Chapter 7
Hindi naman kasing tagal noong una ang halik niya ngayon. Pero kahit ganoon ay hindi pa rin naiwasan na muling magwala ng puso ko.
“Ang ingay mo. Sakit sa tainga,” he said as he pulled away.
“You k-kissed me again?” Wala sa loob na napahawak ako sa nakaawang kong mga labi.
He shrugged. “Obvious naman, ‘di ba?”
Lalo namang nag-init ang ulo ko. Halos isang oras pa nga lang kaming nagkakasama tapos nakakadalawang halik na agad ito sa ‘kin!“Do you like me?” Huli na para bawiin ko pa ang tanong ko. Ang hilig ko talaga magtanong ng mga out of the blue!
Pagak itong natawa. “Hinalikan ka lang, gusto na agad? Hindi ba puwedeng pinatahimik ka lang? Ang ingay mo kasi! Isa pa, wag kang mag-alala dahil pareho lang naman tayo ng nararamdaman. Dahil hinding-hindi rin ako magkakagusto sa ‘yo o sa kahit na sino pa man. Kaya kung ako sa ‘yo ay titigil na ako sa pag-iilusyon.” Napailing ito.
“Now, get out. Masyado mo na akong naabala. Mga babae nga naman. Pare-pareho lang kayo.”
Hindi ko alam kung bakit tila kinurot ang puso ko nang dahil sa sinabi niya na hindi niya ako magugustuhan. Para naman kasing may pakielam ako, ‘di ba? Pero bakit...
Si Bryan. Tama. Ito ang gusto ko. Kaya ito ang dapat na mas pag-ukulan ko ng atensyon at panahon. Hindi ang lokong ‘to.
“Sorry, hah. Naabala kasi kita. Hiyang-hiya naman ako. Pagkatapos mong pagsamantalahan ang mga labi ko nasa akin pa talaga ang lahat ng sisi.” Medyo pumiyok ako sa pagsasalita dahil pinipigilan ko ang umiyak. Ang sakit lang kasi talaga niyang magsalita. Tapos pinaparamdam niya pa sa ‘kin na parang ako pa ang may kasalanan ng lahat. Sobrang sama niya.
Tumalikod na ako para lumabas. Pero bago ko pa man buksan ang pinto ay nagsalita ulit ako sa huling pagkakataon. “Don’t you dare come near me again.” Tuluyan na akong lumabas. Ni hindi man lang ito tumingin sa ‘kin bago pinaandar paalis ang kotse niya!
“Kapag ikaw talaga nagkagusto sa ‘kin, who you ka! Nakakaasar ka! Nakakainis! Ang cold mo! Ang sungit mo! Harsh ka pa! Buwisit! I hate you!” I shouted out of frustration the moment he left. Ito pa ata ang magiging dahilan ng pagkapatid ng mga ugat ko sa lalamunan.
I clenched my fists. May araw ka rin sa ‘kin, Tristan. Humanda ka!
Nahimasmasan lang ako nang mapagtanto na wala akong dala na kahit ano. Naiwan ko pa ang bag ko sa loob ng kotse nila Bea kung saan nandoon ‘yong phone ko. Hindi ko tuloy ito magawang kontakin.
Kinapa ko ang bulsa ko. Mahina akong napausal ng pasasalamat nang makapa na nasa loob nito kahit papaano ang coin purse ko. At least, makakauwi naman ako.
Napaangat ako ng tingin sa harap ng subdivision na pinagbabaan sa ‘kin ni Tristan.
Altheria Village
Sa totoo lang ay hindi ko pa ito napupuntahan. Pero pamilyar ang pangalan ng lugar dahil sa pagkakaalam ko ay isa rin itong exclusive subdivision.
Tumalikod na ako at akmang maglalakad na paalis nang bigla na lang may lumitaw na kulay pulang kotse mula sa intersection.
Mabilis ang pagpapatakbo nito. Pero kahit gano’n ay nagawa ko pa rin namang makaiwas. Ang kaso lang ay natapilok ako sa isang bato dahilan para madapa ako.
BINABASA MO ANG
Tristan, the Rebel Guy (Published)✓
Teen Fiction• Tristan, the Rebel Guy (Novel) • Campus Prince Series #1 • Published Under Immac PPH Samantha Michelle Alvarez is a typical type of girl who believes in the concept of true love. Thus, despite the heartbreaks she has experienced, she still hopes t...