Chapter 15
Tristan was the one who broke the silence. He looked up at me with his eyes full of sincerity. “Mimi,” he called out as he stared at me.
I looked at him, confused. Only Mickey used to call me that. He’s my childhood friend. Kaming dalawa lang ang bukod tangi na nagtatawagan ng gano’n.
Mimi ang tawag niya sa ‘kin dahil Mich ang pangalan na naipakilala ko sa kanya noon habang Mickey naman ang tawag ko sa kanya dahil Michael ang alam kong pangalan niya. Nagsimula lang sa asaran ang tawagan naming ‘yon. Kung tutuusin ay saglit lang kaming nagkasama pero naging sobrang malapit kami sa isa’t isa. We became close the day he saved me from those kids who bullied me nine years ago. I was six years old back then.
But Mickey was already dead, as were his parents.
Ilang buwan pagkatapos ng nangyaring aksidente ng pamilya nila ay nagkaroon naman ako ulit ng kaibigan. Si Kuya Jes. Kahit anim na taon ang tanda niya sa ‘kin ay nagkasundo naman kaming dalawa. Kaya lang ay saglit lang din kami nagkasama dahil kinailangan nilang umuwi ng probinsya. Mich naman ang tawag niya sa ‘kin.
“What did you just call me?” I asked, but he didn’t answer. He just stared straight into my eyes with so much longing.
Teka. Ganyan din ang tingin niya sa ‘kin kanina!
Nalilito kong nilingon ang mga magulang ko na nananatiling tahimik. “Mom? Dad?” This is so damn frustrating!
Dad took a deep breath, then looked at me intently. “Kahit kami ay nahirapan ding maniwala noong una, anak.” My heart is now pounding inside my chest as sweat starts to form on my forehead.
It can’t be.
Ilang minutong katahimikan din ang dumaan. Bago ito tuluyang nabasag.
“Tristan…” Bakas ang pag-aalinlangan sa mukha ni Mom bago muling nagpatuloy. “He’s Mickey. He’s alive. They’re alive.” Nahigit ko ang hininga nang dahil sa pinagtapat ni Mom.
“Mahigit dalawang buwan na ang nakararaan nang hindi sinasadyang magtagpo ang landas namin ng mga magulang ni Tristan sa isang business trip. Doon namin nalaman ang totoong nangyari sa kanila. Noong una ay ayaw pa nilang makipag-usap sa ‘min dahil nga sa galit nila sa ‘tin. Pero nang maipaliwanag namin ang talagang nangyari noon ay nagsimula na rin silang magkuwento.” Nagulat ako sa sinabi ni Dad. Bakit hindi man lang nila nabanggit sa ‘kin ang tungkol do’n?
“They have been in a coma for half a year. Masuwerte raw na hindi gano’n kalala ang tinamo ni Tristan. Kaya isang linggo lang ang lumipas ay nagising na ito. Tristan waited for them to wake up before he convinced them to go home to the Philippines. Sa murang edad ay ginusto na niyang makabalik agad sa bansa nang dahil sa ‘yo.” Mahihimigan ng pag-aalinlangan ang boses ni Dad.
“Kaso lang ang naabutan niyang eksena ay kung gaano ka kasaya kasama ang bago mong kaibigan. Kaya inisip niya na wala na siyang babalikan pa. Na pinalitan mo na siya sa buhay mo. He also thought that you didn’t even bother to look for him. That there’s nothing special about the friendship you two had,” pagpapatuloy ni Dad.
“Nang dahil doon ay nagtanim ito ng sama ng loob sa ‘yo. Kaya nakiusap ito sa mga magulang niya na tuluyan ng putulin ang komunikasyon sa ‘tin at wag ng magpakita pa.” Napabuntonghininga si Mom. “Ginamit nila ang impluwensiya nila para hindi namin sila mahanap.”
Umiling ako. That’s not true!
“But we went to Spain—”
“I’m sorry. Hindi namin alam na hinanap n’yo pala kami. Na pinuntahan mo pala ako. I’m really sorry.” Napahilamos ng mukha si Tristan.
BINABASA MO ANG
Tristan, the Rebel Guy (Published)✓
Teen Fiction• Tristan, the Rebel Guy (Novel) • Campus Prince Series #1 • Published Under Immac PPH Samantha Michelle Alvarez is a typical type of girl who believes in the concept of true love. Thus, despite the heartbreaks she has experienced, she still hopes t...