Chapter 9
Naglalakad ako ngayon patungo sa locker area. May daraanan daw muna kasi saglit si Bea kaya nauna na ako. I’ll just wait for her outside.
Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa ‘kin kung sino ba ang kumuha at nagpakalat ng picture na ‘yon. Paniguradong estudyante lang din dito ang may gawa ng bagay na ‘yon.
Nahulog ako sa malalim na pag-iisip habang inaalala ang mga taong kasama namin ni Tristan noong mga panahon na ‘yon.
Pero imposible namang si Bea. Hindi ‘yon magagawa sa ‘kin ng besty ko. Gayundin ang babaeng kausap noon ni Tristan. Mukhang wala rin naman itong kinalaman sa nangyari.
Kaya sino? Saka ano naman ang rason ng kumuha ng larawan namin para gawin ‘yon? Wala naman akong maalala na nakaaway ko o may galit sa ‘kin.
Well, bukod kay Rian. But she’s obviously not there by that time.
Wala akong kamalay-malay na kaya pala ako pinagtitinginan at pinagbubulungan ng mga estudyante kanina ay dahil pala sa bagay na ‘yon. Ito rin pala ang dahilan kung bakit nila ako tinanong kung okay lang ba ako. Then, because I told them that I’m fine, they assumed that I already knew. Ni hindi na nga rin ako nakakain ng maayos kanina kakaisip sa issue na ‘yon. Kalat na pala sa buong school ang picture namin ni Tristan noong hinalikan niya ako!
Akala ko ay matutupad ang pangarap ko na makapagtapos sa school na ‘to ng tahimik at walang kasasangkutan na gulo. Pero kung kailan naman huling taon ko na ay saka naman nagsunod-sunod ang mga problema.
Napabilis ang paglalakad ko nang makarinig ako ng mga sigawan at tila nagkakagulo. Pagkarating ko sa locker’s area ay hindi nga ako nagkamali.
It was Bryan and Tristan. Napasinghap ako nang makitang nagsusuntukan sila!
Gulat na napatulala na lang ako sa kanila habang nagpapalitan sila ng mga suntok. I don’t know what to do. Bakit ba sila nag-aaway? Pagkatapos ay wala pang umaawat. Tila nag-eenjoy pa ang ibang mga nandito sa pinapanood nila. Seriously?
Hanggang sa namalayan ko na lang na napaghiwalay na silang dalawa. Hindi ko man lang napansin ang pagdating nina Drew at Francis.
“Gago ka pala, eh! Bakit mo ginawa kay Sam ‘yon, hah? Dahil sa kagagawan mo kaya ito pinag-uusapan ngayon! This is all your fault! Kung anu-anong masasakit na salita na ang sinasabi sa kanya ng ibang tao! Tapos wala ka man lang ginagawa para klaruhin ang lahat?” Bryan shouted. Aambahan pa sana niya si Tristan ng suntok pero mabilis itong napigilan ni Drew.
Pinunasan ni Tristan ang dugo sa gilid ng labi niya. Francis is the one holding him. “It’s none of your business,” walang emosyon niyang sagot.
Nanlisik ang mga mata ni Bryan. Pangalawang beses ko na itong nakitang ganito. “Loko ka pala talaga, eh! Kung miserable ka ay wag kang mandadamay pa ng iba!” Bryan was about to attack him again, but I finally stepped in between the two of them.
“Stop!” I shouted. Halatang nagulat sila nang dahil sa biglaan kong pagsigaw. Ngayon lang ata nila napansin na nandito ako. “What the hell is happening here?” Pinaglipat-lipat ko ang tingin sa kanilang dalawa.
Bryan just stared at me while Tristan looked away. Napatingin naman ako sa mga estudyanteng nagbubulungan sa paligid. “Kayo? Anong tinitingin-tingin n’yo riyan?” I glared at them.
BINABASA MO ANG
Tristan, the Rebel Guy (Published)✓
Teen Fiction• Tristan, the Rebel Guy (Novel) • Campus Prince Series #1 • Published Under Immac PPH Samantha Michelle Alvarez is a typical type of girl who believes in the concept of true love. Thus, despite the heartbreaks she has experienced, she still hopes t...