DESTINY 20

26 3 2
                                    

Aurora POV

"Aray binibining Aurora!" Naglalabasan pa yung mga ugat ni Xander kaya ramdam ko kung gaano kahapdi tong gamot. Gumawa kasi ako ng herbal na gamot para sa sugat, no choice nako dahil wala namang mag bigay samin ng gamot dito.

"Binibining Aurora gamot ba talaga yan?" Di ko alam kung anong isasagot ko dahil gawa gawa ko lang ang gamot na to kaya di ko alam kung effective ba. basta lahat na ng halamang gamot na alam ay ginamit ko. Nilagyan ko ng mga malunggay, oregano, aloe vera at kung ano ano pa.I really don't know what to do dahil agaw buhay si Xander kanina.

Kinuha ko ang mga halamang to sa secret garden na di naman talaga secret pero mukhang kami lang ni prinsipe Klint ang nakakaalam.

"Aray aray!" Ginagawa ko ang lahat para tapalan ang lahat ng sugat niya dahil di tumitigil ang pag agos ng dugo,samantalagang sakin pasa lang.

Kanina ko pa pinipigilang du maluha ko sa kalagayan si Xander, well, kung ganito ang aabutin ng mga taong tumutulong sakin then ayaw ko nang humingi ng tulong.

"Pasensya..." Nanuyo ang lalamunan ko dahil gusto ko na talagang umiyak. Kung di dahil sakin di siya nagkakaganito.

"O-Okay lang binibining Aurora,saka di na pala masakit tong gamot" nagpanggap pa siyang di nasasaktan para lang gumaan ang pakiramdam ko kahit alam kong pinipigilan niya lang na di dumaing. Malamang mahapdi talaga to dahil anlaki ng mga sugat niya.

"No, pasensya talaga sa kanina.At Sa lahat lahat na, sorry" di ko na iisa isahin kung ano ang dapat ko pag hingan ng tawad sa kanya dahil di ko na din mabilang ang mga mali ko.

"Wala nga yun, saka--" I cut him off.

"Saka tarabaho mo naman yun? Kung di mo lang sana trabaho yun edi sana di kapa napahamak?" Pangunguna ko kaya kumunot ang noo niya. Kasalan to nga hari! Bakit pa kasi siya yung inatasan ng hari.

"Saka... Kaibigan kita" pagtatama niya.medyo huminto ang paghinga ko nang lumungkot ang mukha niya.

"Xander..."

"tingin mo ba binibining Aurora dahil lang sa inatasan ako ng hari na protekhan ka ay ang dahilan kaya kita pinakikitunguhan ng ganito?" Di ako makasagot di ako maka kapa ng sasabihin dahil mukhang pinag isipan ko pa siya ng masama sa kabila ng mga ginawa niya sakin.

"Di to dahil sa trabaho" sabay turo sa mga sugat niya. Ngayon ko lang nakitang seryoso si Xander.

"At di naman to kasama sa trabaho. At di rin dahil sa trabaho ang pakikitungo ko sayo. Kaibigan kita binibining Aurora diba?" Tumango ako then di ko na napigilang maiyak, di lang ako basta umiyak dahil na napa hagulgol nako. Kanina ko pa pinipigilan ang mga luhang to kaya parang sasabog na yung puso ko.

Bakit ba laging may nasasaktan ng dahil sakin? It's all my fault. And worst di man lang niya ako pinagalitan sa katangahan ko kanina.

"Binibining Aurora tumahan kana.saka wag kang mag alala sakin dahil di naman ako mamatay dahil lang dito" sabi pa niya kahit namumutla na siya. Matagal na siyang maputla pero mas pumutla siya kaya akala ko talaga mamatay na siya kanina.

"Sorry... Sorry talaga Xander" parang gusto ko nalang bumalik ang hari ng bampira dito para kahit papano ay mapigilan man lang si Prinsesa Caliyah. But what if mas malala pa ang aabutin namin kung sa hari kami nagkasala?

"Ayos nga lang" he smiled kaya nagpatuloy nalang ako sa paggamot sa kanya. He still flinched kada lagay ko ng gamot pero tinitiis pa din niya.

"Pinapangako ko na gagawin ko ang makakaya konpara lumakas nang sa ganun ay maprotektahan din kita" sincere kong sabi pero tinawanan niya lang ako.aba nakakatawa ba yun?

destined to a vampire Where stories live. Discover now