"Oo ito na! Pababa na ako ng Fx nasan ka ba?" Tanong ko sa kausap ko sa kabilang linya
Agad akong bumaba sa sasakyang lulan ako, nang huminto ito sa isang mall
"Coffee shop? Ok nakita na kita" at kinawayan ito nang makita ko sya sa glass window ng kapihang kung saan nya ako hinihintay
Naka-upo ito sa pang-apatang table sa dulo ng shop
Binaba ko ang tawag at pasimpleng sinipat ang itsura ko sa salamin ng isang store na katapat ko
Pinag-pag ko rin ang red dress ko bago tuluyang pumasok sa Coffee shop
Pagbukas ko ng sliding door saktong may lalabas din ngunit hindi ko nakita dahil marami syang dala
Kaya nabaga nya ako nang magsalubong at sabay kaming tumapat sa pinto
Nahulog lahat ng dala nyang carton agad kaming napatingin roon
Napahinga ako ng maluwag, buti nalang talaga nakatali ito ng sama-sama kaya hindi nasira at nabuksan
Bumalik agad ang tingin ko sa nakabangga ko
Nakasuot ito ng helmet kaya hindi ko mamukhaan
Hindi ko din alam ko kung lalaki ba ito o babae
Nakasuot din kasi ito ng leader jacket na sarado hanggang leeg
Pero payat sya at matangkad napansin ko rin na makapal ang kilay nya at singkit ang mga mata nito
Malinaw kasi yong salamin ng helmet sa bandang mata nun
Nakatulala lang din sya sakin tila ba nashock sa nang-yari
"Sorry" usal ko nang matauhan ako
Yumuko naman sya sakin at agad na pinulot ang box sa lapag ng shop
Hindi ko alam kung tutulungan ko ba sya o kung ano
Natataranta narin ako mga besh
"Jema!!!" Napitlag ako sa boses na tumawag sakin
Jusko yong date ko nakalimutan ko na
Tumango yong nabangga ko para bang sinasabi nya na ok lang sya
"Thank you , sorry ulit" sabi ko bago tuluyang umalis sa harap nya
"Ok ka lang?" Tanong ni Erik at tumayo ito sabay beso sakin
"Oo naman na-shock lang ako" sabay nguso ko at palo ko rito
"Hahaha halata nga, oh sya kalimutan mo nalang yon at umupo na tayo para maka-order na" sabi nya at inalalayan akong umupo
"Thank you, kanina ka pa ba?" Tanong ko sakanya
Umupo ito sa tapat ng upuan ko
"Hindi naman halos kararating ko lang din" at ngumiti sya ng sobrang tamis
Syete may nahulog ata sa baba!!!
Yong puso ko mga gaga hahaha
Sobrang guapo talaga nya kung titi-tigan mo sya kamukha ito ni James Reid
Feeling ko tuloy si Nadine Lustre ako charrr!!!
"Jema, may gusto sana ako ipag-tapat sayo" hinawakan nito ang kanang kamay ko
OMG magtatapat na ba sya sakin?
Heto na ba ang pinaka-hihintay kong araw na magtatapat na ang matagal ko ng lihim na minamahal na bestfriend ko?
Wait lang besh paano kumalma?
Ok ready na me
"Ano yon?" Excited kong tanong sakanya
BINABASA MO ANG
Realismo
FanfictionJema and Deanna One Shot Stories Hango sa totoong kwento ng ating buhay