Chapter 4 (Part 2)

52 1 0
                                    

Kababalik lang namin sa school galing lunch.  Si Edward dumiretso na sa classroom niya kasi may class pa siya.

"Belle, malling tayo this saturday." invite ni Myla sa'kin.

"O sige ba.  Tagal na rin nating hindi nakagala." agree ko sa kanya.

"Alright!"

"Punta muna tayong library, may hihiramin akong libro." yaya ko sa kanya.

"Okay. Let's go. Tamang-tama, pag ganitong oras, nasa library ang crush kong si Aldrei." kinikilig na sabi ni Myla. 

"Asus! mabuti sana kong kilala ka ng crush mo pero hindi naman." tudyo ko sa kanya.

"Okay lang naman sa'kin kahit hindi niya ako kilala. Kontento na ako na nakikita siya."

"Omg! May pagka-martyr ka rin pala Myla. Hahaha."

"Tse! Hindi no. Saka hindi ko na kailangan magpakilala. Crush ko lang naman siya."

"Ganun?" sabi ko na nakangisi.

Araw ng sabado.  Nasa mall na kami ni Myla. Tumingin-tingin kami ng mga damit, sapatos, bags at mga accessories. At kung may magustuhan kami, binibili namin.  May mga ipon din naman kasi kami.

"Myla, si Maggie ba yun?" tanong ko kay Myla habang tinuro ko ang isang babae.

"Parang si Maggie nga. Halika sundan natin." 

"Ano ka ba. Wag na no. Makita pa tayo. Mapagkamalan pa tayong stalker. Saka baka may date sila ni MJ."

"I don't think so na may date sila ni MJ. Nandun lang si MJ sa bahay at wala siyang binanggit na may lakad siya today."

"Baka biglaan."

"Hindi eh. Iba ang pakiramdam ko. I sense something bad." sabi ni Myla na hinihila na ako para sundan si Maggie.

"Myla, hindi 'to tama." pigil ko pa rin sa kanya.

"Okay lang 'yan. Hindi naman tayo magpapakita. Saka kapag si MJ ang ka-meet niya, aalis din tayo agad. Promise. Bantayan mo nalang siya, i-reready ko lang ang videocam ko."

"Kailangan pa ba 'yan?" tanong ko nalang.

Nakarating kami sa bahagi ng mall kung saan wala masyadong tao ang dumadaan sa kakasunod kay Maggie. Nakita namin si Maggie na papalapit sa isang lalaki na hindi namin kilala. Parang kaedad lang namin ang lalaki at infairness gwapo at maganda ang tindig.

"Oh my God!" shock na sabi ni Myla nang makita namin na naghahalikan si Maggie at ang lalaki. Nakanganga lang din ako sa nasaksihan. Niloloko lang ni Maggie si MJ. Niloloko niya ang taong mahal ko.

Pagkatapos naming masaksihan ang kataksilan ni Maggie, nagpunta kami ni Myla sa isang restaurant sa loob ng mall.  Nanghihina ako sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala.

"Walanghiyang babaeng yun. Niloloko lang niya ang kakambal ko. Makikita niya, isusumbong ko siya kay MJ." litanya ni Myla na galit na galit.

"Myla, calm down. Wag kang padalos-dalos. Baka hindi maniwala si MJ."

"Anong gusto mong gawin ko? Palampasin nalang ang nakita ko?"

"Hindi naman sa ganun. Pero mas mabuti kong si MJ mismo ang makakita sa kataksilan ni Maggie."

"E di ipapakita ko sa kanya ang video."

"Kung 'yan lang ang pruweba mo baka mag-drama lang si Maggie. Baka hindi siya aamin. Alam mo naman 'yun daig pa ang artista kung maka-acting."

"May point ka din Belle. Pero gagawa talaga ako ng paraan para malaman ni MJ ang totoo. Hindi ko matatanggap ang ginawa niya. Totoo talaga ang hinala ko na she's a flirt."

"Ako rin. Galit ako sa kanya. Wala siyang karapatang saktan at lokohin ang taong mahal ko."

"Ayan! Lumabas din. Mahal mo pa rin si MJ kahit six months na kayong hindi nag-kikita."

"Hay! I admit, mahal ko pa rin siya. Mahal na mahal. Nakapagdesisyon na ako. Hindi ko nalang pipilitin ang sarili ko na kalimutan siya kasi hindi ko rin naman kaya. Bahala na sa God sa nararamdaman ko."

"Sigurado ka na ba dyan Belle?"

"Oo." maikli kong sagot.

You and Me. . . hopefully. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon