Chapter 15

41 1 1
                                        

A/N:

Pasensiya po ngayon lang nakapag-update.  Medyo sabog lang ang utak ko this past few days at busy rin sa work and personal matters. 

Enjoy reading. :)

==============================

"MJ?!" mahina kong sambit pero narinig pa rin pala ni Mark.  

"Kilala mo siya, Belle?" tanong niya sa'kin.

"Yes.  Kakambal siya ng bestfriend ko." sagot ko.

"Belle, ang gwapo niya ha.  Infairness." hirit naman ni Kyla.   

"MJ?  Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya nang makalapit siya.  Talagang nagulat ako sa pagdating niya.

"I followed you." sagot nito.

"Why?"

"To continue what I started in Manila.  By the way, this is for you." at binigay niya ang dala niyang bulaklak.  In all fairness lang ha, hindi na ako magkandaugaga sa dalawang bouquet na hawak ko.

"Girl, ikaw na.  Daig mo pa si rapunzel sa haba ng hair mo." bulong naman ni Kyla.

"Belle, ako nalang magdadala ng bulaklak para hindi ka mahirapan." sabi ni Mark at kinuha ang bulaklak na bigay ni MJ.  

"Thanks, Mark."  sagot ko.  Sumimangot naman ang mukha ni MJ.  "By the way, Mark, this is MJ, my friend in Manila.  MJ, this is Mark, kaibigan ko na doctor ni lola.  And Kyla, officemate ko."  Kumaway nalang si Kyla kay MJ.

"Nice to meet you pare." si Mark at nilahad ang kamay.

"Nice to meet you." sagot ni MJ at tinanggap rin ang pakipagkamay ni Mark.  Nagsukatan muna ng tingin ang dalawang lalaki bago nagbitiw ng kamay.

"Belle, lets go.  Hinihintay na tayo nina lolo at lola." yaya ni MJ.

"What do you mean?  Nanggaling ka sa bahay?" tanong ko.

"Yes." sagot niya.  "Actually, doon ako dumiretso sa inyo.  Nandun pa nga ang mga gamit ko.  Sinusundo lang kita para makasabay ka namin sa dinner."   

"Ganun?  Sana sinabihan niyo ako ahead of time." sabi ko kay MJ.  "Mark, pasensiya na ha.  Kailangan ko na pala umuwi.  Hinihintay pala ako nina lola.  Pasensiya na talaga."

"It's okay, Belle.  Send my regards nalang to your grandparents." sagot ni Mark.

"Mark, pwedeng isabay mo nalang din si Kyla?" 

"Sure."

"Pare, akin na rin ang bulaklak.  Ako na ang magdadala." Kinuha na rin ni MJ ang bitbit kong bulaklak.  At sabay na kaming lumabas ng building.

"MJ, ano ba talaga ang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya nang nasa sasakyan na kami.

"Para ituloy ang panliligaw." simpleng sagot nito.

"MJ, I'm serious."

"I'm also dead serious."  hindi nalang ako kumibo.  Ang sarap lang kausap!  Note the sarcasm.  Kainis lang.  

"May gagawin kaming project dito sa Bohol." maya-maya sabi niya.  "Tamang-tama naman na nandito ka kaya ako na ang personal na humawak para mapalapit ako sa'yo."


"MJ, ano ba talaga ang gusto mong palabasin?"


"I already told you.  I will do anything para mahalin mo 'ko ulit." Hindi nalang ako nagsalita.  Kinabahan din ako sa sinabi niya.  I know him.  I can feel his determination.


"Hi la, lo." Bati ko sa grandparents ko.  Nagmano rin ako.  Nagmano rin si MJ sa kanila.  Hindi ko na napansin na nakasunod pala siya sa'kin.


"Halina kayo sa komedor.  Handa na ang hapunan." Yaya ni lola sa'kin.  Inalalayan din siya ng lolo ko.  Ang sweet pa rin nila hangang ngayon.  Nakakatuwa silang pagmasdan.


"Ang sweet nina lolo at lola noh? Sana ganyan din tayo." Biglang sabi nii MJ sa likuran ko.  Hindi nalang ako nag-komento pa at sumunod nalang ako sa komedor.

"Hijo, dito ka nalang tumuloy sa bahay." sabi ng lolo ko habang kumakain kami.  Napatingin tuloy ako bigla kay lolo.

"Lo, hindi po siya pwedeng tumira dito sa bahay." kontra ko agad.

"At bakit naman apo?  Malaki naman 'tong bahay natin."

"Tama naman po si Belle, Lo." sabi ni MJ bago pa ako makasagot.  "Hindi po magandang tingnan na sa bahay po ako ng nililigawan ko titira.  May reservation din naman po ako sa isang hotel."

"Nanliligaw ka pa lang?  Akala ko magnobyo na kayo ng apo ko." 

"Lolo!." saway ko.  Hindi ko na nagugustuhan ang takbo ng usapan.

"Wala namang masama kung kayo ang magkatuluyan apo.  Bagay na bagay nga kayong dalawa." sabi naman ni lola. 

"Kita mo, Belle.  Ang dami ng nagsasabing bagay tayo." sabi ni MJ na nakangisi sabay kindat pa.  Parang bigla naman lumukso ang puso ko sa ginawa niya.

"So?" sagot ko naman.  Nagkukunwari nalang ako na hindi apektado.

"Pakipot." bulong ni MJ pero narinig ko pa rin.  Sinimangutan ko nalang siya.  Nakakainis.  Hindi ko alam bakit naiinis ako sa mga hirit niya basta ang alam ko lang naiinis ako.  Hay ewan!  Ang gulo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You and Me. . . hopefully. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon