Chapter 10

367 15 4
                                    

Chapter 10

Magkakasabay na naming tinahak ang daan patungo sa classroom namin. Wala na ni isa sa ‘min ang umimik. Ang aga-aga nasira ng araw ko ngayon.

Naging maayos naman ang takbo ng mga naging klase namin. Nasagutan at napaliwanag ko naman ng tama ang mga naging tanong sa ‘kin. Naka-perfect din ako sa isa sa mga quiz namin. I guess this day was not really a bad one.

Si Tristan? Hindi ko alam kung bakit ang sama niyang makatingin sa ‘kin. Kung umakto ang loko, akala mo ay ito pa ang nagawan ng kasalanan at nadehado. Palagi naman itong ganyan. Actually, pareho sila ni Rian. Bagay nga talaga sila.

Dumating ang break time at nauna na kami ni Bea sa cafeteria. May kailangan daw kasing asikasuhin si Bryan kaya hindi muna ito makakasabay sa ‘min.

Papasok na kami sa cafeteria nang may makasabay kami sa pinto. Huminto ito dahilan para mapahinto rin ako. Ramdam ko ang nagtatanong na mga mata ni Bea na nakatingin sa ‘kin.

Hindi ko na kailangan pang tumingala para malaman kung sino ito. His scent is surprisingly familiar. Mas napatunayan ko ‘yon nang bigla itong nagsalita.

“Sinabi ko naman na sa ‘yo na wala akong panahon sa mga babae lalo na sa mga katulad mo. Akala ko ay titigil ka na sa pagpapapansin sa ‘kin pero hindi pa rin pala.” Dire-diretso na itong pumasok sa loob habang nakapamulsa.

My jaw dropped. Napaka-rude talaga niya kahit kailan! Anong feeling niya? Hindi porke’t napatigil ako ang ibig sabihin ay nagpapapansin na ako sa kanya!

“Ako na ang bahalang mag-order ng kakainin natin, Sam.” Hindi pa man ako nakakapagsalita ay mabilis nang naglakad si Bea papasok.

Nagmamartsa akong sumunod sa kanya. Dumiretso ito sa counter habang ako naman ay naghanap na ng mauupuan namin. Sinigurado ko na malayo ang puwesto namin sa kinauupuan ng Tristan na ‘yon!

“Kailan niya sinabi ‘yon sa ‘yo?” Bea asked as we started to eat. My forehead furrowed in confusion.

“Sinabi ang alin?” I asked back too.

“About what he told you earlier,” she said.

“Ah. We used to talk last time you were absent.” Napasimangot ako nang bigla ko na namang maalala ang araw na ‘yon.

Muli akong nagpatuloy sa pagkain nang mapaangat ako ng tingin dahil sa narinig kong pagkalampag ng kutsara at tinidor niya. “Sorry. It slipped on my hand,” Bea explained.

Tumango lamang ako at tipid itong nginitian. Pagkatapos ay tahimik na muli kaming nagpatuloy sa pagkain. Inaalala ko pa rin kasi ang tungkol sa nangyari kanina. Siguro kung hindi dumating sina Bea at Bryan ay hindi ko na talaga alam pa ang gagawin. I may look tough on the outside, but I’m actually weak on the inside.

Plus, my phone.

Napabuntonghininga na lang ako at akmang iinom ng juice nang may bigla na lang sumulpot na asungot at tumabi sa ‘kin. “Sa wakas! Humiwalay rin sa ‘yo ang lalaking ‘yon.”

I give Drew a questioning look. “Why? Do you also have a problem with him?” Akala ko kay Tristan lang sila may problema. Pero napansin ko nga nitong mga nakaraang araw na pati kay Bryan ay mayroon din pala.

Tristan, the Rebel Guy (Published)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon