"Belle, may nangyari kay MJ." bungad agad sa'kin ni Myla pagkasagot ko ng cellphone ko.
"Ha! Anong nangyari sa kanya?" nag-alala kong tanong.
"Nagwawala siya kanina sa kwarto niya tapos bigla nalang umalis."
"Ano bang nangyari? Pupunta ako dyan sa inyo." binaba ko na agad ang cellphone ko at nagmamadaling pumunta sa kanila.
Nakaabang na pala si Myla sa'kin sa labas ng bahay nila.
"Myla, ano bang nangyari?" tanong ko agad.
"Hindi ko na kailangan ipakita kay MJ yung video kasi nahuli niya mismo si Maggie na may kahalikang iba."
"Ano? Paano?"
"Hindi ko rin alam. Ang problema natin kung saan natin hahanapin si MJ. Sigurado maglalasing na naman yun."
"Tara na. Hahanapin na natin. Tawagan mo lahat ng kaibigan niya baka alam nila. Hahanapin na rin natin siya sa mga bar." Hindi na kami nag-aksaya ng oras ni Myla. Sobrang nag-alala ako kay MJ baka ano ang gawin niya.
Natawagan na ni Myla ang mga kaibigan ni MJ pero wala silang alam kung nasaan siya. Ilang bar na rin ang napuntahan namin pero hindi pa rin namin siya nakita. Wala sanang masamang nangyari sa kanya.
"Nasaan na ba yun si MJ? Naka-off pa rin ang phone niya." si Myla.
"Saan pa ba nagpupunta si MJ kapag galit siya?" tanong ko.
"Sa bar lang naman ang alam ko." sabi ni Myla tapos may biglang naisip. "Alam ko na sa tabing dagat."
"Oo! Tama! Dun ko siya nakita dati nung naghiwalay sila ng ex niya. Tara puntahan na natin."
Hindi nga kami nagkamali ni Myla. Nakita namin si MJ sa tabing dagat, umiinom at nakatanaw lang sa kawalan. Habang pinagmamasdan ko si MJ, hindi ko maiwasang masaktan. Kung sana ako nalang ang minahal niya, hindi sana siya masasaktan ng ganito.
"Tara na Belle. Lapitan na natin si MJ."
"Wag nalang muna Myla. Hayaan nalang muna natin siya na mag-isa para makapag-isip." Tanggi ko kaya tinitingnan nalang namin si MJ mula sa malayo. Alam na alam ko ang nararamdaman niya kasi nagmamahal din ako.
"Belle, ilang oras na tayo dito. Gabi na masyado. Lapitan na natin si MJ. Uuwi na tayo."
"Okay. Tara na."
"MJ" tawag ni Myla nang makalapit na kami.
"Anong ginagawa mo dito? Umuwi ka na. Gusto kong mapag-isa." sagot ni MJ na hindi man lang tumingin sa'min. Hindi nga niya alam na nandito din ako.
"Uwi na tayo. Lasing ka na." akmang hahawakan ni Myla si MJ pero umiwas ito.
"MJ, ano ba, umuwi na tayo. Wag mong sirain ang buhay mo sa isang walang kwentang babae," si Myla.
"Pwede ba Myla. Pabayaan mo muna ako, kahit ngayon lang. Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko kasi hindi ka pa nagmahal," sagot ni MJ.
"MJ, tama na." sabat ko sa kanilang dalawa.
"Belle, umuwi na kayo."
"Hindi kami uuwi kapag hindi ka namin kasama."
"Tss! Pwede ba pabayaan nyo ako. Hindi ba kayo marunong umintindi?!" sigaw ni MJ.
"Eh di bahala ka sa buhay mo!" sagot din ni Myla at nag-walk out.
"Ikaw! Umalis ka na rin. Hindi ko kailangan ang awa nyo." sigaw din niya sakin.
"MJ, oo nga nasaktan ka pero hindi mo naman kailangan na sigawan kami. Nag-aalala lang naman kami sayo kasi mahal ka namin." sagot ko at umalis na rin ako. Ito ang unang pagkakataon na sinigawan ako ni MJ at inaamin ko sobrang nasaktan rin ako.

BINABASA MO ANG
You and Me. . . hopefully. . .
RomanceSabi nila masarap magmahal... pero pano kung ang mahal mo ay may mahal ng iba? kakalimutan mo na ba siya? o aasa ka pa rin na balang araw magawa ka rin niyang mahalin?