"Icay!!!!!" Tawag ko sa isang batang babaeng naglalaro sa swing ng palaruang malapit sa bahay namin
Ngunit tumakbo ito at mabilis na nawala sa paningin ko
Hinabol ko sya pero hindi ko na talaga ito naabutan
Natawa ako sa isiping namamalikmata na naman ako dahil sa sobrang pagkamiss sa mag-ina
Ilang taon na ba ang lumipas? Simula nung kinuha sila ng totoong pamilya nila?
Ilang taon na ba ang lumipas simula nung nagpasya sila na sumama sa lalaking iyon?
Dahil gusto ni Icay magkaroon ng tunay at normal na pamilya
Ilang taon na ba ang lumipas simula nung iniwan ako ni Jema para maging buong pamilya sila
Ilang taon na ang lumipas pero hanggang ngayon minumulto parin ako ng nakaraan ko
Lagi ko parin nakikita si Icay tumatakbo sa playground na ito
Kung saan kami madalas maglaro pero tulad ngayon bigla nalang ito nawawala at hindi ko na makita
"Auntie Deanna" lumingon ako kay Ava na nakasunod na naman sakin
Ngumiti ako sakanya, matamlay naman itong lumapit sakin at inalalayan ako
"Auntie please kalimutan nyo na sila, ikaw lang nahihirapan eh"
"Iuuwi mo nalang ako Ava"
Bumuntong hininga ito bago lumakad palayo sa playground na kinaroroonan namin
Mabagal ako nitong hiniga sa kama "matulog ka po muna, gigisingin nalang po kita kapag kakain na tayo" sabi nya bago lumabas ng kwarto ko
Si Ava lang ang kasama ko dito sa bahay namin ni Jema
Simula kasi nung iniwan ako nito, sila ni Icay, hindi na ako muling nagmahal pa ng iba
Dahil hanggang ngayon umaasa parin ako na marerealized ni Jema at Icay na ako talaga ang totoong pamilya nila
Pero ilang taon na ba ang lumipas? Tiyak kong nasa college na si Icay ngayon, pero hindi parin sila bumabalik
Naging sakitin narin ako dala narin siguro ng katandaan kaya pinasamahan nalang ako ni ate Cy kay Ava dito sa bahay ko
Nasa middle 40's palang ako pero ang dami ko ng sakit na nararamdaman
Sabi nila dala daw iyon ng labis kong pagkalungkot kaya dinamapuan agad ako ng maraming sakit
Hindi ko na kaya magtrabaho kaya nagbusiness nalang kami ni ate
Pero hindi ko rin maasikaso dahil sobrang hina na ng katawan ko
Kaya sya nalang ang nag-mamanaged nito
Kinapa ko ang cellphone ko at nahagip iyon ng palad ko sa bandang ilalim ng unan ko
Lagi kong sinusubukan hanapin ang mag-ina ko sa pamamagitan ng social media
Gumawa rin ako ng account ko baka sakaling hanapin din nila ako
Pero wala talaga eh, mukhang nakalimutan na nila talaga ako
Masaya na sila sa binuo nilang normal na pamilya na hindi ako kasama
Hinawakan ko ang dibdib ko naninikip na naman ito
Tumutulo na naman ang luha sa mga pisngi ko
"Auntie" nag-aalala na naman si Ava kaya mabilis kong pinahid ang luha ko at ngumiti dito
BINABASA MO ANG
Realismo
FanfictionJema and Deanna One Shot Stories Hango sa totoong kwento ng ating buhay