Chapter 8
Umupo na si Bryan sa tabi ko. “Did you see Bea?” I asked him.
Umiling naman ito. “No. Hindi ba kayo ang palaging magkasama?”
I nod at him. “Yeah. Kaya lang ay hindi naman ito nag-sleepover sa ‘min kagabi. Pagkatapos ay dinaanan ko ito sa kanila kanina. Pero ang sabi ng katulong nila ay nauna na raw ito. Hindi ko pati ito makontak.” Napanguso na lang ako. Nasaan na kaya ang babaeng ‘yon?
Medyo nakaramdam naman ako ng ilang nang mapansin ko na nakatitig pa rin si Bryan sa ‘kin. Bakas pa rin ang pag-aalala sa kanyang mukha.
I poked him in the arm. Feeling close ako, eh! “Hey. Okay lang talaga ako. Wag ka ng mag-alala riyan.” I assured him.
He patted my head. “Alam ko naman na kaya mo, eh. You seem to be a strong woman. I just can’t help it but feel worried.”
Kumunot ang noo ko. Kaya ang alin?
Ilang minuto pa ang lumipas pero wala pa ring tigil ang mga kaklase ko sa pagtingin sa ‘kin at pagbubulungan. Para na nga silang mga bubuyog sa pandinig ko, eh.
“Don’t mind them,” nakangiting sambit ni Bryan.
“Wala naman akong pakielam sa kanila.” Nagkibit balikat lang ako.
Alam ko naman kasi na maganda at sexy ako. Hindi naman na nila kailangan pang ipahalata masyado.
I glanced at the door, and then there I finally saw Bea enter. Agad na nagliwanag ang mukha ko. “Bea!” Mabilis akong tumayo at tumakbo palapit sa kanya. “Let’s talk.” Para akong bata na kumapit sa braso niya.
Alanganin itong ngumiti sa ‘kin. “Sure. Let’s talk outside.” Napatango naman ako at hinila na ito palabas.
Pagkarating namin sa corridor ay sumandal kami sa bakal na railings pagkatapos ay nilingon ko ito. “Are you mad at me? Kasi hindi mo sinasagot ang mga tawag at text ko, eh. Hindi ka rin nag-sleepover sa ‘min kagabi.” Napanguso ako.
“Dinaanan din kita sa inyo kanina pero maaga ka raw umalis. Pagkarating ko naman dito ay wala ka pa pala. Pero salamat nga pala sa pagdadala ng gamit ko sa bahay kagabi.” I paused for a while when I remembered something. “Ahm... about what happened yesterday, it’s... it’s...” Paano ko nga ba ipapaliwanag ang lahat?
She laughed, then pinched my cheeks. “Silly! What made you think that I’m mad at you? May dapat ba akong ikagalit?” Umiling ako. Wala naman kasi talaga akong maisip na dahilan para magalit ito.
“Oh. Ayun naman pala, eh. Kaya wag ka ng mag-isip ng kung anu-ano riyan.” She gave me an apologetic look. “But I’m really, really sorry for not responding to your texts and calls. Pagkauwi ko kasi galing sa inyo ay naligo lang ako at nag-ayos tapos umalis na ulit. May kinailangan kasi akong puntahan at gawin. Unfortunately, I left my cellphone.” Malalim itong humugot ng hininga.
“Ako nga dapat ang mag-sorry sa ‘yo dahil hindi kita natulungan nang hilahin ka kahapon ni Tristan. Pinagdasal ko lang na sana ay wala naman itong gagawing hindi maganda sa ‘yo. Saka sinabihan ko rin ang mga katulong n’yo at si Mang Ben kung sino ang kasama mo para aware sila.”
I smiled at her. “Ayos lang. Wala namang nangyari sa ‘kin na masama. Pasensya na rin. Umiral na naman ang pagiging overthinker ko.”
BINABASA MO ANG
Tristan, the Rebel Guy (Published)✓
Teen Fiction• Tristan, the Rebel Guy (Novel) • Campus Prince Series #1 • Published Under Immac PPH Samantha Michelle Alvarez is a typical type of girl who believes in the concept of true love. Thus, despite the heartbreaks she has experienced, she still hopes t...