Apartment 2818

2.2K 79 38
                                    

"Hello po ate Jema!" Bati sakin ni Deanna pagsara ko palang ng pinto ng apartment ko

Barkada sya ng nakababata kong kapatid na lalaki

"Hi!" Tipid na sagot ko sakanya

Naiilang kasi ako sakanya iba kasi sya makatingin sakin

Yong tingin na parang lagi nya akong hinuhubaran sa isip nya

Minsan kasi nuhuhuli ko syang nakatitig sakin habang kagat ang labi nya

Ang weird lang basta! Lalo pa babae sya tapos ganun sya makatingin sakin

Oo sinabi sakin ni Justine, yong kapatid ko, na lesbian daw itong si Deanna

Kahit hindi naman halata dahil hanggang balikat naman ang buhok nya pero medjo may pagka-boyish syang pumorma at kumilos

Sayang ang cute pa naman nya I mean sobrang ganda nya

Makapal ang kilay, chinita na may magandang pilik mata, matangos ang ilong at namumulang labi tapos ang liit pa ng mukha

Tyak maraming manliligaw to eh kaso mukhang natatakot din baka masapak hahaha

"Ate Jema!!! Nag deday-dreaming ka na naman hahaha ikaw ah? Pinag-papantasyahan mo ako no?" Ay makapal po ang mukha nya

"Sira!" Tinaasan ko sya ng kilay

"Hahaha joke lang po" tinanguan ko lang sya at tinalikuran na ito

"Mama!!" Tawag ni Jester sakin na agad tumakbo papunta sa kung saan ako naroroon

Agad ko naman syang kinarga

"Musta ang baby boy ko?" Sabay kiss sa pisngi nito

"Dami akong stars mama" sabay lahad sakin ng mga braso nya

"Hoy!!! Deans aga mo ah? Nagpapacute ka naman sa ate ko" puna ni Justine sa barkada nya

"Hahaha malay mo, umubra na pagpapacute ko kapag inagahan ko" sagot nito sa kapatid ko

"Hahaha back off na pare wala kang mapapala jan sa ate ko" sabay akbay nito kay Deanna

"Sira hahaha joke lang naman yon ang tanda na ng ate mo sakin eh! Saka may asawa na yan!" Depensa nito sa sarili nya

Buti naman akala ko talaga may gusto sya sakin

"Hahaha kaya nga tigilan mo na mamaya ipasalvage ka ni kuya Dexter. Tara na nga magbasketball nalang tayo"

"Hoy Jus! Bumalik ka agad uuwi ka pa satin" sigaw ko sakanya

"Opo ate! Saglit lang ako" sigaw din nya sakin

"Bye! Ate Jema" sabay kaway ni Deanna

Umiling nalang ako at pumasok na sa apartment ko

--------

"Hi! Ate Jema" napaismid ako ng si Deanna na naman mabungaran kong niluwa ng pinto

"Anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?" Iritado kong tanong sakanya

"Sabi kasi ni Justine samahan ko kayo ni Jester! Ngayong gabi lang naman" sabay ngiti nito

"Naku Deanna! Kaya na namin dito! Umuwi ka nalang! Salamat" isasara ko na sana ang pinto kaso hinarang nya paa nito

"Eh kasi ate!" Kumamot sya ng ulo

"Sinaraduhan na ko ni mama! Sinabi ko kasing dito na ako matutulog" napapikit at ako napahinga ng malalim

Binuksan ko ng malawak ang pinto at inaya syang pumasok

Akala mo naman nanalo ng jakpot tong si Deanna tuwang tuwa lang?

RealismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon