Your Guardian Angel

1.3K 68 26
                                    





Isang rumaragasang motorsiklo ang papunta sa gawi ng aming sinasakyan.

Tila ba, hindi nito macontrol ang bilis ng pagbulusok nito. Hindi ako sigurado kung nasa wisyo ba ang driver ng motorsiklo. Malakas na ingay ang ginagawa nito, sa gitna ng katahimik ng gabi, tanging malakas na iyak lang ng motor na sasalpok sa kotseng lulan kami ang nangingibabaw.

"Mang Edgar!!!!!" Sigaw ko, para kasing natulala rin ang driver namin, at hinihintay nalang ang motor na sumasalubong sa amin.

Agad napitlag si Mang Edgar, mabilis nyang kinabig ang manibela, ngunit huli na dahil nasa bungad na ng sasakyan ang motorsiklo. Dumausdos ito sa gilid, ng kotse. Kitang kita ko ang pag-spark ng motor sa gilid ng kotse. Tila ba nag-slowmo rin ang pagtalsik ng driver nito.

Umalingawngaw sa gitna ng katahimikan ang sigawan ng mga kasama kong madre at ng mga ilang bata.

"Diyos na mahabagin, iligtas mo po kami sa kapahamakan." Dalangin ni sister Gina.

Napapikit at napayuko ako. Gaya ni sister Gina at ng ibang madre, tahimik akong nanalangin sa Lumikha, hiniling kong iadya kami sa kapahamakan. Sa gitna ng malakas na kabog ng aking dibdib dala ng kaba aking nararamdaman......

"Sister Marga...." Humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Jillian.

"I'm here.... I'm here...." Sabi ko habang pinapakalma ang sarili ko, kahit pa takot na takot na talaga ako......

Dumiin ang pagkakapikit ng mata ko.... Hinihintay ang mga susunod na mangyayari......








"Salamat Panginoon, hindi mo po kami pinabayaan." Malakas na panalangin ni sister Gina.

Nakababa na kami sa sasakyan, ang swerte lang dahil bigla nalang huminto ang kotse, malapit na kaming sumalpok sa malaking puno. Buti nalang at mabilis nakapreno si Mang Edgar.

Hinawakan ko ang dibdib ko, sobrang lakas parin ng kabog ng puso ko, takot na takot parin ako.

"Diyos ko." Nagsign of the cross si Mother Teresa. "Ang driver ng motorsiklo."

Dun lang nagsink in sa aming lahat na may muntik na nga palang bumangga sa sinasakyan naming, wasak na ang motorsiklo at wala ng malay ang driver nito.

"Tulong.... Tumawag kayo ng tulong." Sabi ulit ni Mother Teresa. Nauna itong pumunta sa gawi ng driver ng motorsiklo.

"Dito lang kayo mga bata." Sabi ko naman, bago sumunod kay Mother.

"Sister Marga, icheck mo nga ang pulso nya."

Mabagal kong nilihis ang laylayan ng white habit na suot ko. Upang hindi ito makasagabal sa pagluhod ko.

Malumanay kong dinampi ang dalawang kong daliri sa pulso ng driver ng motorsiklo. Mabagal itong pimipitik-pitik tanda na may pulso pa ito.

"Buhay pa po sya Mother Teresa." Magalang kong saad.

"Salamat sa ating Panginoon." Tila nabunutan ito ng tinik sa dibdib at nabawasan ang pag-aalala.

Pinagmasdan ko ang nakahigang driver ng motorsiklo, suot parin nito ang helmet nya. Kaya hindi ko parin nakikita ang mukha nya. Sa tansya ko, mataas itong tao, siguro eh, matangkad sya sa akin. Payat din ang pangangatawan nya, base sa fitted nitong black pants na suot. Nakablack leather jacket din sya, at leather boots naman ang panapin nito sa paa.

Tangka ko na sanang tatanggalin ang helmet nito upang makilala ko na kung sino mang itong muntik ng maka-aksidente sa amin.

"Sister Marga, 'wag mong galawin ang kaniyang ulo, baka matindi ang tama, at lalong madamaged ang kanyang ulo." Pigil sa akin ni Mother Teresa.

RealismoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon