MJ ang gamit mo. Pabayaan mo na silang magdala ng gamit natin." si Myla na kinuha ang bag ko at binigay kay MJ at hinila na ako papunta sa villa na kinuha ng mga friends namin.
"Hi guys!" sabi ko agad ng makarating kami.
"O nasan na ang mga fafables niyo? Bat kayo dalawa lang?" tanong agad ni Mae.
"We're here." sagot ni Edward na nasa likuran na pala namin. "Masyado kasing excited yang dalawa kaya iniwan na kami." Natatawa nalang kami lahat sa sinabi ni Edward. Naalala ko naman na na kay MJ pala ang bag ko.
"MJ, akin na yung bag ko. Iaakyat ko na sa taas."
"No. Ako nalang maglalagay sa taas."sagot niya. "Mae saan yung room ni Belle?" tanong niya kay Mae.
"Ah! Dalawa lang naman ang room dun sa taas. Sa right side ang sa mga babae. At sa Left side ang gamitin niyong mga lalaki."
"Okay. Thanks." at inakyat na nga niya ang bag ko. Sumunod na rin si Edward na may dala ng bag ni Myla.
"Wow! Ang sweet naman ni MJ." tudyo ni Michelle sa'kin. Finally, nanligaw na ba siya sayo?" Natatawa nalang ako. Alam pala nila na may gusto ako kay MJ noon. Si MJ lang naman kasi ang sobrang manhid na wala talagang alam.
"Hindi ah. Magkaibigan lang talaga kami. Saka ang sabi niya may mahal na siya, matagal na."
"Talaga? yun ang sabi ni MJ?" sabad ni Myla. "Sinabi niya ba sayo kung sino?"
"Hindi. Ang sabi lang niya kilala ko daw. Hindi ko nalang tinanong kung sino sa mga kakilala ko."
"Oh! Okay." sabi nalang ni Myla na ngumiti ng makahulugan. May kakaibang ngiti rin silang lahat.
"Bat ganyan ang mga ngiti nyo? May hindi ba ako alam?" tanong ko sa kanila. Nakakaduda kasi.
"Wala naman. Saka ano naman itatago namin sayo aber?" Si Juliet.
"Belle, hindi ka ba na-curios sa babaeng mahal ni MJ?" biglang tanong ni Michelle.
"Na-curious rin, slight. Pero malalaman ko rin naman yan kapag maging sila na. Kayo kilala nyo ba ang babae?"
"Wala rin kaming idea kung sino."
"Wag na nga lang natin yang pag-usapan. Mag-enjoy nalang tayo." sabi ko nalang. "Anong gagawin natin ngayon?"
"Mag-prepare nalang muna tayo ng lunch." si Juliet. "Kami nalang ng boyfriend ko ang mamalengke."
"Sama na rin kami ng asawa ko para matulungan namin kayo." sabi naman ni Mae.
"Okay. Ang maiwan kayo nalang bahala mag-ayos dito." si Juliet at umalis na sila.
Pagkatapos ng lunch, napagpasyahan namin na mag-sing along muna. May dvd player naman kasi sa villa na nakuha namin. At saka mainit pa kasi kung maliligo na sa dagat. Habang nagkakantahan kaming mga babae, nag-iinuman naman ang mga lalaki pero paminsan-minsan sumasali din sila sa pagkanta. Sobrang saya lang namin. Parang bumalik lang kami sa pagkabata. Ang saya lang talaga.
Nang mag-4pm na, napagpasyahan namin na maligo na sa dagat. Doon ko lang na-realize na magkakapartner pala silang lahat. Kanya-kanya nalang kasi kapit sa mga kasintahan nila at asawa ang mga kaibigan ko. Hay! Ako lang pala ang walang partner.
"Belle, sabay na tayo." si MJ na umagapay sa'kin sa paglalakad. "Look at our friends, they are really happy and contented with their lives, especially their love lives."
"Yeah. I notice. I'm really glad they already found their better halves."
"How I wish, me too."
"Hahah.. Magtapat ka na kasi sa kanya para may madadala ka rin during out of town trips."
"Right. I'll gonna do that." at kumindat pa sa'kin. Baliw talaga.
"Hoy! Halina kayong dalawa. Tigilan niyo muna iyang pagpapacute nyo." sigaw ni Myla na ikinatawa nilang lahat. Napailing nalang ako. Mas baliw talaga ang babaeng 'to.

BINABASA MO ANG
You and Me. . . hopefully. . .
RomanceSabi nila masarap magmahal... pero pano kung ang mahal mo ay may mahal ng iba? kakalimutan mo na ba siya? o aasa ka pa rin na balang araw magawa ka rin niyang mahalin?