Aurora POV
''Ayokong mamatay ka nang dahil sakin"
"Di ako mamamatay ng dahil sayo, sadyang ikaw lang ang daan para mamatay ako,dahil yun ang aking kapalaran"
"Babaguhin ko ang kapalaran... Claude"
Nagising ako sa malambot na kama,umupo ako kahit nakapikit pa ang mata ko.
"Ano namang klaseng panaginip yun?" Iniling ko ang ulo ko. Naalala ko naman ang nangyari kagabi. Kinapa ko ang sugat ko pero walang kahit anong bakas nito sa katawan ko.
"Claude" bigkas ko. yun ang kanyang pangalan...yun ang pangalan ng hari!
"Claude" bigkas ko ulit kahit di ko naman alam kung bakit ko yun inuulit.
"Claude"
"Why?" Napatalon naman ako sa gulat nang may nag salita sa gilid ko. Ang hari ng bampira, naka upo siya sa isang upuan habang may hawak na baso na nag lalaman ng pulang likido.
"N-nandyan ka pala,wag mong sabihing dyan ka natulog"
"Di natutulog ang mga bampira" oo nga pala!
"Eh anong ginagawa mo diyan?"
"You can't call my when you're asleep. So I'm guarding you" saka siya ngumiti.ito na naman ang nararamdaman kong pag tigil ng tibok ng puso ko. bakit ba lagi nalang siyang ngumingiti ng walang dahilan? Baliw ba siya?.
*knock*
*knock*
"Binibining Aurora kailangan mo na daw kumain" tumayo ako at pinagbuksan si Xander ng pinto. Agad itong nag bow nang makita sa likod ko ang hari ng bampira.
"die enim bona nostrum regem" sabi pa ni Xander.
"Maari ko na po bang ihatid si binibining Aurora sa silid kainan?" Tumango lang ang hari nang bampira.
"Go with him and eat" tumango naman ako at sumama kay Xander.
"Gusto ko lang ipaalam sayo binibining Aurora na kasabay mong kakain ngayon si prinsesa Caliyah at prinsipe Chase sana wag mo ipahamak ulit ang inyong sarili" paalala ni Xander habang nag lalakad kami sa pasilyo.
"Anong oras naba?" Alam kong umaga ngayon pero madilim padin ang buong paligid, natabunan kasi ng malalaking kurtina ang mga bintana kaya di man lang makalusot ang sinag ng araw.
"Tanghali na binibining Aurora. Masyado ka atang napagod kahapon kaya di ka nagising ng maaga" ngayon lang ako tinanghali ng gising.siguro masyado nga akong napuruhan sa ginawa ni prinsesa Caliyah sakin kahapon.feeling ko din ay nanghihina ako.
"Magandang araw prinsesa Caliyah, prinsipe Chase" bati ni Xander at yumuko nang makarating kami sa dining room.
"Same" sabi ko at nag bow din bago umupo sa upuan kaharap ni prinsesa Caliyah. Napatingin siya sa leeg ko at napa smirk siya nang makitang wala na dun ang sugat na iniwan niya kahapon.si Prinsipe Chase naman ay napayukom ng kamao.
"Anong meron sa pagbabago ng ugali mo Reyna Aurora. Pinaglalaruan mo na naman ba kami?" Sabay inom niya sa baso na may lamang pulang likido na lagi niyang ginagawa. Simusubukan na naman niya ako.
"Na napagtanto ko kasi na wala namang kwenta pag makipag talo sa iyo mahal na prinsesa" magalang kong sabi.
"Buti naman at nagising ka din" ngumiti lang ako sa kanya ng peke. Dumating naman si prinsesa Hailey, ang magaling na pinsan ng hari na halatang may galit din sakin.