"Yes, I Do" napangiti at napatitig ako sa napakagandang babae sa tabi ko
Bagay na bagay talaga sakanya ang isang puting puti kasuotan nito
Hindi parin ako makapaniwala na hahantong kami sa punto ng buhay namain na ito
Dati pangarap lang naman matali at maka-isang dibdib ang isa't isa
At ngayon nga natupad na pangarap na iyon
Sobrang saya lang sa pakiramdam na matatawag ko ng misis ang babaeng dati kaibigan ko lang
Hindi ko akalain na mamahalin nya rin ako tulad kung paano ko sya minamahal
Ipag-lalaban at ipagmamalaki sa ibang tao na ako ang pinili nya
Wala na ata akong mahihilingin pa sa babaeng ibinigay Niya sakin
Kasi kung gaano ako katapang harapin ang humuhusga sa klase ng relasyon namin
Ganun din kalakas ang loob nya para samahan ako sa laban ng pagmamahalan naming ito
Hindi madaling pumasok sa isang relasyon alam mong maraming againts sainyo
Maraming hadlang na susubukin patatagin ang pag-iibigin ninyo
Sa mata ng iba hindi normal ang klase ng relasyon na ito
Kaya hindi rin normal ang pagsubok na pinag-dadaanan ng mga tulad namin
Hindi madaling sumabay sa agos ng mundo lalo na kung imoral ang tingin sainyo
Mahirap pumasok sa relasyong hindi tanggap ng mundo at kunti lang ang nakakatagal rito
Kung mahina ka matatalo ka sa mga mapang-husga nilang mga mata!
"Jema and Deanna, we have heard your promise to share your lives in marriage. We recognize and respect the covenant you have made here this day before (God and) each one of us as witnesses. Therefore in the honesty and sincerity of what you have said and done here today and by the power vested in me by the Province of Ontario, it is my honour and delight to declare you married and partners in life...for life." Officiant said
"You may seal your vows with a kiss." At mabilis pa sa alas kwatro hinalikan ko na ang babaeng mahal na mahal ko at asawa ko na ngayon
"Deans!!!!!" Mahihinang tapik sa pisngi ko ang nagpagising sakin
"Hmmmmm" mabagal kong minulat ang aking mga mata
Tumambad sakin ang mukha ng maganda kong asawa
"Nananaginip ka naman, ano na naman ba napaniginipan mo!"
"Kinasal na daw tayo" nakangiting saad ko
"Hanggang panaginip nalang talaga yan" tapos tumayo na sya sa kama
Napanguso naman ako "alam ko malabo mangyari yon, pero susubukan ko parin tupurin ang pangarap natin"
"Pangarap na ikasal? Magkaanak? Sa tingin mo matutupad yan sa klase ng trabaho mo?" Inis na usal nya
Hay naku heto na naman po kami ano bang masama sa pagiging call center agent?
Malaki naman sahod dito ah? Nabubuhay ko naman sya
Napa-upo ako sa kama at kumamot sa ulo ko
"Ano pa bang gusto mong gawin ko? Nag-susumikap naman ako para sating dalawa ah?"
BINABASA MO ANG
Realismo
FanfictionJema and Deanna One Shot Stories Hango sa totoong kwento ng ating buhay