Chapter 6

397 15 2
                                    

Chapter 6

“I’m so tired! Let’s go home already, Beatrice!”

Napanguso na lang ako dahil nagsisimula na akong makaramdam ng pagod. Nandito kasi kami ngayon sa mall. Araw ng Linggo at nagyayang mamasyal ang magaling kong kaibigan.

Enjoy pa naman noong una. Pero nang mapansin ko na halos lahat na lang ng boutique rito ay pinapasok namin, unti-unti na akong nakaramdam ng boredom at pagod. Hindi naman kasi ako ganito katagal at kabusisi mamili.

Isa pa, ang sabi niya ay mamamasyal lang kami. Malay ko ba na katakot-takot na pamimili pala ang ibig niyang sabihin ng mamamasyal?

Naaawang tumingin ako sa mga paa ko. Kung bakit naman kasi napakamapili ng babaeng ‘to.

Ngumisi ito nang nakakaloko sa ‘kin. And I swear, I have a bad feeling about it. “Mamaya na. Kulang pa nga ang mga pinamili ko, eh.” Tila nabingi naman ako nang dahil sa narinig.

Saang parte kaya ng fifteen na paper bags ang kulang? Pinakuha na nga namin ang lahat ng ‘yon sa driver nila kanina para madala na sa kotse. Ang hassle naman kasi masyado kung bibitbitin pa namin ang mga ‘yon hanggang sa paglilibot. Goodluck na lang kung makalakad pa kami ng maayos kapag gano’n nga ang nangyari.

“You’ve got to be kidding me. Saan mo ba binabalak suotin ang lahat ng mga pinamili mo?” Gusto ko itong yugyugin sa balikat para magising ito sa katotohanan na ang dami pa niyang hindi nasusuot sa mga damit niya. Tapos nagdagdag pa ng itatambay sa kabinet niya.

Nagkibit balikat ito. “Wala naman. Trip ko lang talaga na mamili ngayon. Saka anong malay natin, baka kailanganin ko rin ang mga ‘yon pagdating ng araw.” Kita mo ‘tong babaeng ‘to. Nagawa pa akong idamay at pagurin nang dahil lang sa trip niya.

“Bahala ka nga! Basta mauuna na ako sa kotse. Ang sakit na talaga ng mga paa ko, eh!” reklamo ko pa. Sana naman ay maawa ito sa ‘kin kahit papaano.

Napairap ito. “Sige na nga. Don’t worry. May babayaran lang ako saglit sa payment center tapos susunod na ako.”

Napangisi naman ako. Mabuti naman at madali ko itong napakiusapan ngayon. “Good. Dalian mo lang, hah. May dadaanan pa kasi ako saglit.”

Pupuntahan ko kasi ang playground kung saan ako madalas maglaro noon kasama ang taong naging espesyal na parte ng buhay ko. Matagal-tagal na rin kasi magmula noong huli kong napuntahan ang lugar na ‘yon. Kung saan ay lagi kong inaalala ang masasayang pangyayari na magkasama kaming dalawa.

Ilang taon na rin kasi ang lumipas magmula ng mawala siya.

Bigla namang lumambot ang ekspresyon ng mukha ni Bea. “Oo nga pala. Sige. Bibilisan ko lang.” Tumalikod na ito at nagsimulang lumakad palayo. Habang ako naman ay mabilis ang mga hakbang na dumiretso papunta ng parking lot.

Agad akong pinagbuksan ng family driver nila Bea nang makalapit ako sa sasakyan. Nag-browse lang ako sa social media accounts ko habang naghihintay at ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na rin si Bea.

“Alam mo. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya sa kung ano ba ang hitsura ng kaibigan mong ‘yon. Talaga bang wala ka man lang naitago ni isang picture niya o kahit n’yong dalawa?” tanong ni Bea nang magsimula ng umusad ang sasakyan.

Tristan, the Rebel Guy (Published)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon