Chapter 1

856 26 125
                                    

Chapter 1

“Bea! Bilisan mo naman maglakad!” Nilingon ko ang matalik kong kaibigan na nakasunod sa ‘kin habang hawak ang cellphone niya at nakangiti.

Nakanguso akong humarap sa dinaraanan ko at mabilis na humakbang palayo. Bahala na ito sa buhay niya. Palagi na lang kasi itong parang naglalakad sa buwan.

Kapapasok lang namin sa loob ng academy. Pero malayo-layo pa kasi ang North Wing kung saan nandoon ang classrooms para sa mga fourth year high school students.

Mayroon kasing apat na naglalakihang gusali ang Montecillo Academy na humahati sa bawat year level. Ang bawat gusali na ‘to ay mayroong limang palapag na may tig-apat namang naglalakihang mga silid.

Ang South Wing building ay para sa mga freshmen, East Wing ang para sa mga sophomore at West Wing naman ang para sa mga junior. Pero bago ka pa makarating sa mismong North Wing ay madaraanan mo muna ang malawak na quadrangle ng academy, ang main building— kung saan matatagpuan ang cafeteria, library, laboratory rooms, computer rooms, function hall at music room. Pati na rin ang administrative building kung saan nandoon naman ang faculty rooms ng mga guro sa bawat departamento, student council office at ang principal’s office. Gayundin ang malawak na gymnasium kung saan madalas na ginaganap ang P.E., extra curricular activities at ang iba’t ibang klase pa ng mga palaro.

All of the buildings here were designed in a European, cutting-edge and modern style with a mix of different patterns on each wall.

Isa ang mga ito sa dahilan kaya ko nagustuhan pumasok sa academy na ‘to. Pakiramdam ko kasi ay nasa Europa na ako nang dahil sa disenyo at istruktura ng bawat gusali rito.

“Kumalma ka nga riyan, SM! Unang araw pa lang ng pasukan kaya paniguradong late darating ang guro natin para sa first period. Isa pa ay wala pa namang masyadong gagawin ngayon.”

Nakasimangot na nilingon ko si Bea. Hihirit pa sana ako nang magsalita siya ulit dahilan para matigilan ako.

“For all I know, you just want to see Bryan. Kaya kanina ka pa nagmamadali. Gano’n ba katindi ang paghanga mo sa lalaking ‘yon? Hindi ka pa talaga nadala sa mga nangyari sa past relationships mo, hah, SM?”

Sinamaan ko siya ng tingin. Pero ang bruha ay ngumisi lang sa ‘kin.

Alam na alam talaga niya kung paano ako bubwisitin. Tinatawag lang naman niya akong SM kapag gusto niya akong asarin, eh! Ginawa pa akong mall ng lukaret na ‘to. Saka kailangan ba talagang banggitin pa niya ang tungkol sa past relationships ko? Past na nga, ‘di ba? Which means, wala na! Tapos na! Period.

Bakit nga kaya mas matagal pang mag-move on ang mga kaibigan natin sa tuwing dumadaan tayo sa isang failed relationship?

Pero hindi ko naman maikakaila na kaya talaga ako nagmamadali ay para makita si Bryan. Dalawang buwan ko rin siyang hindi nasilayan, eh! Summer break sucks sometimes.

Anyway, SM stands for “Samantha Michelle.” Hindi raw kasi niya malaman kung ano ang itatawag sa ‘kin nang dahil sa haba ng pangalan ko kaya SM na lang daw. Pero tinatawag lang naman niya akong gano’n sa tuwing inaasar niya ako.

Minsan tuloy ay napapaisip ako kung bakit ba naging kaibigan ko ang babaeng ‘to. Pero kahit may saltik ay siya pa rin ang pinakamatalik kong kaibigan—si Beatrice Ocampo.

Tristan, the Rebel Guy (Published)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon