Chapter 14

30 1 0
                                    

Chapter 14

Hindi ko alam kung bakit. Pero bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko na tila nakikipagkarera ito.

Please, not her, too!

The guy stood up. Nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatuon kay Bea. “I think it’s about time to let Sam know that it’s you who told me to spread her picture with Trsitan all over the school! And that you are the one who’s responsible for what happened to her in the shower area!” He balled his right hand into fists.

Pakiramdam ko ay tila umikot lalo ang aking paningin. My head hurts, and my eyes have started to water. Then my heart is aching, as if someone has stabbed it multiple times.

No! There was this tiny voice inside my head that was objecting to what he’d said. She can’t do that to me!

Bea stood up and slapped him. “May usapan tayo! Wala kang sasabihin na kahit ano sa kanya!” she said it angrily, then turned in my direction.

Our eyes met, making her gasp. Panic and shock were evident all over her face. “S-Sammy...” she whispered in a stuttering voice.

Nanghihina akong napailing sa kanya. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kung ano at sino ang paniniwalaan ko. This is too much. Parang hindi na totoo.

I looked at her in disbelief, then started to run away again. Hindi ko pa ata kaya na marinig ang kung anumang paliwanag mula sa kahit na sino sa kanila sa ngayon. Masyado pang masakit.

Sunod-sunod na kumawala sa ‘king mga mata ang mga luha na kanina ko pa pilit na pinipigilan.

Bakit sa dinami-rami ng mga taong puwedeng magtraydor sa ‘kin ay ang mga taong lubos na pinagkatiwalaan ko pa? Siguro ay magagawa ko pang palampasin kung ibang tao ang may gawa. Pero bakit sila pa?

Wala naman akong maalalang kasalanan na ginawa ko sa kanila. Kaya bakit sa kabila ng lahat ng magagandang bagay na ipinakita ko sa kanila ay ganito pa ang igaganti nila sa ‘kin?

I ran as fast as I could until I bumped into someone. Halos matumba naman ako nang dahil sa lakas ng pagkakabangga ko sa kanya. Mabuti na lang at maagap niya akong naalalayan.

“Sorry,” I said and didn’t bother to look up to know who it was, and walked past him. Amoy pa lang kasi niya ay kilala ko na agad kung sino ito.

“I bet you already know.” Hearing the concerned tone of his voice makes me stop in my tracks.

What did he mean by that? Ibig sabihin ba ay may alam din ito?

Mag-ingat ka sa mga taong pinagkakatiwalaan mo.

Ito na ba ang ibig sabihin ng paalala niya sa ‘kin noon? Ang tanga ko lang dahil mas pinili ko itong balewalain.

I turned around and met his gaze. “You…” Hindi ko na nagawa pang tapusin ang sasabihin ko.

Everything went blank.

***

Nagising ako sa isang lugar na hindi pamilyar sa ‘kin kaya naman ay bigla akong napabalikwas ng bangon. Pero agad kong nasapo ang ulo ko nang makaramdam ako ng hilo.

“Good thing you’re awake already. Akala ko ay bukas ka pa gigising, eh.” Napalingon ako sa nagsalita.

“Tristan?” Kunot noo ko itong tiningnan. Bakit kasama ko ang buwisit na ‘to?

Pilit kong inalala ang mga nangyari bago ako nawalan ng malay. And when I finally did, I felt like crying all over again.

He sat on the edge of the bed. “Nawalan ka ng malay kanina. Ayos na ba ang pakiramdam mo?”

Tristan, the Rebel Guy (Published)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon