J's
"Mom, nandito na po si Tita Deanna at si Deallan" tawag sakin ni Maggie
Agad ko naman tinapos ang pagmemake-up ko
Sinipat ko muna ang simpleng floral dress na suot ko bago lumabas ng kwarto
Napangiti ako sa porma ni Deanna, parang hindi sila mag-ina ni Deallan sa ayos nila para silang magtatay
Parehas silang nakafloral na polo na dark blue tapos naka-plain short
Dati pa naman boyish na si Deanna pero tulad ko may asawa na sya kaya nakakapag-takang ganyan parin syang pumorma
"Para po kayong kambal tita" sabi ni Maggie
"Kayo rin naman ni Mommy mo!" Sabi naman ni Deallan
Tumingin sakin ang anak ko na nakafloral dress din katulad ng sakin
"Para mo talagang mini me, yang anak mo no? Kamukhang kamukha mo sya" nakangiting saad ni Deanna
"Kayo rin naman ni Deallan para kayong pinag-biyak na inidoro hahaha"
Kamukhang kamukha nya talaga tong anak nya, wala manlang nakuha yong asawa nyang si Ricci eh
Lahat ng features ng mukha ni Deallan kay Deanna lalo na yong makapal na kilay at sikit na mga mata
"Grabe ka naman sa inidoro, pwede namang pinagbiyak na bunga diba?"
"Hahaha joke lang, tara na nga baka gabihin pa tayo"
Sabi ko at umakla sa braso nya at lumakad na kami palabas ng bahay
Napag-kasunduan namin na tuwing weekend ilalabas namin ang mga bata
At ngayon nga magpipicnic kami halata naman sa outfit namin diba?
"Mommy, hindi ba natin tatawagan si Daddy?"
"Sana nandito rin si Papa, Mama"
Nagtinginan muna kami ni Deanna bago namin sinagot ang mga bata
"Tinawagan ko na ang Daddy mo, sabi nya next time nalang daw sya sasama dahil may emergency daw sa office eh!"
Kahit na hindi ako sure kung nasa office nga sya dahil wala naman office kapag weekend diba?
"Don't worry son, kapag umuwi si Papa mo, tyak akong masasamahan nya na tayo sa pamamasyal"
Kitang kita namin ang lungkot sa mata ng mga bata
Sabik sila sa Ama lalo na si Deallan dahil hindi naman nya nakakasama ang Papa nya
Si Maggie naman tuwing umaga lang nito nakikita si John Vic kapag hinahatid kami sa school
Kasama nga nya ang Daddy nya pero hindi naman nito maramdaman
---
"Gusto nyo ba ng ice cream?" Masiglang tanong ni Deanna pagkababa palang namin sa taxi
"Chocolate po sakin tita"
"Sakin din po Mama!"
"Ikaw Jema?"
"Ganun nalang din katulad ng sa mga bata"
"Sige wait, bibili lang ako ah? Hintayin nyo nalang ako dun!"
Turo nya sa table sa gitna ng park
Tumango naman ako at dinala ang mga bata dun
Habang hinihintay namin si Deanna nilatag ko na yong mga gamit namin sa bakanteng lamesa
"Mommy pwede po ba kami mag-bike?"
BINABASA MO ANG
Realismo
FanfictionJema and Deanna One Shot Stories Hango sa totoong kwento ng ating buhay