J's
Isang nakakabinging lugar na naman ang sumalubong sakin pagpasok ko palang sa gusaling 'to.
Sa totoo lang, hindi naman talaga ako mahilig pumunta sa bar o gimikan. Kaya lang may isang tao kasi ang rason kung bakit palagi akong nandito.
Ayaw na ayaw ko kasi talaga ng maingay na lugar.... Mas gugustuhin ko pang magpunta sa mga tahimik na lugar... Yung sobrang warm ng ambience.. tulad ng mga coffee shop lalo na kung nasa taas ito at nakikita mo ang mga nakikinangang gusali.
Sobrang nakakarelax....
Napabuntong hininga ako habang lumalakad sa gawi ng stage. Halos nababangga na ko ng mga taong nadaraanan ko, nagtatalunan pa sila sa sobrang lakas ng music... Hindi ko magawang mairita... Samantalang banas na banas ako kapag naririnig ko yung kapitbahay naming nagpapatugtog ng malademonyong kanta.
Tapos ngayon halos hindi mabura ang malawak na ngiti ko sa labi, lalo na't nakikita ko kung gaano kasaya ang lalaking pumapalo ng drums.... Kitang kita sa mata nya gustong gusto nya ang ginagawa nya. Sobrang saya nya.
Si Deans.... Si Deans ang dahilan kung bakit ang nakakairitang musika ay isa ng malumanay na musika sa aking pandinig.
Hate na hate ko talaga yung mga loud music... Ang sakit sa tenga, lalo na kapag may scream pa na mala demonyo ang boses... Metal kung tawagin nila o screamo.
Pero dahil nga sa drummer ng bandang 'to... Hayssss.... Para akong nasa langit kahit pa, tunog impyerno ang tugtugan nila.
After ng tatlong tugtog ng banda nila Deans, bumaba sya ng stage. Patakbo syang pumunta sakin at binigyan ako ng mahigpit na yakap.
"Dumating ka, akala ko hindi ka makakapunta?" Malakas ang pagkakasabi nito.
Nag-umpisa narin kasi lumakas music kaya kailangan mong sumigaw para marinig ka ng kausap mo.
"Deans....." hindi ko magawang sagutin ang tanon nya. Putcha naman kasi, sobrang lapit ng mukha nya sakin.. halos hindi ako makahinga.
Tapos ngingiti ngiti pa sya.... Letse, natutunaw ako. Tumatalon ng mabilis ang puso ko.
Ilang buwan na simula nang sinagot ko ang lalaking 'to. Pero yung pakiramdam na hindi parin ako makapaniwala na boyfriend ko na sya.... May boyfriend na ko at putcha... Sobrang guapo pa.
Kung titignan mo sya... Para syang anghel, sobrang amo ng mukha nya. Kung hindi lang makisig ang isang 'to. Mapagkakamalan mong babae sya, dahil sa mga soft features sya. Makapal ang kilay nito na parang higad, mamulamula ang labi na para bang laging nang-aakit... Ang sarap halikan...... Shit Jema, ano ba yang iniisip mo.
"Jema..." Napitlag ako. Hinawakan nya ang magkabila kong balikat.
Umawang ang bibig ko pero wala akong makuhang salita... Putcha napapahiya ako sa pagtitig sakanya.
"Thank you, kasi pumunta ka. Alam ko busy ka ngayon lalo pa't exam nyo na. Pero pinuntahan mo parin ako, hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayong nandito ka."
Sabi ko kasi, hindi ako makakapunta. Kasi nga kailangang kong magreview eh. Pero dahil sa pagmamahal ko sa lalaking 'to, heto pinanood ko syang tumugtog kesa mag-aral. Siguradong mapapagalitan talaga ako ni Mama kapag nalaman nya 'to.
"Syempre, palalampasin ko ba ang unang front act ng banda ng boyfriend ko sa isang concert?"
Mini concert kasi ito ng isang sikat na banda, at swerte dahil sila Deans ang nakuhang front act nila. Nakakaproud kaya... Hindi ko pwedeng palampasin 'to.
Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Deans.... Jusko... Ang puso ko. Ang guapo.
Bigla namang nagsigawan ang crown dahil pinqkilala na ang bandang magcoconcert. Napatingin kami ni Deans sa stage.
"Love," bulong nya. Tumingin ako sakanya, nakangiti na naman sya. Hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko. "Alis na tayo?"
"Wait! Hindi ka ba manonood? 'Di ba, favorite band mo 'yan?"
"Mas gusto kong makasama ang babaeng nasa harap ko ngayon, at alam ko namang hindi ka sanay sa gantong kaingay na lugar. So, Let's go?"
Huminto ata sa pagtibok ang puso ko, letse. Simpleng gesture, simpleng salita nya lang natutunaw na ako.
Favorite band nya 'to eh. Matagal nya ng hinintay ang araw na 'to para lang makapanood ng concert tapos front act pa sila. Matagal nya ng hinintay 'to tapos ipagpapalit nya lang... Kasi alam nyang hindi ako sanay sa mga ganitong lugar.
Naiiyak ako sa saya....
Huminto ang motorsiklo ni Deans sa isang coffee shop. Favorite place namin 'to.
Dito kasi kami nagkakilala, bigla nalang nya kong nilapitan. Sinungitan ko pa nga sya kasi ang presko nya, eh nag-aaral ako para sa exam tapos nanggugulo sya.
Pero dahil ang guapo talaga ng lalaking 'to. Hindi ako nakatakas sa charm nya. Si Deans ang kauna unahang lalaking inintertain ko. First Boyfriend ko sya, first relationship.
Oo na, nakuha ako sa kapogian nya at mga matatamis na salita. Sobrang generic... Oo tanggap ko yun.
----
D's
Napahinto ako sa paghakbang pabalik sa veranda ng coffee shop kung saan nakaupo si Jema. Si Jema, sobrang ganda nya. Sobrang simple lang ng babaeng 'to.
Pinagmamasdan ko sya habang nililipad ng hangin ang buhok nya, hinahawi nya ito kapag napupunta sa mukha.
Hindi ko maiwasang mapangiti nang malawak. Sobrang swerte ko, dahil ako ang kasintahan ng babaeng 'yan.
Sobrang swerte ko.
Huminga ako nang malalim. Ngayon lang ako kinabahan ng sobra ng ganito, ngayon lang ako natakot ng ganito sa buong buhay ko.
Takot na kapag nalaman ni Jema ang totoo... iwan nya ko.
Hindi naman na bago sakin na iniiwan ako... nung hindi ko pa nga binabago ang sarili ko. Madalas na kong mabasted, ireject, pagtripan at lokohin.
Tapos ngayon... Madaming naghahabol saking babae. Pero kapag nalaman nila ang totoo... iniiwan na nila ako. May nag-sstay naman, pero tulad noon.. niloloko at pinagpapalit sa iba. Hindi ko na kailangang tanungin kong bakit...
Sanay na ko... Pero hindi ko ata kakayanin kung si Jema ang mawawala. Hindi ko kakayanin kapag nalaman nya ang totoo at iwan nya ko.
Tumingin ako sa taas... sobrang naninikip ang dibdib ko sa mga naiisip ko. Naiiyak ako.
Kumurap kurap ako.... pinipigilan ang pag-iyak.
Binalik ko ang tingin sa babaeng mahal na mahal ko. Medyo napaatras pa ko nang magtama ang paningin namin, nakatingin na sya sakin...
Pilit akong ngumiti... Inalis lahat ng gumugulo sa utak ko.
Hinihintay na ko ni Jema, hinihintay na nya ko.
"Kapag sumikat kana, wag mong kalimutan na ako ang no. 1 fan mo ah?"
Napatingin ako kay Jema, nakapalumbaba sya sa lamesa habang nakatingin sakin.
"Imposibleng sumikat kami, wala namang nakaka-appreciate ng tugtugan namin eh. Never tinangkilik ang bandang katulad ng wolfgang, slapshock at chicosi sa klase ng kanta nila."
"Ang Pilipinas sobrang konserbatibo, hindi pumapatok ang musikang masakit daw sa tenga."
"Ako naaapreciate ko." Napangiti ako sa sinabi ni Jema.
"At ayun talaga ang nakakapagtaka. Sobrang tahimik mong tao, mapili sa kaibigan. Gusto yung palaging tahimik, tapos ako yung jowa mo? Ang ingay ng music ko, kaya hindi parin ako makapaniwala na natatagalan mo ang kaingayan ng banda ko."
Ngumiti sya, yung totoong totoong ngiti.
"Ganun talaga siguro kapag mahal mo, mamahalin mo rin yung mga bagay na nagpapasaya sakanya."
Napaiwas ako nang tingin, pakiramdam ko naninikip na naman ang dibdib ko.
Ganun nya ba talaga ako kamahal? Paano kapag nalaman nya ang totoo? Mamahalin nya parin ba ako?
Mamahalin nya parin ba ako? Kahit na... Hindi ako totoong lalaki?
Na tranagender ako... Tama transgender ako.
BINABASA MO ANG
Realismo
FanfictionJema and Deanna One Shot Stories Hango sa totoong kwento ng ating buhay