"Belle, baba na. Baka ready na sila ni Myla. Wag mo silang paghintayin." tawag sa'kin ni mama.
"Okay ma." nagmamadali na man akong bumaba ng hagdanan.
"Sigurado ka ba talaga na sasabay ka na sa kanila ni Myla? Baka masaktan ka lang." sabi ni mama sa'kin ng abutan ko siya sa baba. Napagdesisyunan ko kasi na hindi ko na iiwasan si MJ.
"Opo ma. Hindi man niya ako magawang mahalin pero tutulungan ko pa rin siya na magising sa panloloko ni Maggie sa kanya." madrama kong sabi.
"Dalaga na talaga ang anak ko. Payakap nga." at niyakap ako ni mama. "Basta tandaan mo anak. Andito lang kami palagi ng papa mo para sa'yo."
"Thanks ma. Sige po alis na po ako. Masyado na tayong ma-drama dito. Heheh." at natawa na rin si mama.
Pagdating namin sa school, agad na akong bumaba ng sasakyan. Paalis na kami ni Myla patungong classroom namin ng tawagin ako ni MJ.
"Belle." tawag niya sa'kin. Si Myla naman nauna nalang sa classroom namin.
"Hmmm?" tanging sagot ko nalang sa kanya sabay lingon. Nangangatog na naman ang mga tuhod ko habang pinagmamasdan ko ang gwapong mukha niya. Mahal ko pa rin talaga ang lalaking 'to. Walang nagbago.
"Mabuti sumabay ka na ulit sa'min. Namiss kita." sabay akbay niya sa'kin na nakangiti.
"Loko! Kung makapagsalita ka parang galing ako sa malayong lugar." sabi ko sa kanya habang tinampal ko ang kamay niya sa balikat ko.
"Ang tagal mo kayang hindi nagpapakita sa'kin. Wag mo na ulit gawin 'yun ha." sabi niya at ginulo niya ang buhok ko at nauna ng maglakad. Ako naman para akong tinulos sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Alam ko naman na wala lang yung sinabi niya pero hindi ko pa rin mapigilang kiligin. Omg! Natauhan lang ko nang marinig ko ang tunog ng bell. Napatakbo nalang tuloy ako patungong classroom para hindi ako ma-late sa klase.
"Anong sinabi ni MJ sa'yo?" tanong agad ni Myla pagdating ko sa room. Mabuti nalang wala pa ang prof namin.
"Sinabi lang niya na na-miss niya ako." sagot ko naman.
"Talaga? Sinabi niya yun?" parang kinikilig pa na sabi ni Myla.
"Oo. Hindi naman siguro big deal yun sa kanya. Syempre kaibigan niya ako kaya natural lang na ma-miss niya ako lalo na at ang tagal kong hindi nagpakita."
"Wehh? Aminin mo kinikilig ka rin. heheh."
"Slight." sagot ko. Natatawa na rin ako. "Ayoko naman umasa." Ngumiti nalang si Myla sa'kin kasi dumating na ang prof namin.
Pagkatapos ng klase namin, dumiretso na kami ni Myla sa parking lot ng school. Sasabay na ako sa kanila sa pag-uwi. Paglapit namin sa kotse ni MJ, nandun na pala siya sa loob naghihintay kasama ang maharot niyang girlfriend. Kapag nakikita ko si Maggie, umiinit talaga ang ulo ko. Naaalala ko ang panloloko niya.
"Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng 'yan. Ang sarap lang sabuyan ng asido sa mukha." sabi naman ni Myla.
"Myla, kalma lang." napabuga nalang ng hangin si Myla bago kami pumasok sa loob ng sasakyan.
"Hi Maggie!" sabi ni Myla wearing an evil smirk. Kinabahan naman ako baka ano na naman ang balak nitong gawin.
"Hi Myla. O Belle, long time no see." kausap niya sa'kin. "Hindi ka na nakatiis?" sabi niya na naka-smile pa. Si MJ naman hindi na nagsasalita at naka-focus nalang sa pagda-drive.
"What do you mean?" sabi ko na tinaasan ko siya ng kilay.
"I'm pretty sure na alam mo ang ibig kong sabihin."

BINABASA MO ANG
You and Me. . . hopefully. . .
RomanceSabi nila masarap magmahal... pero pano kung ang mahal mo ay may mahal ng iba? kakalimutan mo na ba siya? o aasa ka pa rin na balang araw magawa ka rin niyang mahalin?