Outbreak

1.5K 70 30
                                    



"Nanay lalabas muna ako? Bibili lang ako ng gamot mo" paalam ko sa lola kong walang tigil sa pag-ubo sa kaniyang higaan

Ilang araw na itong may sakit halos inaapoy nga ito ng lagnat kagabi

Kaya lang hindi ako makalabas dahil sa curfew na pina-pairal sa buong Luzon

Lockdown na ang buong Pilipinas dahil sa pandemic na virus na lumilibot sa buong mundo

At maraming ng pinatay na tao

Nag-mula ang sakit na ito sa wuhan china kung saan unang lumaganap ang nakakatakot na salot na ito

Simpleng sakit lang sya na maaaring kumitil sa buhay mo

Pinapahina kasi nito ang immune system ng katawan ng taong infected nito

Tinitira rin nya ang baga mo dahilan para hindi ka makahinga at yon ang magiging dahilan ng kamatayan mo

Nakakahawa ang sakit na ito kaya talagang nagiging problema na ito ng buong mundo

Dahil ang isang infected ay maaaring makahawa ng lima katao kapag nakasalamuha mo ito

Kaya nga may lockdown na ang buong  Pilipinas o sa buong mundo

Para mabawasan ang pwede maapektuhan pa ng sakit na ito

Nag-aalala rin ako sa lola ko ngayon dahil yong sintomas ng sakit na yon ay parang nakikita ko sakanya

Tulad nga ng mataas na lagnat at pag-ubo nito

Pero hindi naman ito nahihirapan huminga kaya hindi parin ako sigurado kung virus nga ito

Tama trankaso lang yon at kailangan lang nitong uminom ng gamot

Wala naman itong nakasalamuhang infected kaya malabong magkasakit sya nun

Teka wala nga ba?

Tindera ito ng kendi at sigarilyo sa babaan ng PUV sa gilid ng mall

Pinilig ko ang ulo ko, walang sakit ang lola ko trangkaso lang yon at gagaling na ito pagka-inom ng gamot

Napahinga ako ng malalim nang makita kong wala katao tao sa labasan namin

At may mga tanod na nakaharang sa bawat daanan palabas ng barangay namin

"Saan ka pupunta?" Sita ng isang tanod sakin

"Bibili po ako ng gamot ng lola ko" saad ko

"May quarantine pass ka ba?" Tanong nito

Pinakita ko naman ang papel na binigay sakin ni Mafe kapatid ng girlfrien ko

Barangay captain kasi si Tito Jess sa lugar namin kaya nabigyan ako agad

Agad akong pinalusot ng tanod pakakita nya sa quarantine pass ko

Malapit na ako sa botika nang biglang naglabasan ang mga tao

Nagkakagulo sila sa masikip na eskinita na dinadaanan ko

Kaya nabubungo nila ako pabalik sa pinanggalingan ko

"Padaanin nyo ako bibili ako ng gamot ng Nanay ko!!!!" Sigaw pero hindi sila nakikinig

Patuloy lang silang sa pagtutulakan para makapunta sa barangay

"Ano bang nangyayari?" Tanong ko

"Magbibigay na daw ng relief goods si kapitan Jess" sagot ng isa sa kapit bahay ko

Bakit kailangan nilang pumunta? Diba ang utos ng pangulo ay ihahatid sa bahay-bahay nila?

Sobrang tigas talaganng ulo ng mga Pilipino

RealismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon