"Good morning." bati ko sa kanilang lahat sa dining area. Paggising ko kasi ako nalang mag-isa sa room. Ang tagal ko rin kasi nakatulog kagabi dahil sa revelation ni MJ. Hindi naman sa sobrang apektado ako pero talagang nabigla lang ako.
"Good morning." sagot naman nila.
"Belle, kain ka na." anyaya ni Myla.
"Belle, dito ka na maupo." si MJ at iminuwestra ang upuan na nasa tabi niya.
"Naks! Bro umagang-umaga dumidiga ka na ah." tumatawang sabi ni Edward at nakipag-high five sa mga lalaki. Doon nalang kasi sa tabi niya ang walang nakaupo kaya wala na rin akong choice kundi umupo sa tabi niya.
"Thanks." sabi ko dahil pinaghila pa niya ako ng upuan.
"What do you want to eat?" tanong niya sa'kin.
"It's okay MJ. Ako na. I can manage." sagot ko. Naiilang kasi ako sa mga pinanggagawa niya. Tapos ang mga kaibigan pa namin lalo na si Myla at Edward todo lang makangiti.
"Gusto mo ba ng bacon or ham?" tanong niya pa rin habang nilalagyan ako ng fried rice sa plate. Hindi na ako nakatanggi. Napailing nalang ako sa gesture niya. Hinayaan ko na rin kasi hindi naman siya nagpapigil.
"MJ, tama na. Okay na 'to." pigil ko sa paglalagay pa niya ng pagkain sa plato ko kasi marami na.
"Oo naman MJ. Baka tumaba yan si Belle. Sayang naman ang figure niya." sabad ni Myla.
"Exactly what I want para wala ng magkakandarapa sa kanya." sagot naman nito.
"Wew! Ibang level na talaga 'to. Pinagpapawisan ako sa kilig." tudyo naman ni Juliet. Nanukso na rin silang lahat. Ako naman, feeling ko sobrang pula na ng mukha ko sa kahihiyan habang si MJ ay nangingiti lang. Parang nag-eenjoy pa ata.
"Hoy! Magsitigil nga kayo. Kumain na nga lang tayo." awat ko sa kanila.
"Ayaw mo ba na tinutukso tayo Belle? Kasi ako gustong-gusto ko. Kung pwede nga pakasal na tayo eh." si MJ na abot tainga ang ngiti.
"Ikaw." turo ko sa kanya. "Magtigil ka rin. Hindi nakakatawa." sagot ko naman sa kanya. Bigla na rin siyang nagseryoso. Natahimik na rin ang lahat. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko. Si MJ naman hindi na nagsasalita pero inaasikaso pa rin ako. Siguro kung noon pa 'to nangyari, sobrang saya ko siguro. Baka nga magpapa-piyesta pa ako.
Araw na ng kasal ni Myla at Edward. At dahil ako ang maid of honor, nandito ako sa tabi niya. Ang ganda-ganda talaga ni Myla. Makikita mo sa hitsura niya na sobrang saya niya. Bagay na bagay sa kanya ang wedding gown niya. Habang tinitingnan ko siya na kinukunan ng pictures bago ang kasal, para akong maiiyak sa sobrang saya. Finally, ikakasal na siya sa Mr. Right niya.
"Bestfriend congrats. Sooner maging Mrs. Edward Leviste ka na." bati ko sa kanya nang nasa bridal car na kami papuntang simbahan.
"Thank you Belle. Thank you for always being their for me. Kahit noong nasa Bohol ka, ramdam na ramdam ko pa rin na andyan ka for me."
"Naks! Eh ano pang silbi na bestfriend mo 'ko kung hindi kita dadamayan. Heheh. Payakap nga."
The wedding went very well. Very solemn and yung vows nila for each other were very inspiring and nakakaiyak. Pagdating naman sa reception, cool and vibrant ang ambiance. May mga extra pakulo pa para mas mag-enjoy ang bagong kasal at mga guests.
"Okay. May I request all the single ladies to come in front." sabi ng host ng program. "Time for tossing of boquet. Special request si Ms. Belle." nagtatawanan naman ang mga guests sa huling sinabi ng host. Pinandilatan ko rin ng mata ang bagong kasal bago ako pumunta sa harap. I know sila ang may pakana nito at take note tinawanan lang ako. Pareho talagang may sayad ang dalawa. Bagay na bagay nga talaga sa isa't isa.
Nang nasa harap na rin ang lahat ng mga single ladies, pumwesto na rin ang bride sa unahan para ihagis na ang boquet. Ako nandito lang ako sa likod kasi hindi naman ako interesadong sumalo.
"Okay, ready na ang bride. Ang mga beautiful ladies din natin ay readyng-ready na. So in one, two, three, toss the boquet." sigaw ng host.
Hindi ko alam kung minamalas ba ako or something. Ako na nga ang hindi interesado, sa'kin pa talaga napunta ang boquet. At tuwang-tuwa pa talaga ang lahat. Pati parents ko.
"Halika muna dito Ms. Belle. Tumabi ka muna sa bride habang hinihintay pa natin kung sino naman ang mapalad na makakuha ng garter. For sure, ang mga gentlemen dito eh mag-aagawan talaga sa garter. Tingnan niyo naman, ang ganda ganda ni Ms. Belle." sabi ng host.
"Myla, ang galing rin ng timing mo noh? Sa'kin pa talaga." sabi ko kay Myla nang tumabi ako sa kanya.
"Hayaan mo na. Gusto ko ikaw na ang susunod na ikakasal. Heheh."
"Tse! Pasalamat ka special day mo 'to. Kung hindi babatukan talaga kita." natatawa ko nalang sabi.
"Okay. Gentlemen, it's your turn. Kayo naman ang mag-aagawan ng garter." Nang nasa harap na ang mga guys nag-explain na ang host kung ano ang gaawin. "Para maiba naman, bibigyan ko kayo ng tig-isang balloon at paputukin niyo by sitting at it. Kung sino ang huling makaputok ng balloon, siya ang makakuha ng garter. Game?" at nagsitanguan naman sila.
"Get ready. In one, two, three, go." sigaw ng host. At isa-isa ng nagsiputukan ang mga balloons. "May winner na tayo. At ang gwapo rin ha. Bagay. What's your name handsome?"
"MJ, the twin brother of the bride." nakangisi nitong sabi at tumingin sa'kin. "And Belle, is the bestfriend of the bride. So, bagay na bagay talaga diba?"
"Woh! Pre, congrats. Wag mo ng pakawalan." sigaw naman ng mga kaibigan naming lalaki.
"Uyy. Parang I sense something. Are you two an item?" tanong naman ng host. Hindi na sumagot si MJ bagkus ngumiti nalang siya ng makahulugan. Mas lalo naman naging malakas ang tuksuhan. Ako naman, parang gusto ko ng mag-walk out.

BINABASA MO ANG
You and Me. . . hopefully. . .
RomanceSabi nila masarap magmahal... pero pano kung ang mahal mo ay may mahal ng iba? kakalimutan mo na ba siya? o aasa ka pa rin na balang araw magawa ka rin niyang mahalin?