Chapter 7

36 1 1
                                    

"Myla, kumusta na si MJ? Ilang araw na siyang hindi pumapasok." 

"Ayun nagmumukmok pa rin.  Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit sinasayang niya ang buhay niya sa isang walang kwentang babae."

"Siguro mahal lang niya talaga si Maggie kaya hindi niya matanggap."

"Letseng pagmamahal yan.  Nakakainis na kasi eh.  Nasasaktan rin ako tuwing nakikita ko si MJ na nasasaktan."

"Pareho lang tayo Myla.  Nasasaktan rin ako para kay MJ.  Kung sana pwede ko lang kunin ang sakit na nararamdaman niya, matagal ko ng ginawa."

"Hey! Bat byernes santo mga mukha nyo?" biglang sabat ni Edward na bigla nalang sumulpot kaya napalo ko tuloy siya ng libro ko dahil sa sobrang gulat.

"Edward wag ka ngang manggulat. Papatayin mo kami sa nerbiyos eh.  Ang sarap mo patayin." sabi ni Myla.

"Grabe ka naman Myla.  Kahit kailan, ang brutal mo talaga.  For sure, pag nawala ako, hahanap-hanapin mo rin ako." sagot naman ni Edward.

"In your dreams, man." si Myla.

"Tingnan nalang natin.  Ano ba kasi problema niyo?  Bat ang seryoso ng mga mukha niyo?"

"Si MJ kasi sinisira ang buhay nang dahil lang sa isang walang kwentang babae. Mapapatay ko talaga ang Maggie na yun." galit na sagot ni Myla.

"Myla, kumusta na si MJ?" tanong ko kay Myla nang dumalaw ako sa kanila sa weekend.

"Ayun! Nagkukulong pa rin sa kwarto. Hindi pa nga kumakain.  Naiinis na talaga ako." sagot ni Myla.

"Dalhan ko nalang siya ng pagkain sa kwarto niya."

"Wag ka ng mag-abala, ginawa na namin yan pero hindi kami pinagbuksan."

"Susubukan ko lang. Nag-aalala na rin ako." pilit ko kay Myla kaya pinagbigyan na rin niya ako. Ako na rin mismo ang naghahanda ng pagkain niya.  Pangarap ko na nuon pa na gawin ko 'to sa kanya pero hindi naman sa ganitong paraan.

"MJ." tawag ko kay MJ sa labas ng kwarto niya sabay katok na rin sa pinto pero hindi sumasagot. "MJ buksan mo ang pinto.  May dala akong pagkain."

"MJ kailangan mong kumain. Baka magkasakit ka." tawag ko pa rin sa kanya."

"Ano ba! Ang ingay-ingay mo!" sigaw niya agad sakin ng buksan niya ang pinto ng kwarto niya. "Hindi ba kayo makaintindi? Gusto kong mapag-isa." at tinabig niya ang kamay ko na may dalang pagkain.  Natapon tuloy at nagkalat sa sahig.

"MJ sumosobra ka na. Nag-aalala lang naman kami sayo. Kumain ka naman kahit kunti.  Baka magkasakit ka sa ginagawa mo." pilit ko pinapakalma ang boses ko kahit ang totoo gusto ko ng umiyak dahil sa ginawa niya.  Si Myla naman napatakbo palapit sa'min.

"Bakit ba ganyan ka umasta? Kaano-ano ba kita? Wait, sa pagkakaalam ko kaibigan ka lang ng kakambal ko kaya wala kang karapatang manghimasok sa buhay ko.  Hindi ko kailangan ng awa niyo, lalong lalo na ang awa mo." sigaw niya pa rin.  Dahil sa mga sinabi niya, hindi ko na napigilan ang sarili ko na sampalin siya.

"Gusto mong malaman kung bakit ganun nalang ang pag-aalala ko sayo? Pwes sasabihin ko, mahal kita MJ.  Mahal na mahal. Simula noon hangang ngayon mahal kita.  Kahit ilang beses mo akong nasasaktan, hindi pa rin tumitigil sa pagmamahal sayo itong letseng puso ko.  Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan? Ako MJ, dobleng sakit ang nararamdaman ko dito." at tinuro ko ang dibdib ko.  Hindi ko na rin napigilan ang mga luha ko.

"Belle, tama na.  Halika na.  Aalis nalang tayo." sabi ni Myla.  Si MJ naman parang natulala lang.

"Hindi Myla.  Tatapusin ko na 'to." sagot ko. "MJ." baling ko sa kanya.  "Pagod na pagod na akong mahalin ka.  Paulit-ulit nalang yung sakit.  Now i realized na kailangan ko rin naman pahalagahan ang sarili ko.  Hindi ako pinalaki ng mga magulang ko na sigaw-sigawan mo lang.  I gave up.  Wag kang mag-alala.  Hinding-hindi na kita guguluhin kahit kailan." at tumalikod na ako.  Pangako ko sa sarili ko na kakalimutan ko na siya at magsisimula ako ng bagong buhay na malayo sa kanya.

You and Me. . . hopefully. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon