Chapter 5

443 13 2
                                    

Chapter 5

Nagmadali na lang din akong kumilos dahil nauna na si Bryan sa labas. Pagkatapos ay dumiretso na kami sa cafeteria. Ito pa ang nagpresinta na bumili ng pagkain namin kaya naghanap na lang ako ng mauupuan. Hindi naman niya tinanggap ang bayad ko dahil ililibre raw niya ako. Maliit na bagay kung tutuusin pero hindi ko na naman naiwasan ang kiligin.

Pero hindi ko rin maiwasan ang magtaka. Bakit gano’n na lang kung itrato ako ni Bryan? Na para bang close na kami agad?

Napailing na lang ako. Baka friendly lang talaga siya.

Pagkarating niya ay nagsimula na kaming kumain na sinabayan na rin namin ng kuwentuhan. Nagtanong ako sa kanya ng kung anu-ano. Katulad na lang ng kung ano ang paborito niyang pagkain, kulay, kanta at kung anu-ano pa. It feels like we’re in getting to know each other stage.

Ngayon ko lang napagtanto na pareho kaming makulit at madaldal. Hindi ko rin akalain na mahilig pala ito sa pick-up line.

“Mayroon ka bang mapa?” tanong niya.

“Bakit?” pigil ang ngiting tanong ko pabalik. Ilang minuto pa lang kaming nagkakasama at nagkakausap ay ang gaan agad ng pakiramdam ko sa kanya.

Bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa ‘kin. Nahigit ko ang hininga dahil sa ginawa niya at hindi ko naiwasan ang mapatulala ulit sa kanya. “Kasi nawawala ako sa tuwing tumitingin ako sa mga mata mo,” malalim ang boses na sagot niya.

Saglit na nagtagpo ang aming mga mata. Hindi ko alam kung ano pero tila may pinapahiwatig ang kislap na nakikita ko mula roon.

Naramdaman ko ang muling pag-init ng aking mga pisngi kaya napatungo ako. Nilaro-laro ko ng tinidor ang pasta na kinakain ko para pigilan ang sarili na tumili.

“Ihi ka ba?” Hindi pa man ako nakakabawi ay muli itong nagtanong.

Napataas ang kilay ko dala ng kuryosidad at muling umangat ang tingin ko sa kanya. “Bakit?”

Hindi ito nakangiti at seryoso lang na nakatingin sa ‘kin. Na para bang isang mahalagang bagay ang kanyang sasabihin at hindi ko dapat palampasin. “Kasi paparating ka pa lang kinikilig na ako.”

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko na para bang nakikipagkarera ito. Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko, kahit wala naman ako nito, at nahihirapan akong huminga.

Si Bryan? Kinikilig sa ‘kin? Alam ko na pick-up line lang ‘yon pero hindi ko pa rin maiwasan ang umasa.

Binalot kami bigla ng katahimikan. Muling naghinang ang aming mga mata. Tila hindi sapat ang anumang salita para iparating ang nais naming ipabatid sa isa’t isa.

Ako ang unang nagbawi ng tingin. I let out a shaky laugh before I reached for my drink. Hindi niya dapat mahalata na naapektuhan ako ng mga linyahan niya.

Oo may gusto ako sa kanya. Pero hindi na dapat ako bumigay agad-agad katulad ng dati.

“You know what? You should laugh and smile like that more often. Mas lalo ka kasing gumaganda, eh.”

Muntikan ko ng maibuga ang juice na iniinom ko nang dahil sa sinabi niya.

Ano ba, Bryan? Puwede bang hinay-hinay ka lang sa pagpapakilig? Ngayon lang pati tayo nagkasama, tapos ganyan ka na agad sa ‘kin?

Tristan, the Rebel Guy (Published)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon