Nagising ako sa ingay ng baby karga-karga ni jema
"Ano ba? Ang ingay naman nyan hindi ako makatulog" siniringan naman ako ni jema
"May sakit yong anak mo tapos yong naistorbo mong tulog lang inaalala mo?" Asik nya sakin
"Oo mas mahalaga yong tulog ko kesa sa ano pa man nararamdaman nang batang yan" tugon ko sakanya
"Tangina deanna anak mo pinagsasabihan mo nang ganyan" tumayo ako at nilapitan si jema
"Hindi ko anak yan!!!!! Anak yan ng demonyong gumahasa sakin" dinuro duro ko yong baby
Hinampas at hinawi ni jema ang kamay ko
"Wag mo idamay yong bata sa galit mo deanna wala syang kasalanan sa ginawa nang tatay nya sayo" tumaas ang boses ni jema kaya lalo umiyak yong baby
"Shiiiieee sorry sweety nabigla lang si mommy, nakakainis kasi mama mo eh" pag-alo nya rito
Napasabunot nalang ako sa buhok ko 9 months na si daisy pero nasa loob palang sya nang tyan ko kinakasuklaman ko na sya
Pero lately naiinis ako sa sarili ko dahil tila lumalabot ang puso ko sa batang yan
Lalo na kapag napapasaya nya si jema gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita kong masaya si jema
Si jema na tumanggap sakin sa kabila nang pagkakamali ko
Hindi ko yon ginusto dahil pinagsamantalahan lang ako nang gago kong manager
Nilagyan nya ng drugs yong iniinom ko one time nung nagbar kami
Nagising nalang ako na wala na kong saplot at na nakangisi nyang mukha ang bumungad sakin
Nung nalaman kong buntis ako hindi ko matanggap hiniwalayan ko si jema pero hindi sya pumayag tinanggap parin nya ko sa kabila nang lahat
Nagsampa kami nang kaso kaya lang binasura ito dahil pinalabas nang hayop kong manager na magkasintahan kami at handa nya ko panagutan
Pero tinuloy parin namin ang kaso kahit wala kaming laban dahil may backer ang gagong yon sa loob ng saligang batas
Dito talaga namin napatunayan na walang hustisya ang mahihirap sa pilipinas
Kung wala kang pera ibabaon ka lang ng mga may kaya sa buhay
Sobrang frustrated ko sa mga nangyayari sa buhay ko kaya sa batang walang kamuang muang ko naibubuhos ang galit ko sa mundo
Pero thankful parin ako kay jema na laging nandyan at kahit kelan hindi ako iniwan
Sobrang mahal ko talaga sya
"Deans please dalin na natin si daisy sa hospital" nabalik ang ulirat ko sa pag-tawag sakin ni jema
"Bakit?" Tinignan ko lang sya
"Deanna inaapoy na nang lagnat yong anak mo!!!, ganyan parin reaksyon mo!!!!" Tumaas na naman boses nya
Nilapitan ko na sila hinawakan ko noo ni daisy
"Je-jema mainit sya" natataranta kong sabi sakanya
"Kaya nga dalhin na natin sa hospital eh" giit ni jema
"Pero wala tayong pera" sabi ko
"Tangina naman deanna wag na muna natin isipin yan mahalaga madala natin sa ospital anak mo" tumango nalang ako
Hinanda ko na lahat nang dadalin namin
"Mama, si daisy dadalhin namin sa hospistal" taranta kong tawag sa kwarto ng magulang ko
BINABASA MO ANG
Realismo
FanfictionJema and Deanna One Shot Stories Hango sa totoong kwento ng ating buhay