DESTINY 13

51 4 0
                                    

Aurora POV

"Sa labas?" Sa pagkakaalam ko tanghali ngayon kaya matindi ang sikat ng araw sa labas.

"If you don't want to then we can just continue--" I cut him off.

"Lalabas tayo" ayokong makasama siya sa isang silid. Hinatak niya ako papalabas sa kwarto at sabay kami na naglakad sa pasilyo nang magkahawak ang kamay.

Nadaanan pa namin sina Xander at Clark, nilingon ko sila at sinenyasan na iligtas nila ako ngunit todo pa ang ngiti nila sakin na parang inaasar pa ako. Mga baliw!

Bumukas ang napakalaking pinto at nasilaw ako sa liwanag sa labas. Ilang araw naba akong hindi nakakakita ng sinag ng araw?.

lumabas kami sa kaharian at ito ang unang beses na nakita ko ito sa umaga. Mukha pala talaga siyang hunted mansion, kahit sa umaga nakakatakot pa din.

Na realize ko na di nasusunog sa araw ang hari ng bampira.ibig sabihin di pala totoo na nasusunog ang bampira sa araw?

"Saan tayo pupunta?" Di man lang niya ako sinagot o binalingan man lang ng tingin.

Inilibot ko nalang ang paningin ko sa paligid, nakita ko ang kagubatan ng polaris .akala ko doon kami patungo ngunit iba ang tinahak naming direksyon.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Pataas ng pataas na kasi ang lupa na nilalakaran namin.

"Pwede ka namang sumago---" di ko natuloy ang sasabihin ko nang halikan niya ako. Di ako nakagalaw sa sobrang gulat.gumalaw ang labi niya at hinawakan ako sa batok para mas diinan ang pag halik niya.

Pinadausdos niya ang isang kamay niya sa bewang ko. Nauubusan na ako ng hangin sa ginagawa niya pero bago ko pa siya maitulak ay siya na mismo ang lumayo.

"Learn when to shut your mouth" sabi niya at inirapan ako saka nag simula ulit mag lakad habang ako ay naestatwa pa din sa kinatatayuan ko. What was that?

'Sinama lang ba niya ako para apihin?'

Magkakalahating oras na kaming nag lalakad pero di parin kami naka abot sa tuktok, alam ko na na nasa bundok kami at plano ata niyang abutin ang tuktok nun.

"N-Napapagod na ako mahal na hari" Malayo din ako sa kanya ng isang metro ng sa ganun ay di niya ako basta basta na mahalikan kagaya ng ginawa niya kanina.

"Kyaahh anong ginagawa mo?!" Napasigaw ko nang bigla nalang siyang nag teleport sa tabi ko at binuhat ako na parang sako ng bigas.

"Nung namasyal kami ni prinsipe Klint di niya ako ginaganito" bigla kong tinakpan ang bibig ko nang mapagtanto na sinabi ko ang dapat nasa isip ko lang.

"eo nunc tibi? (do you like him?)" Agad akong umiling.

"N-nope" bigla akong nahilo nung nag teleport siya saka ako binaba.

Nasa isang bangin na kami ngayon. Sobrang lakas ng hangin dito at mapayapa kaya dinama ko muna ang hangin.

Hinagilap ko ang hari at nakita ko siyang nakaupo sa isang bench habang naninigarilyo. Ugh! kung pumunta siya dito para lang manigarilyo bakit pa nya ako sinama.

Pinagmasdan ko siya habang naka pikit siya at bumubuga ng usok,I wonder bakit pula ang labi niya kahit maputla ang kulay niya.I look at his silver and black piercings,then to his cigarette and down to his black V-neck shirt and super pale skin. He's a beautiful mess.

Muntik nang lumabas ang puso ko nang dumilat siya at tinignan ako ng masama. Napa fake cough ako at nag kunwaring tinitignan ang mga puno sa likuran niya.

destined to a vampire Where stories live. Discover now