"Hi cutie girl" napapikit ako nandito na naman itong babaeng hindi ko alam kung tomboy ba o ano?
Babae naman kasi syang pumorma at mas lalaki pa nga ako sakanya kung kumilos pero heto tila nililigawan pa ata ako, nakakainis na talaga
"Ano na naman ba kailangan mo?" Naiirita kong tanong sakanya
"Gusto ko lang naman malaman kung papayag ka ng makipag-date sakin" nakangiti nyang sagot sakin
"Alam mo miss hindi ko alam kung tanga ka ba o ano? Bakit ako makikipag date sayo? Parehas tayong babae" natawa naman ito
"Hindi na ba pwede makipag date ang babae sa babae?" Sarkastikong nyang sabi
"Tomboy ka ba?" Natawa ulit sya sa tanong ko
"Mukha ba akong tomboy?" Letse to kaya ko nga tinatanong kasi hindi halata
Nakadress pa na-yellow ang gaga tapos ako naka-shirt at pants
Mas mukha pa akong tibo sakanya eh kaya nga tinatanong ko
Tapos sasagutin ako ng tanong din? Nakakairita ah?
Hindi ko na sya sinagot padabog akong tumayo sa mesa at niligpit lahat ng gamit ko
Lalabas na sana ako ng canteen nang maramdaman kong humawak sya sa braso ko
"Teka lang naman miss, kahit pangalan mo nalang ibigay mo sakin" tinaasan ko sya ng kilay
"Alam mo....."
"Deanna" naputol ang sasabihin ko nang may tumawag sakin
Agad kaming lumingon sa kanya na papalapit na ngayon
"Mahuhuli na tayo! Kanina pa kita hinahanap" sabi nito pagkalapit nya agad din syang tumingin sa babaeng nakahawak parin sa braso ko
"Ang ganda naman nyan deans! Pakilala mo naman ako!" Bulong nya sakin
Natawa nalang ako sakanya basta talaga babaeng nakapalda gusto nyang makilala
"Hindi ko naman yan kilala" pabalya kong kinuha ang braso ko sa babaeng bwisit ng araw ko
"So Dina pala name mo?" Nakangti nyang sabi
Natawa ako ng lihim dahil mali ang pagkabigkas nito pero hindi ko na sya tinama bahala sya
"At ako naman si ricci" singit naman ng kumag kong bestfriend
Nailing nalang ako sa kumag na to, talagang ang laki pa ng ngiti ah?
Ngumiti lang yong babae kay ricci pero agad din bumalik ang tingin sakin
"Ako pala si jema, sige kailangan ko ng umalis. Nice meeting you! Dina" sabi nito at kumindat pa sakin bago umalis sa harap namin
"Wow! Ang ganda at ang sexy naman nya" manghang usal nung kumag
"Alam mo hindi ka nun type kasi ako yong type nun" natatawa kong sabi
Tinaas naman ako ng kilay ni ricci
"Tomboy ata yon eh! Hinihingian ba naman ako ng date? Yuckk!" Natawa na sya
"Halata nga! Iba makatingin sayo eh, dinedma yong kapogian ko" agad ko naman sya tignan ng deretso
"Saan banda?" Inirapan nya ko
"Hindi mo na nga ako makita pati ba naman kapogian ko hinahanap mo parin?" Inismiran ko sya at tinalikuran
"Hay naku! Nagpaparinig na naman sya" sabi ko bago lumakad palayo sakanya
Nakakainis alam naman nyang bestfriend ko lang sya at hanggang dun lang yon
Hindi ko din alam bakit hindi ako nagkakagusto sakanya
BINABASA MO ANG
Realismo
FanfictionJema and Deanna One Shot Stories Hango sa totoong kwento ng ating buhay