Chapter 18

26 1 0
                                    

Chapter 18

Bryan wiped his tears away and faced Tristan this time. Heto na ba? Maririnig ko na ba ang sagot sa mga tanong ko?

Mataman lang silang nakatingin sa isa’t isa. Mata sa mata at parehong may blangkong ekspresyon. Pero mabilis na nawala ang tensyon nang bigla ring lumapit sina Drew at Francis sa ‘min. Agad na lumambot ang ekspresyon ni Bryan.

“Bro, sorry rin. Hindi ko naman ginusto na ilihim ang tungkol sa naging relasyon ni Daddy at ni Auntie noon. Kahit naman ako ay nagalit sa kanila. But I just don’t know how to tell you, because I know how much you love Auntie. Saka ayoko ring masaktan si Mommy kaya mas pinili ko na lang ang manahimik.”

“Also, about the mutual feelings Alice and Gino have for each other. Nakiusap kasi sila sa ‘kin na wag ko raw munang sasabihin sa ‘yo na nagkakamabutihan na sila. Kaya gulong-gulo ako noon. Pare-pareho ko kayong mga kaibigan kaya hindi ko alam ang gagawin ko.” There is a hint of frustration in his voice.

Napakuyom naman ng kamao si Tristan. Pero ‘yong ekspresyon ng mukha niya ay blangko pa rin.

“Francis and Drew knew about it, too. Pero ako na ang nakiusap sa kanila na wag ng ipaalam pa sa ‘yo. Sinabihan din kasi ako ni Dad noon na ititigil na nila ang kung anuman na namamagitan sa kanila ni Auntie. Nagmakaawa rin si Gio sa ‘kin dahil nahulog na raw ang loob niya kay Alice at ayaw naman niyang magalit ka sa kanya at isipin mo na inagaw niya ang babaeng gusto mo.” Napahawak ito sa batok bago napailing.

“Nang dahil sa nangyari noon ay nagsisihan kami. Lalo na sina Drew at Francis. Dapat daw ay pinaalam na lang namin sa ‘yo ang lahat. Hanggang sa hindi na rin kami nagpansinan kahit pa lumipat kaming tatlo sa iisang eskuwelahan. We did it because we want to give you space and we don’t have the courage to face you. Kaya pasensya na kung pakiramdam mo ay inabandona ka rin namin. Pero kung hindi mo man ako mapatawad ay kahit sila na lang sana,” pagpapatuloy pa niya. Tinapik naman nina Drew at Francis ang magkabilang balikat niya.

I held my breath as I looked at Tristan. So Bryan’s dad and Tristan’s mom had an affair. Then the girl she used to like had feelings for his best friend. And the three of them knew about it, but they just kept it to themselves. Siguro ‘yong Alice na tinutukoy nila, eh, ‘yong babaeng paulit-ulit din na nangungulit kay Tristan noon. Her name is surprisingly familiar, though.

Then, being his childhood friend as well, he thought that I turned my back on him. Kaya pala ito nawalan ng tiwala sa ibang tao—na kung tutuusin ay ako pala ang unang sumira, naiba ang pananaw niya sa pagmamahal, naging mag-isa at gano’n na lang ang galit niya sa ‘min.

Dahil pakiramdam niya ay niloko at iniwan namin siya. At ngayong alam ko na ang lahat ay hindi ko na hahayaan pa na maramdaman niya ulit ang gano’n.

I held Tristan’s hand tightly. “Wala akong alam sa kung ano ang mga pinagdaanan n’yo. That’s why I know that I don’t have the right to say this.” I looked at him with pleading eyes. “But please, forgive them.”

Nararamdaman at nakikita ko naman sa kanilang mga mukha na nagsisisi sila. Sadyang nadala lang ako ng emosyon kanina. I know deep in their hearts that they want their friendship back.

Marahang pinisil ni Tristan ang kamay ko. Mariin niyang pinikit ang kanyang mga mata na para bang nahihirapan ito sa gagawing desisyon hanggang sa dahan-dahan niya itong iminulat.

“Fine! Forgiven. Pero wag kayong umasa na babalik agad ang lahat sa rati.” Pagkasabi niya ng mga salitang ‘yon ay bigla itong umiwas ng tingin at humalukipkip. Para itong nahihiya na nagtatampong bata.

Bumakas naman ang kagalakan sa kanilang mga mukha nang dahil sa narinig. I knew it. They still care for each other. It’s just their stupid pride that’s holding them back.

Tristan, the Rebel Guy (Published)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon