Chapter 2

589 23 72
                                    

Chapter 2

Lunch break came so fast. Mabuti na lang. Dahil kung hindi ay baka tuluyan na akong nakatulog sa sobrang pagkabagot. Sinubukan ko namang kausapin si Bea pero wala naman akong napala. Para kasi itong lutang na hindi ko maintindihan kaya hinayaan ko na lang. Ayaw kasi niya na ginugulo sa tuwing malalim ang iniisip niya.

Sumulyap ako sa nakabukas na pinto. Nagbabakasakali na baka dumating na si Bryan dahil hanggang ngayon ay wala pa rin ito.

Pero ilang minuto na ang lumipas ay wala pa ring Bryan na pumasok doon.

Napabuntonghininga na lang ako bago ko napagpasyahan na hilahin patayo si Bea dahil mukhang wala pa itong balak na kumilos.

“Aray! Makahila naman!” Sinamaan niya ako ng tingin.

Nag-peace sign lang ako sa kanya. “Sorry na! Gutom na gutom na kasi ako. Tara na!” Ikinawit ko ang braso ko sa braso niya nang magsimula na kaming maglakad.

“What’s new, anyway? Palagi ka namang gutom!” She rolled her eyes. Mukhang nasa mood na ulit ang besty ko!

Napangisi na lang ako sa kanya.

Pero natigilan ako nang bigla siyang huminto pagkalabas namin. Salubong ang magkabila niyang kilay at bakas ang iritasyon sa kanyang mukha.

Dala ng kuryosidad ay napalingon ako sa direksyon na tinitingnan niya.

“Teka. Kanina sa quadrangle. Ngayon naman dito sa corridor. May artista bang napadpad rito sa school natin kaya ganyan na lang kung magkagulo ang female population dito?” wala sa sarili kong tanong.

“Just don’t mind them. Pumunta na lang tayo sa cafeteria.”

Napataas bigla ang kilay ko nang dahil sa sinabi ni Bea. Bigla atang nag-iba ang ihip ng hangin. Parang kanina lang ay ito pa ang may gusto na makigulo. Pagkatapos ngayon ay dedma na lang?

“Teka lang! Tingnan muna natin kung anong mayroon.” Hinila ko na ito bago pa man ito makaangal.

Pero hindi pa man din kami nakakalapit ay may namataan na akong isang pamilyar na imahe na nagpupumilit makalabas mula sa malawak na kumpulan. Agad naman akong napahinto nang makilala kung sino ito.

“Si Tristan lang pala. Akala ko naman kung sino.” Napailing na lang ako. Unang araw pa lang niya rito pero instant celebrity na agad.

“Get out of my way!” naiirita niyang sigaw habang malalim ang pagkakakunot ng noo.

Tila wala namang narinig ang mga nagkakagulong babae at feeling babae sa paligid. Sige pa rin sila sa pagsunod at pagkausap kay Tristan na parang hangin lang naman kung itrato sila.

“Tara na nga. Gusto ko ng kumain, eh.” Hinila ko na ulit si Bea at pilit na nakipagsiksikan para makalabas dahil mas dumagsa pa ang mga kababaihan at kafederasyon na nakapaligid sa ‘min. Ang kaso ay masyado silang marami kaya hindi agad namin nagawang makasingit.

“Excuse me nga!”

Nagulat na lang ako nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Bea.

“Excuse sabi, eh!” Tuluyan na niyang hinawi ang mga babae na nakaharang sa daraanan namin. Amazona talaga ang best friend ko!

Dali-dali kaming dumiretso sa cafeteria nang sa wakas ay nalagpasan na namin ang delubyong pinagdaanan namin. Sa susunod talaga ay hindi na ako makikiusyoso sa kahit na ano.

Mabuti na lang at wala pang masyadong tao rito at nakahanap agad kami ng mauupuan pagkatapos naming umorder.

“Sammy, naisulat mo ba ang assignment natin kanina? Pakopya ako, hah? Tinamad kasi akong magsulat, eh,” tatawa-tawang tanong niya sa ‘kin. Ang bilis talaga magbago ng mood ng babaeng ‘to.

Tristan, the Rebel Guy (Published)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon