Religion

2.5K 69 54
                                    

Pasko na sinta ko hanap-hanap kita
Bakit magtatampo't nilisan ako

Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Pasko, inulila mo

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang Paskong alay ko sa'yo

Sayang sinta ang sinumpaan
At pagtitinginang tunay
Nais mo bang kalimutang ganap
Ang ating suyuan at galak

Kung mawawala ka sa piling ko sinta
Paano ang paskong alay ko sa'yo

Pasko na pala bukas ang bilis talaga ng panahon

Hindi mo namamalayan natatapos ang isang taon nang ganong kabilis

Tulad kung paano kami nainlove sa isa't isa nang ganung din kabilis

Subalit ganong din kabilis natapos ang lahat saamin

Pinagmasdan ko ang picture namin ni jema na nakapatong sa mesa sa gilid ng kama ko

Kinuha ko iyon at hinawakan ang mukha ni jema, umupo rin ako sa kama

Ang sarap alalahanin ang panahong nagkakilala kami, hanggang ngayon sariwa parin sa alaala ko ang maganda nyang mukha

Kahit pa 20 years na ang nakakalipas nasa puso't isip ko parin ang alaalang iyon

------

"Deans" tawag saakin ni tots barkada ko may mga kasama rin syang hindi pamilyar sakin

Agad naman akong lumapit sakanila muntik pa akong matawa subalit pinigilan ko lamang

Paano ba naman para atang galing sa panahon ni maria clara ang babaeng kasama ni tots

Kulang nalang eh magsaya sila, halos hindi na nakikita ang katawan nila sa suot nila

Nakamahabang palda sila halos lumagpas na sa sakong at nakapolo-shirt naman ang pang-taas ng mga ito

"Saan mo ba nakuha yan mga chix mo?" Bulong ko kay tots

"Sira! Bawal sa religion nila yang sinasabi mo, magsasamba sila. Kaya ganyan ang suot nila kung iyon ang itatanong mo" bulong din ni tots

Hahaha anak talaga to ni madam auring si tots eh

"Si deanna nga pala girls, bestfriend ko" pakilala ni tots sakin

Nginitian ko naman silang lahat at isa't isa nagpakilala sakin

At isa-isa ko rin sila kinamayan mula kay ysa, eya, kyla, at .........

Tila natulala naman ako nung aabotin ko na ang palad ng pang-apat na babae

Wow sobrang ganda nya, kung hindi siguro natatakpan ng malaking polo at mahaba palda ang katawan nya sigurado akong sexy ito

"Jema" pumitlag ako nung lumapat na ang palad nya sa palad ko

Gusto kong bawiin ang kamay ko sakanya dahil tila nakukuryente ako sa pagkakahawak nito

Ngunit may pumipigil saking na nais pang damdamin ang mga balat nya sa palad ko

Kaya napahigpit ang hawak ko rito

"Ah eh, yong kamay ko" sabi ni jema

Siniko naman ako ni tots, dahilan para matauhan ako at bitawan ang kamay ng babaeng nag-pabilis ng tibok ng puso ko

RealismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon