Chapter 3
Tinatamad akong pumasok ngayon. Absent kasi si Bea. Alone tuloy ang drama ko.
Hinilig ko ang ulo sa bintana ng sinasakyan kong kotse at tumingin sa labas. Nakakalungkot dahil absent ang besty ko ngayong araw. Ni hindi nga natuloy ‘yong dapat na sleep over niya sa bahay kagabi, eh. May emergency raw kasi sa kanila.
I was in deep thought when suddenly, I felt my phone vibrating. Agad ko naman itong kinuha mula sa bulsa ko para tingnan kung sino ang nag-text.
Besty:
Hi, besty! Papasok ka na ba? Ingat ka, ah. Ikaw na ang bahala sa lessons na mami-miss ko, okay?
Hindi ko naiwasan ang mapangiti nang malawak. Ang sweet talaga ng best friend ko. Kaya love na love ko ‘to, eh! Nag-reply naman ako kaagad sa kanya.
Yup, whatever! No worries. You take care too, okay?
Hindi naman na ito sumagot pa kaya tinago ko na lang ulit ang phone ko sa bulsa. Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman ko na ang paghinto ng sinasakyan kong kotse.
“Thank you po, Mang Ben.” Magalang akong nagpaalam sa family driver namin.
“Walang anuman po, Ma’am Samantha. I-text n’yo na lang po ako kung anong oras ko po kayo susunduin mamaya.”
Nag-thumbs up lang ako kay Mang Ben nang tuluyan na akong makababa bago niya pinasibad paalis ang kotse. Ako naman ay dumiretso na sa gate at magiliw rin na binati si manong guard.
“Magandang umaga po, Mang Jun!”
“Magandang umaga rin po!” Bahagya pa itong yumukod.
Nginitian ko lang ito bago tuluyang nilampasan. Agad ko namang nilibot ng tingin ang paligid. Wala pang gaanong estudyante dahil maaga pa naman. Ganitong oras naman talaga ako kung pumasok. Bukod na lang kapag kasabay ko si Bea. Palagi kasi itong late kung magising.
Pagpasok ko ng classroom namin ay bigla ko na lang naalala ang mga nangyari kahapon. Matapos kasi ng eksena sa cafeteria, imbis na tumigil ay mas naging determinado pa si Rian na habulin si Tristan. Mabuti na lang at wala si Bryan nang maganap ang mga pangyayaring ‘yon. Who knows what Bryan can do to Tristan, if ever?
Speaking of Bryan, papasok na kaya ito ngayon?
Pagkatapos din ng pangyayari na ‘yon ay madalas kong nahuhuli sina Drew at Francis na seryosong nakatingin kay Tristan sa halos buong oras ng naging klase namin. Hindi ko lang alam kung may kinalaman ba ang pagiging sikat agad ni Tristan kaya gano’n na lang kung makatingin sila rito. Maybe they saw Tristan as a threat. Nasanay siguro sila na nasa kanila lang ang atensyon at pansin ng mga kababaihan dati.
Dahil maaga pa naman ay napagpasyahan ko na maglibot-libot muna. Nilapag ko ang bag ko sa ibabaw ng upuan ko bago lumabas. May mangilan-ngilan naman na akong kaklase na nandoon kaya kampante naman akong iwan ang gamit ko.
Namalayan ko na lang na sa paglalakad ko ay nakarating ako sa mapunong bahagi ng school. Dito lang banda sa likod ng North Wing building.
Umupo ako sa ilalim ng isa sa mayayabong na puno rito. Mabuti na lang at wala pang gaanong estudyante ang napapadpad rito. Ganito kasi ang gusto ko, ‘yong tahimik lang ang paligid.
BINABASA MO ANG
Tristan, the Rebel Guy (Published)✓
Teen Fiction• Tristan, the Rebel Guy (Novel) • Campus Prince Series #1 • Published Under Immac PPH Samantha Michelle Alvarez is a typical type of girl who believes in the concept of true love. Thus, despite the heartbreaks she has experienced, she still hopes t...