DESTINY 2

121 23 9
                                    

Aurora POV

'Mamayang alas onse ng gabi sa gitna ng kagubatan ng Polaris'

Dun kukunin ng mga bampira si Ate Andrea kapalit sa posisyon ko. Kaya kailangan kong makarating dun bago pa nila malaman. I need to know what they are hiding. Kung kampante si ate Andrea na di siya sasaktan ng mga bampira gamit ang pakatao ko then I'm sure It's not that dangerous.

Di naman nila ako hinahanap para patayin right? At base sa reaksiyon kanina ni Ian mukhang takot sila sakin. Saka tinawag niya din akong reyna. Curiousity will really kill me!

'Bat ako hinahanap ng mga bampira at bat ako tinatago'

Yan ang kailangan kong malaman.
kailangan kong maunahan si ate sa pag punta sa gubat ng polaris mamayang gabi.

Naramdaman kong may bumubukas ng pinto ko kaya agad kong kinadado yun.

"Give me some space" sabi ko at nagkukunwaring nagtatampo. Sa ganun ay di na nila ako hanapin mamaya pag isinagawa ko na ang plano ko.

Kinuha ko sa drawer ang punyal. May ruby ito sa gitna ng hawakan at may nakaukit ding mga letra na di ko maintindihan dahil iba ang lingwahe. Ito ang punyal na nasa panaginip ko. Ngayon ay napagtanto ko na baka hindi lang iyon isang panaginip kundi memorya . Ito lang din ang tanging gamit na pamilyar sakin simula nung minulat ko ang mata ko tatlong taon nang nakalipas.

Sinuksok ko ang punyal sa ilalaim ng dress ko kung saan tinalian ko ito ng lubid. Ito lang ang kaya kong dalhin para maging proteksyon.

"Aurora maari mo ba akong bigyan ng pagkakataon na makausap ka? Nais lang kitang makita bago ako umalis" rinig kong boses ni ate sabay katok sa pintuan ko.

"S-Saan ka pupunta?" Tanong ko kahit alam ko naman ang sagot.

"Sa bayan ni Mr. Gregorio, kailangan kong malaman ang kasunduan na gaganapin sa bayan natin" Sinungaling!

"Kausapin mo nalang ako pag balik mo, hindi ka naman mag tatagal diba" sagot ko at narinig ko ang pag sermon ni mama pero di ko nalang pinansin.

"Sorry ate" inihanda ko ang sarili ko bago dumaan sa bintana. Sinigurado ko muna na wala talagang tao sa paligid. Hindi rin ako nahirapan dahil sa oras nato ay tulog na ang mga kababayan ko.

Nilingon ko ng huling beses ang bayan namin bago tinapak ang paa ko sa gubat ng Polaris. Di kalayuan ang gubat nato sa bayan namin ngunit ito ang unang pagkakataong nagpunta ako dito, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil pinagbabawalan ako nina mama.

"Kaya mo yan Aurora, tapang-tapangan ka diba" napatingin ako sa mga puno sa gubat ng Polaris, nakakatakot.

Tanging sinag lang ng buwan ang nagbibigau liwanah sa paligid at sa bawat pag lakad ko ay rinig ko ang pagkadurog nga mga dahon at kahoy. Di ko namalayan na nanginginig na pala ako.

'H-Hindi ko kaya'

Huminto ako at napag desisyonan na gusto ko nalang bumalik at matulog sa kwarto ko pero tuwing nililingon ko ang daan pabalik ay napagtanto ko na ang layo ko na, at di din ako nag iwan nang marka kung saan ako nanggaling kaya di ko na alam kung pano bumalik.

'Tanga ko talaga'

"Kailangan mo lang pumunta sa gitna" kausap ko pa sa sarili ko. Huminga ako ng malalim at kinapa ang punyal na naka kabit sa binti ko.

'Pano kung salakayin ako ng mga ligaw na hayop?'

"Aww!" Napadaing ako ang mapasalampak ako sa lupa dahil sa nakaharang na ugat ng puno sa paa ko.

destined to a vampire Where stories live. Discover now