Isa-isa ng umuupo ang barkada sa palibot ng bonfire
Nagcamping ang tropa para salubungin ang paparating na taon
Tumabi sakin si madz sumunod sakanya si ponggay
Sa kabilang troso naman si ced at tots sinundan sila ni jema at fhen, sumunod naman si zoe, pangs at ara na nasa bandang gitna
At sa dulo at katabi ng troso namin si kyla at bang
"So guys!" Panimula ni ara ang leader ng tropa
"Sobrang awkward ng barkada ngayong 2019, dahil narin sa mga naghiwalay na mga mag-jowa"
"Yiiiiiieeeeeeeh" putol namin sakanya sabay tingin kay bang, tapos kay madz at zoe
Siniko naman ako ni madz, nag sign naman ng tahimik si ara sa pamamagitan ng paglagay ng hintuturo nya sa bibig nito
"At syempre dahil na din sa mga ka-tropa nating nag-away dahil sa pag-ibig" samin naman sila tumingin nila ced at tots
Magbestfriend kami ni tots pero nasira yon dahil nagmahal kami ng iisang babae at ced yon
Pero nagparaya naman na ako pero hindi matanggap ni tots na ako ang gusto ni ced kaya lalo nagkaroon ng gap ang friendship namin at tuluyan ng nasira
Ako naman ang nag-sign ng tahimik sa buong barkada
"Kaya para maiwasan na awkwardness at matapos na ang mga isyo, kailangan masabi na natin ang lahat bago pa matapos ang 2019 para pagpasok ng 2020 maka-move on na tayo" sabi ulit ni ara
"Kung may mga hinanakit pa kayo? Or may gusto kayong sabihin sa barkada. May crush kayo hahaha sabihin nyo na ngayon tapos kalimutan na kung wala naman pag-asa" singit ni pangs na nag-peace sign pa
"Pero naisip ko lang kailangan na siguro natin ng "tropa lang policy" para maiwasan narin ang gantong gulo sa tropa" suggestion naman ni kyla
"Teka parang hindi naman ata makatarungan yon" reklamo ni fhen dahil matagal na itong nanliligaw kay jema pero hindi namin alam bakit hindi pa sya sinasagot nito
"Ok! Magbotohan nalang tayo kung sino pabor dun, tama din naman dahil sa taluhan sa tropa kaya tayo nasisira, so lahat ng may sama pa nangloob sa katropa sasabihin na ngayon at kung sino pa may lihim na pagtingin sasabihin narin ngayon. Iiwanan na natin lahat yon sa bundok na to at isasama sa pag-alis ng taong 2019, para sa 2020 maka-move on nalang tayong lahat" sabi ni ara
Wala ng nagawa si fhen kundi kumamot ng ulo kasi majority ang pumayag sa "tropa lang policy"
Isa-isa nang nagsabi ang barkada ng kanilang mga saloobin sa bawat isa
Nag-sorry si ara at bang sa isa't isa at nagpatawaran na sila ganun din naman si zoe at maddie
"Jema basterin mo na si fhen! Tutal bawal na magkajowa sa tropa, saka sabihin mo narin sakanya kung bakit hindi mo pa sya sinasagot" sabi ni kyla kay jema na nakangisi pa
Pinanglakihan naman sya ng mata ni jema
"Guys ako muna" singit ni ced
Tumungin kaming lahat sakanya
"Siguro tama ngang magkaroon ng kasunduan na walang taluhan sa barkada, dahil narin nakakasira ito sa mga magkakaibigan" tumingin muna si ced sakin at kay tots bago nagsalita muli
"Sorry deans at tots kung dahil sakin nasira ang pagkakaibigan nyo, pero sana naman bago matapos ang taon magbati na kayo. Isipin nyo naman yong pinag-samahan nyo na nagkalamat ng dahil lang sakin. Please magbati na kayo" nagtinginan kami ni tots
BINABASA MO ANG
Realismo
FanfictionJema and Deanna One Shot Stories Hango sa totoong kwento ng ating buhay